Choosing someone's happiness over your happiness is really hard to do. I need to sacrifice my own happiness. Ang mahirap sa mababait masyado silang selfless, hindi na alam kung saan ba ilulugar ang para sa sarili.
I looked at Duke, he's sleeping peacefully. Nakatalikod nanaman siya sa akin, dala ang sama ng loob hanggang sa panaginip. Kailan ba mawawala 'yang inis niya habang nandito kami sa Pilipinas. I don't know, hindi ko na alam kung ano pa nga dapat ang gawin ko.
Knowing Leandro isn't married, Duke was right I felt relieved. Ewan ko ba, masyado yatang tanga itong puso ko na pati utak ko nahahawa na.
Love is like math. It's a big problem you need to solve, it's too difficult. May formula nga para masolusyonan pero isang pagkakamali mo lang maaapektuhan na lahat. Ang hirap, ang hirap umibig. Nakakaloka.
"Duke.." I tried to call him but I didn't heard any response. I decided to sleep at the twin's room. Kahit papano'y makakatulog ako doon.
I found them sleeping peacefully. Ang sarap maging bata, wala kang pinoproblema.
Ilang minuto rin akong nagmuni-muni at nakatitig lang sa kisame bago ako tuluyang nakatulog.
Nang mag-umaga ay ako nalang ang nakahiga sa kama ng dalawa. Wala na sila roon kaya agad akong tumayo. Nangangambang baka nasa kwarto pa si Duke ay dahan-dahan muna akong naglakad papunta sa kwarto namin.
Nakahinga naman ako ng maluwag ng matagpuang wala ng tao roon. I quickly do my routine. Brushing my teeth and washing my face.
Nang bumaba ako sa kitchen ay natagpuan ko ang tatlo na abala sa pagluluto ng pancake. Sabog pa sa mukha ni Dion ang harina habang si Lion naman ay patikim-tikim sa naluto ng pancakes.
"Good morning" bati ko sa kanila.
Ang dalawa lang ang tumingin sa akin. "Good morning,mommy!" They both greeted back.
Napasulyap ako kay Duke. Hindi manlang niya magawang sulyapan ako. Galit pa nga siya.
Napabuntong hininga ako.
"Why are you sighing after saying good morning? Don't ruin the perfect morning, mommy. You must start your day with good vibes. Stop sighing as if you got a bad news" Dion babbles.
Ginulo ko ang buhok niya. "Okay po sir" natatawa kong sabi.
Ngumuso lang siya. "Anyway, we're going to buy our dress for momay's and papay's anniversary! I want a gray tux mommy!"
Tumango nalang ako sa kaniya saka binalingan ang tahimik na si Lion. "How about you, Lion? Anything you wanna wear for the anniversary?"
He shook his head. "I'll wear anything, if Dion wants to wear a gray tux, I should wear gray tux too"
Tumango nalang ako. Binalingan ko na si Duke na abala parin. "How about you Duke?" nagbabakasali, tinanong ko siya.
"Bahala na mamaya" simpleng aniya.
Napabuntong hininga ako. "Hindi nalang siguro ako bibili, pwede kong isuot 'yong gown na ginamit ko nung openi—"
"I'll buy you a new gown, Harrietta" tila pinal na niyang sabi.
"Duke.." sumulyap ako sa dalawa kong anak na tahimik lang na nakikinig sa amin, I decided to shut my mouth. Ayokong makita nilang may problema sa amin ng papa nila. Knowing Dion, he's a great observer.
Kumain kami na puno ng saya si Dion, siya lang ang nag-iisang nagpapaingay sa amin sa mesa. Pasulyap-sulyap lang ako kay Duke, umaasang titingin siya sa akin at ngingiti pero hindi natupad 'yon. He's quiet.
BINABASA MO ANG
VLS 1: LEANDRO'S OBSESSION
Fiction généraleFor an ordinary girl like her, Harrietta did not dream for a fairytale-like story anymore, but an unexpected prince gets in the way with roses and rainbows in his hand. It became a cliché one, a typical story of a rich man who fell in love with an o...