"Kasama niya si Zarria. Don't worry about her. I am sure Erriah is fine. Hindi siya pababayaan ng kambal" hinalikan ni Leandro ang aking pisngi bago niya ako isinampa sa counter ng kitchen.
Nasa Manila kami. We travelled through land. Matagal ang byahe pero kailangan naming bumyahe gamit ang kaniyang sasakyan dahil tiyak raw na malalaman ng kaniyang magulang na umalis kami sa Villa Larra kapag nag-eroplano pa kami.
Nasa Manila rin ang kapatid ko. Alam ni Leandro ang tumatakbo sa isip ng magulang niya kaya alam niyang mangyayari ito. Narito na si Erriah bago pa kami umalis sa condo para pumasyal.
"We're gonna have a party with them later, isasama siya ni Zarria"Dagdag niya habang kinukuha ang mga almusal namin para ihanda. Lumapit siya sa akin at hinalikan muna ang tungki ng aking ilong bago bumalik sa paghahanda. Natawa nalang ako dahil doon.
Hindi naging maganda ang araw para kay Leandro lalo na at panay ang tanggap niya ng tawag para sa mga balita sa magulang niya. Alam kong marami na siyang alalahanin at dumadagdag pa ako.
I want to be loved and fill the emptiness when I lived alone,nang mamatay kasi ang mga magulang ko at maiwan akong mag-isa. Hindi ko na naramdaman ang mahalin. Animo'y mag-isa ako sa mundo,ganoon ang nararamdaman ko noon. Not until I met my sister,Erriah,and especially Leandro. Sila ang nagbigay muli ng puwang na 'yon sa puso ko.
"Let's go"yaya niya sa akin pagkatapos niyang ibaba ang kaniyang telepono.
Tumango ako at ngumiti. Inaasam na sana mapalakas siya ng ngiti ko. Tumingkayad ako upang halikan siya. Bibitaw na sana ako ngunit mabilis na pumulupot ang kaniyang braso sa aking bewang para mapigilan ako. Ang mabilis na halik ay naging malalim at matagal.
"Leandro..."banta ko sa kaniya pero lumabas lamang 'yon na nangungusap na ungol.
"Let's go before I changed my mind and I'd took you here"
Natawa ako. Mabilis kong kinapit ang aking braso sa kaniya at tumango.
Sa isang high-end bar sa BGC kami pumunta. Nagtaka pa ako pero sinabi niyang dito gusto ng kaniyang brat na kapatid kaya wala siyang magagawa.
"How about Erriah?She's still a minor,Leandro"alala ko habang hinahanap namin ang kaniyang kapatid. The whole bar is wildly. Tila hayok na hayok ang lahat sa pagsasaya. Maging ang mga sumasayaw na ilaw ay buhay na buhay,sinasabayan ang giling ng bawat tao sa dancefloor. Ang malakas na tugtog ng musika ay pumupuno sa buong tainga ng bawat isa.
"Zarrick is here too. Hindi niya pababayaan ang dalawa"
Napangiwi ako. Alam ko ang ugali ng nakababata niyang kapatid na lalaki kaya duda ako sa sinabi niya. Hindi kayang bantayan ni Zarrick ang dalawa,mas uunahin pa nito ang pakikipaghalikan at pagsisigarilyo kesa sa pagbaby-sit sa dalawa and knowing Zarria,hindi niya hahayaang pagbabawalan lang siya ni Zarrick. She can do whatever she want. Tsk.tsk. Kailangan ko talagang mahanap ang kapatid ko. Baka mamaya'y tinuruan na siya ni Zarria ng kahit anong kaartehan.
"There they are"bulong ni Leandro sabay hila sa akin sa isang table,narito nga sila at laking pasasalamat ko at safe naman ang aking kapatid.
"Yey! The lovers were finally here!"tili ni Zarria ang unang bumungad sa amin.
"Hi,ate"
Tumabi ako kay Erriah at pinaningkitan siya ng mata. Tila ngayon ko lang nakita ang babaeng 'to nag-ayos.
Ngumiti siya sa akin ng inosente sabay nguso kay Zarria na ngayon ay kausap na si Leandro. "Kailangan ko raw mag-ayos na ganito sabi ni ate Zarria para hindi magduda ang bouncer at makapasok ako"
BINABASA MO ANG
VLS 1: LEANDRO'S OBSESSION
General FictionFor an ordinary girl like her, Harrietta did not dream for a fairytale-like story anymore, but an unexpected prince gets in the way with roses and rainbows in his hand. It became a cliché one, a typical story of a rich man who fell in love with an o...