chapter28

5.3K 99 1
                                    

Killers Obsession
Chapter28

#Plan

#Khylie

Ginawa ko ang lahat para maakit sa akin si Riffle,yes I love him very much,but that woman,Laureen,siya pa rin ang gusto ni  Riffle sa kabila ng lahat ng mga ginawa ko and its pisses me off !

Naiinis ako sa kanya,kasi mahal na mahal siya ng taong mahal ko,pero binalewala niya lang ito!

"Umalis ka na!"Shit lang,pagkatapos kung isuko sa kanya ng paulit-ulit ang katawan ko yon lang ang sasabihin niya?

"Ganon lang yon?"Nagtatampong wika ko. Well,ganon naman talaga yon,dati pa,pagkatapos niya akong gamitin,pinapaalis niya ako na parang babaeng bayaran!

"Alam mong ganon lang yon! Kung hindi ka aalis,fine ako na lang baka hinahanap na ako ni Laureen."

Napatawa ako pagkarinig sa huling sinabi niya."Ikaw hahanapin niya? Baka nga nagpaparty na yon sa pag-aakalang di ka na makakauwi!"

Nagdilim ang mukha niya dahil sa sinabi ko. Lagot!"Shut up! Mamahalin din niya ako ulit!"

"Fine! Sabi mo ee."Pero ang totoo parang maiiyak na ako.. Palagi na lang,di na ako nasanay,sa kanya.

Napahinga na lang ako ng malalim at isa-isa ng pinulot ang mga damit ko!

Aalis na lang ako,kahit ang totoo gustong-gusto ko siyang makasama ng matagal.
Kailan kaya yon?
Mangyayari pa kaya yon?

"Aalis na ako,pakilock nga ng bra ko,"Kaya ko namang isara yon,kaso gusto ko lang ulit mapalapit sa kanya kahit sandali lang.

"Ang arte,kaya mo namang isara yan!"

Humarap ako sa kanya!"Isasara mo yan,o di ako aalis!"

"Sige na talikod ka na nga,ang daming arte!"

Tumalikod na ako,at palihim na napangiti.

#Laureen

Nagising ako dala ng ingay ng phone ko!
Ano ba naman!
Kainis ang sarap pa ng tulog ko!

Ng balingan ko si Aries mahimbing pa siyang natutulog.

"Hello!"Sagot ko sa tawag without looking kung sinong caller.

"Hello,sorry kung nagising kita."

Napakunot-noo ako sabay tingin sa screen."What do you want,Khy!"

Kilala ko ang caller,isa sa mga naging babae ni Riffle.

"Magkita tayo!"

"Bakit?"Ano na naman ba ang kailangan ng babaeng to! Letse siya,noong magkasama pa kami ni Riffle hindi niya ginawang madali ang buhay ko.
Oo isa siya sa kontrabida sa pagmamahal ko kay Riffle dati.

Mabuti na lang dati na yon.

"May pag-uusapan tayo!"Matipid na sagot niya.

"Sige,saan naman? At paano tayo magkakausap na di ako sasamahan ni Riffle? Bawal akong lumabas,siguro naman alam mo yon?"

"Akong bahala,maybe pupunta na lang ako dyan!"

Pakshit na babaeng to!
Pupunta pa dito!

"Sige na nga!"Pagsang-ayon ko sa sinabi niya.

"Sige,bye!"Yon lang ang sinabi niya at pinatay na niya ng tawag. Ang rude din minsan ng babaeng to.

"Sino yon?"Napatingin ako sa pinto,kapapasok lang ni Riffle pero dahil dakilang malakas ang radar niya nalaman niya agad na may caller ako.

The Killers Obssession(COMPLETED) Obsession Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon