chapter29

5.2K 100 3
                                    

Chapter29
Killers Obsession

#Success

#Laureen

Pagkatapos kong mahuli si Riffle kasama si Khylie which is nakaplano naman yon,nagmamadali na akong umakyat para kunin si Aries.

This is it!
Makakaalis na din ako sa impyernong lugar na ito.

"Nanay?"Hindi pa naman talaga tulog si Aries.

"Lets go bilisan mo!"Nagmamadali ang kilos ko.

Hindi na ako nag-aksaya pang magdala ng gamit,ang makaalis sa lugar na yon ay sapat na sa akin.

"Bilisan natin baby,kailangan nating makaalis sa lugar na to."Kinabahang wika ko kay Aries,hila-hila ko siya. Napahinto muna kami ng makita kong may bantay,shit paano ko nakalimutan ang mga bantay.

Kung ako lang kayang-kaya kong lusutan ang mga yan,kaso kasama ko si Aries. Isang maling galaw lang namin maari kaming mahuli.

"Wag kang maingay Baby,may mga bantay,"May naisip ako,sana lang magwork.

Maya-maya pa ay nadinig ko ang pag-uusap ng mga bantay."Nagtxt si Maam,Laureen,nagpapabili ng pagkain sa Jolibee,gusto daw kumain ni Aries."

Dahan-dahan ang mga kilos namin ni Aries,sumakay kami sa backset ng sasakyan,alam ko yon ang gagamitin papuntang Jolibee.

"Sige na,may pera naman dito,ibili mo na,baka mapagalitan pa tayo ni Boss Riffle!"

"Sige aalis na ako!"

Abot-abot ang kabang nadarama ko,sana lang makaaalis na kami sa lugar na to. Ayaw ko ng kasama si Riffle. Saka lang ako nakahinga ng maluwag ng umandar na ang sasakyan,sana makaalis kami.

Hindi ko na alam kung gaano katagal ang naging byahe namin ng biglang naramdaman ko na lang na nakahinto na kami.

Inangat ko ng konti ang ulo ko para tingnan kong nakapasok na ang tauhan ni Riffle,ng masigurong nakapasok na ito,ay nagmamadali akong binuksan ang pinto,"Lets go baby!"Sabi ko sa kanya,sabay hila. Nakayuko pa kami,saka lang kami tumuwid ng tayo ng masigurong malayo na kami.

"Bakit tayo umalis Nanay?"Akala ko,hindi na siya magtatanong.

"Hindi ko kasi love ang Daddy mo,Im sorry baby."Sana lang maintindihan niya ako.

Hindi na siya sumagot,pero ramdam ko ang mahigpit na hawak niya sa kamay ko.

Saan naman kami pupunta ngayon?
Hindi naman kami pwedeng pumunta kay Virgo,of course doon kami unang hahanapin ni Riffle.

Gosh,saan ba kami magtatago yong hindi kami mahanap agad ni Riffle!

"Saan tayo matutulog?"Maya-maya pa ay tanong niya.

"Wag kang mag-alala makakahanap din tayo."Bago ako umalis,sinigurado ko munang marami akong dalang pera.

"Antok na po ako."Sabi niya.

Pumara ako ng taxi,bahala na!

...

#Riffle.

Pagkatapos kong makaraos kasama si Khylie,nagmamadali kung pinuntuhan si Laureen,I need to explain.
Nasayang ang ilang araw na effort ko para lang ipakita sa kanya na nagbago na ako.
Shit!
Bakit naman kasi hinayaan kong maakit ulit kay Khylie!

"Laureen? Aries?"Kinabahan ako,ng pagkapasok ko wala sila sa room nila. Nagmamadali kong binuksan ang mga closet,nandoon naman ang mga gamit nila.

Shit!
Now where is she?

The Killers Obssession(COMPLETED) Obsession Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon