Sumapit ang araw na para sa Anniversary ng magulang ni Duke. Nagawa niya namang makabili ng damit para sa aming dalawa sa tulong ng secretary niya.
Isang royal blue mermaid gown ang naibili niya sa akin. It's a heart tube. Ang kambal naman ay parehong gray ang suot na suit. Ang cute nilang dalawa tignan lalo na ang seryosong si Lion, anak na anak talaga siya ni Leandro. Magkahawig na magkahawig sila sa tuwing seryoso si Lion.
"Mommy, is Tita Erriah coming?" Dion asked me. Hindi nanaman siya mapalagay sa kamay niya kung isusuksok niya ba ang mga ito sa kaniyang bulsa.
Bumaling ako kay Duke. "Nasundo na ba siya ni Luke?"
Tumango naman si Duke. "Yes. Alam mo naman ang dalawang 'yon. Kahit saan magkasangga, even in crazy things"
Inayos ko ang buhok ni Dion. "Yes, honey. Kasama raw ni Tito Luke si Tita Erriah niyo"
"Yey! Tito pogi is there too? He promised me he's going to play basketball with me!" Masayang ani ni Dion.
Napailing ako, paniguradong kukulitin nanaman nito si Luke mamaya at hindi nanaman titigilan.
Pagkatapos naming mag-ayos ay umalis na rin kami. Sumakay kami sa kotse ni Duke papunta roon.
Naging mabilis lang ang biyahe dahil hindi naman malayo ang ancestral house nila. Pagkarating namin doon ay naroon na nga ang maraming bisita. Agad kong nakita si Luke na may kausap na babae. Hinanap agad ng mata ko ang magulang ni Duke, nang makita ko silang nasa may gilid at may kausap ay itinuro ko sila kay Duke. Agad naman niya kaming iginiya roon.
"Momay! Papay!" Dion excitedly went to them. Nagpakarga pa ito sa ama ni Duke.
Nakipagbeso muna ako at bumati na rin sa kanila bago ko hinanap si Erriah. "Duke, I'll just with Erriah"
Tumango naman siya at hinalikan ako sa noo. "Ako ng bahala sa dalawang ito. You have to enjoy this night"
"Dion, Lion" agad naman silang tumingin sa akin. "Behave,okay? Huwag masyadong malikot"
Tumango naman sila at nag-okay sign pa ang makulit na si Dion. Naglakad ako papunta sa kinaroronan ni Erriah. She's with her friends, mga sikat sa industriya.
"Erriah" I called her. Agad naman siyang humarap sa akin, nang makita niya ako ay gumuhit sa kaniyang labi ang ngiti.
"Ate!" sinalubong niya ako ng kaniyang yakap. I hugged her back.
"Hey, guys, this is my sister, Harri—"
A one guy cut her off. "Harrietta Serrano! The black angel from Paris! Ikaw 'yong sikat na model sa Paris,right? A famous designer too!" puno ng paghanga ang kaniyang boses.
Napangiti ako ng alanganin. "Yeah. Nice to meet you all"
"Wow! You're so pretty, ikaw pala 'yong sinasabi ni kuya na nakita niya sa isang runway sa Paris, after that day he didn't stop na to mention you. His room was full of your poster. That's kinda creepy, I know" a brunette girl said.
"Thank you" hindi ko alam kung ano ba ang dapat sabihin. Nagpakilala naman sila isa-isa. A girl with a blue gown and pink hair is Varra. The two girls with matchy dress are Nicole and Darria. Ang tatlong lalaki naman ay sina Tyron, Kevin and Brinn.
"Guys, I am still here. I know my sister is pretty but I am pretty too. Huwag naman ganyan" biro ni Erriah na tinawanan lang ng mga kaibigan niya.
"You lose,Sissy" natatawang ani ng isang babaeng kulay pink ang buhok. It was Varra.
"Hoy! I am not a loser,ah! Nauna lang siyang ipinanganak kaya mas maganda siya" Erriah said, pouting.
"So, inaamin mo na mas maganda ako?" Pakikisakay ko sa kanila. Nagtawanan naman sila ng inirapan ako ng kapatid ko.
BINABASA MO ANG
VLS 1: LEANDRO'S OBSESSION
General FictionFor an ordinary girl like her, Harrietta did not dream for a fairytale-like story anymore, but an unexpected prince gets in the way with roses and rainbows in his hand. It became a cliché one, a typical story of a rich man who fell in love with an o...