chapter24

4.9K 92 5
                                    

Killers Obsession
Chapter24

#Result

#Laureen

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko,ito na yon.
Malalaman na namin kung sino ang tatay ni Aries.

Ramdam ko din ang mahigpit na paghawak ni Virgo sa kamay ko.

"Natatakot ako,"Mahinang bulong ko habang hinihintay ang resulta.

"Ako din! Takot akong mawala ka sa buhay ko. I love you Laureen."Seryosong wika niya.

Napakurap-kurap ako dahil sa sinabi niya.
Tama ba ako ng dinig,nag-I love you na siya sa akin?

Imbes ba gumaan ang pakiramdam ko mas lalo lang itong bumigat.

Tiningnan ko si Riffle as usual naka-upo siya sa harapan namin.

"May the best man win,Virgo!"Dinig na dinig kung wika niya. Kinilabutan ako dahil sa sinabi niya.

Sana lang,maki-ayon sa akin ang panahon.
Sana hindi si Riffle ang tatay ni Aries.

Ilang saglit pa ay bumukas na ang pinto,at pumasok ang taong may hawak ng result.
May dala siyang folder at isa-isa niya itong inabot kina Virgo at Riffle.

"Sige,po maiwan ko muna kayo."Sabi niya pagkaabot niya sa folder.

Napakapit ako ng mahigpit kay Virgo,samantalang kampante lang naman si Riffle.

"So ito na yon,!"Putol ni Riffle sa katahimikan.

Grabe hindi na ako makahinga."Sabay nating buksan."Kalmadong wika ni Virgo pero halata na tensed na tensed din siya.

Hindi na ako mapakali,ng dahan-dahan ng buksan ni Virgo ang folder.

"Sabi na nga ba!"Malakas na wika ni Riffle,at mabilis kung inagaw kay Virgo ang folder. Napailing na lang ako,at diko napigilan ang pagpatak ng luha sa mga mata ko. Samantalang,parang maiiyak naman si Virgo.

"So,Laureen,sana tutupad ka sa deal! Susunduin ko kayo bukas sa Condo ni Virgo,di naman ako ganon kasama para di man lang kayo bigyan ng time para magpaalam sa isat-isa."

Napayuko ako dahil sa sinabi niya..
Ramdam ko din ang mahigpit na kapit ni Virgo sa kamay ko.

"Umalis ka na!"May diing wika ni Virgo,parang nagbabanta.

"Relax,ipapaubaya ko si Laureen sayo ngayong araw na ito. Pero aasahan mong di mo na siya pwedeng malapitan simula bukas."

"Ang kapal ng mukha mo!"Galit na galit na wika ko.

"May deal tayo,Laureen,wag na wag mong tatangkaing di tumupad."😈

Nanayo ang balahibo ko sa matinding takot.
Makakasama ko na naman ang hayop na to!

"Wag na wag mong tatangkain na ilayo sila Virgo!"Baling niya kay Virgo na puno ng pagbabanta,"Hahanapin ko kayo kahit saang impyerno kayo pumunta! And I swear gagawin kung miserable ang buhay nyo!"Sabi niya sabay alis.

Naiwan naman kaming dalawa ni Virgo na magkayakap.
So I guess this is goodbye.

"Aalis tayo Laureen!"Napabitiw ako sa kanya dahil sa sinabi niya.

"No! Ayaw ko! Ok lang na maging magulo ang buhay ko,pero si Aries ang pinag-uusapan natin dito. Ayoko siyang madamay!"

"So sasama ka sa kanya?"Galit na wika niya.

"Oo,kung yon ang magpapatahimik sa ating lahat! After all anak niya si Aries"Medyo tumaas na din ang boses ko. Hindi ko kasi matanggap na si Riffle ang ama ni Aries."Im sorry V,mahirap para sa akin,na iwan ka at sumama kay Riffle,pero ayaw ko na ng gulo! At ayokong mamulat si Aries sa karahasan!"

The Killers Obssession(COMPLETED) Obsession Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon