The sunlight coming from the open window hit my face. Iniharang ko ang aking kamay sa aking mukha at pinilit na bumangon. Naroon parin ang sakit sa gitna ng aking mga hita kaya napapikit ako. Hindi naman ako nilamog kagabi ni Leandro pero pakiramdam ko parang buong araw akong nagtrabaho sa construction site. Ang sakit ng katawan ko.
Pinilit kong lumakad papunta sa banyo. I clean myself before leaving the bathroom. Sinigurado ko pang mabango ang hininga ko at malinis ang itsura ko. May kaunting hiya parin ako lalo na at kasama ko si Leandro sa room namin.
Nasaan na nga ba ang isang 'yon. Nagising ako na wala siya sa aking tabi samantalang ang higpit ng yakap sa akin n'on nang maalimpungatan ako kaninang madaling araw. I blush when I remembered what happened last night between us. That heated night. 'Yon ang gabi na isinuko ko ang aking sarili sa lalaking mahal ko. Hindi ako nagsisisi na kay Leandro ko 'yon isinuko dahil alam ko namang mahal niya ako at hindi niya ako magagawang saktan.
Naghahanap ako ng damit sa cabinet nang maramdaman ko ang mainit na mga brasong pumulupot sa aking maliit na bewang. Hindi ko man siya lingunin ay alam ko ng si Leandro ito. His manly scent filled my nose. Memoryado ko na talaga ang kaniyang amoy.
"How's your sleep? Masarap ba akong katabi?"ramdam ko ang mapanuya niyang tinig.
Nag-init nanaman ang pisngi ko sa naturan niya. Ipinatong niya ang kaniyang baba sa aking balikat at medyo inamoy pa ang aking leeg kaya nakiliti ako ng kaunti.
"Umayos ka nga"sita ko sa kaniya.
"I wasn't doing anything"natatawa niyang sabi.
Tinampal ko ang braso niya na yakap pa rin ako. "Stop it"
"What?"painosente niyang tanong. Halos mapaungol ako nang dumikit ang kaniyang labi sa leeg ko. He nibbled my skin and I tried to suppress my moan.
"Leandro,stop it. Nagugutom na ako"I puckered my lips. Nagpuppy eyes pa ako sa kaniya.
Natawa naman siya at medyo hinaplos pa ang aking tiyan. "Baba na tayo. Nauna na silang kumain sa atin. Baka nasa yacht na ang mga 'yon. You woke up late, ganoon na ba kita napagod?"
Sinimangutan ko siya. "Nagtatanong ka pa?"
Tinawanan niya lang ako, medyo pinisil niya pa ang ilong ko. "Kain na tayo para may lakas ka mamaya"
Napaharap ako sa kaniya na nakakunot ang noo. "Ayoko muna!"
Bigla siyang nahinto pagkatapos ay sinundan 'yon ng malakas niyang tawa bago niya hinalikan ang noo ko. Natatawa parin. "Silly, that's not what I mean. Lalangoy tayo mamaya,kakain tayo para magkaroon ka ng lakas"
Napailing-iling pa siyang naglakad sa gilid ng kama at kinuha doon ang cellphone niya. Napanguso naman ako at medyo nahiya. Masyado kasing dumumi ang utak ko lalo na nang may mangyari sa amin kagabi. Gusto ko nalang tuloy tumakbo sa banyo at magtago doon.
"Stop laughing"naiinis kong sabi sa kaniya nang nasa loob na kami ng elevator at nagpipigil parin siya ng tawa. Mas lalo akong pinamulahan nang matagal niyang titigan ang gitna ko. Palihim kong itinakip ang magkadaop kong kamay doon. "Umayos ka"nakanguso kong saway sa kaniya.
"Maayos naman ako? Wala akong sira"
Hinampas ko na ng tuluyan ang braso niya. "Magtino ka!"
Mas lalo siyang natawa. "Matino din ako"
"Ewan sa'yo!"inis ko na siyang iniwan ng bumukas ang elevator.
He followed me,still laughing. Inakbayan niya agad ako ng maabutan niya ako. Hinayaan ko nalang siyang gawin 'yon. Mamatay sa inggit ang lahat ng babaeng nadadaanan namin na halos magpacute sa kaniya mapansin lang sila ng lalaking kasama ko. Nakakagigil.
BINABASA MO ANG
VLS 1: LEANDRO'S OBSESSION
Ficción GeneralFor an ordinary girl like her, Harrietta did not dream for a fairytale-like story anymore, but an unexpected prince gets in the way with roses and rainbows in his hand. It became a cliché one, a typical story of a rich man who fell in love with an o...