chapter12

5.8K 106 3
                                    

Chapter12
Killers Obsession

#Give_up

#Laureen

Natahimik ako sa sinabi niya,ng tingnan ko siya may nakita akong lungkot sa mukha niya.

"Look,Laureen,alam ko na inutusan ka ni Riffle na patayin ako! Alam ko na lahat! Alam kong ginagamit mo lang ang katawan mo para mahulog ako sa bitag nyo!"Kinabahan ako pero ng tingnan ko ang mukha niya,wala akong galit na makita dito.

Di siya galit sa akin?

"So kung alam mo na pala na isa ka lang sa mga mission ko,bakit di mo pa ako pinapatay?"

"I wont kill you! Hindi na ako mag-aaksaya pa ng panahon or effort na patayin ka,isa lang naman ang kailangan kong gawin,bantayan ko lang ang sarili ko,magsasawa din si Riffle,sa kahihintay kung kailan mo ako mapapatay hanggang sa siya na mismo ang lalapit at papatay sa akin,at eventually pati ikaw papatayin niya rin!"

Napalunok ako sa sinabi niya,diba nga nagbanta na siya sa akin the last time na nagkausap kami.
Hindi siya mangingiming patayin ako!
Kasama si Virgo.

Nalungkot ako sa katotohan ng sinabi niya.

Kahit anong gawin ko,papatayin pa din ako ni Riffle.

"Fine tama ka naman,panalo ka na."Malungkot na wika ko. At akmang isasara ko na ang pinto.

"Wait!"

"Ano na naman?"Nakataas kilay na tanong ko.

"Wala."

Loko-loko talaga ang lalaking to!
Kahit kailan.

"Pwede ba akong umalis?"Paalam ko sa kanya.

"Saan ka pupunta? Makikipagkita ka sa lalaki mo?"

"Si Riffle ba ang tinutukoy mo?"

"Aw,tama marami ka nga palang lalaki!"

"Si Riffle at ikaw na lang ang buhay,lahat ng lalaking involve sa akin,pinatay ko na!"Matapang na wika ko.

"Make sense."

"Aalis ako!"

"Sasamahan kita!"

Nagkibit balikat na lang ako.
Bahala na nga siya.
Hindi naman ako makikipagkita kay Riffle.

"Bahala ka!"At sinara ko na ang pinto.

#Virgo.

Hindi ako makapaniwala,akala ko makikipagkita siya kay Riffle!

Pero nagkakamali pala ako.

"Ate Laureen.. Ate Laureen."Masayang salubong sa kanya ng mga bata sa Ampunan pagkakita sa kanya.

Nakangiti namang sumalubong din si Laureen sa mga bata.

"Kumusta na kayo,Kids?"Masayang tanong niya.

"Miss ka po namin!"Sabay-sabay na wika ng mga bata.

"Talaga baka binobola nyo lang si Ate Laureen ah!"

"Hindi po!"

Napangiti siya sa sinabi ng mga bata.

"Ate Laureen,boyprend nyo po?"Tanong ng batang babae na may katabaan,ang cute niya. Napatingin tuloy ang mga bata sa akin.

Napatingin din si Laureen sa akin. Saka bumaling ulit sa mga bata na nakangiti."Hindi ko siya,Boyfriend,siya si Kuya Virgo,kaibigan ko!"

Kaibigan?
Di ba dapat kalaban?

Sabagay alangan naman sabihin niyang kalaban ko sa harap ng mga bata.

"Hello,po kuya Virgo."Sabay sabay na bati nila.

The Killers Obssession(COMPLETED) Obsession Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon