chapter18

5.4K 101 1
                                        

Killer Obsession
Chapter18

#Meet_Again

#Laura/Laureen

"Bilisan mo na,Anak,baka magalit na sa atin yong taga Resort!"

Hay si Nanay Meding talaga,pano on Call labandera kasi kami sa Resort na yon.
Pwede namang mag-abiso ng maaga di yong ura-urada silang nagtatawag. May kalayuan pa naman ang Resort mula dito.

"Nay sama ako."Humahangos na wika ni Aries kadadating lang nito galing sa paglalaro sa labas.

Mabilis akong umiling,"Pasensya na anak,pero tanghali na. Dito ka na lang muna kay Lola,"Paliwanag ko sa kanya,malalate na ako kung isasama ko pa siya. Kita kong parang maiiyak na siya."Sige na anak sa susunod na lang ha,sige na alis na ako. Nay,kayo na lang po bahala sa kanya"

"Hala sige humayo ka na at nandiyan na sa labas si Ron,naghihintay na para ihatid ka."

Tumango na lang ako,may motor din kasi si Ron,namamasada din ito kapag di nangingisda.

Nilingon ko muna si Aries na tahimik lang na lumuluha habang yakap yakap ni Nanay kawawa naman.

Pero diko na siya isasama doon,baka magkita na naman sila ni Virgo.

Ayaw ko ng maulit yong nangyari,na pinamili siya ng gamit at laruan ni Virgo.

Naiinis pa rin ako sa tuwing maiisip yon.

"Alis na tayo!"Sabi ko kay Ron ng makaangkas na ako. Kinawayan ko na lang si Aries,tumango pa rin siya kahit alam kong masama ang loob niya.

.....

#Virgo

Nakita ko ang pagdating ni Laura,sakay ng isang motor.

Hmmm,mukhang close sila nong lalaki,boyfriend niya siguro.

Nagmamadali siya papunta sa Laundry Room kaya di niya napansin na magkakasalubong kami.

"Aray!"Angal niya.

Nakataas kamay lang ako. "Di ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo!"Malamig na wika ko.

Inirapan niya lang ako at di na pinansin kasi tinalikuran niya na ako.

"Hey,wait!"

Huminto naman siya sa di kalayuan."Bakit?"

"Nasaan si Aries?"

Humarap siya sa akin at tinapunan ako ng matatalim na tingin.

Anong kasalanan ko?

"Hindi ko na siya dadalhin dito hanggat nandito ka!"

Nagulat ako sa sinabi niya..

Galit pala talaga siya sa ginawa ko.

Hindi ko naman alam na mali yon,priceless kasi ang mukha ni Aries nong pinamili ko siya ng laruan at mga bagong damit. Sabi niya di pa daw siya nakapagshopping since ipinanganak siya.

"Diba sinabi ko sayo,lumayo ka sa amin?"

Bakit nga ba?
Ano namang pakialam ko sa babaeng to?
Ee hindi naman maganda!

Losyang na losyang na nga siyang tingnan!
Kaasar!

"Bakit ang sama mong makatingin?"Mataray na wika nito.

"Wala!"

"Dyan ka na nga,mas lalo akong nalate dahil sa kagagawan mo!"

Tinalikuran na niya ako ng tuluyan,ang taray talaga!

....

Bumalik na lang ako sa Suite ko,ano ba namang buhay to,nakakabored.

Namiss ko na yong dating ginagawa ko.

The Killers Obssession(COMPLETED) Obsession Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon