chapter33

5.4K 97 1
                                    

Chapter33
Killers Obsession

#Honeymoon

#Virgo

"Tara baby gisingin natin si Nanay mo,parang mantika kong matulog ee."Nakangiting wika ko kay Aries sabay akay sa kanya papunta sa kung saan natutulog si Laureen.

"Sige na gisingin mo na si Nanay sabihin mo gutom ka na!"Parang batang utos ko kay Aries na sunod ng sunod naman sa sinasabi ko.

"Nanay! Nanay! Nanay! Gutom na po ako!"Sabi niya sabay tapik sa mukha ni Laureen,tingnan mo tong babaeng to,nakanganga pa na parang ewan.

"Baby,si Daddy na lang magpapakain sayo,antok pa ako ee."Nakapikit pa rin na wika niya.

Tumingin sa akin si Aries na parang nagpapasaklolo."Gisingin mo pa!"Bulong ko sa kanya.

"Nanay,gutom na ako!"

"Nasaan ba kasi yang tatay mo?"Mukhang asar na yong boses niya.

Hindi sumagot si Aries parang natakot pa ito.

"Bunny,gising ka na!"Malakas na wika ko!"Alas onse na,di ka pa ba babangon?"

"What? Alas-onse na?"Parang shocked na tanong niya,sabay bangon!"Bat di niyo ako ginising?"

Napailing na lang ako!
Epic talaga ang babaeng to,kanina pa nga siya ginigising ee.

"Sorry baby,pagod lang si Nanay!"

"Bakit po kayo pagod?"Inosenteng tanong ni Aries sa kanya,kitang-kita ko naman ang pamumula ng pisngi niya. Saka naaasar na tumingin sa akin!

"Kasalanan mo to! Kung di mo sana ako pinagod kagabi! Kainis ka talaga!"Nagdadabog na bulong niya sa akin.

Pero nginisihan ko lang siya,na mas lalong ikinaasar niya.

"Maliligo muna ako baby ha,"Sabi niya kay Aries.

Tumango naman si Aries sabay baba na sa kama."Ahm,baby sa labas ka muna ha manood ka muna ng Cartoons doon!"

"Sige po!"

Nakalabas na si Aries ng hinarap ako ni Laureen,"Ano na naman bang plano mo?"

"Wala naman! Gusto ko lang na sabay tayong maligo!"Nakangising wika ko!

"Ano? Naman Virgo,alam natin na hindi lang ligo ang gagawin natin! Kaya pwede ba,samahan mo na si Aries doon sa labas!"

"Sige na naman Bunny! Mabilis lang promise!"

Inikutan niya ako ng mata tanda na hindi siya sang-ayon sa sinasabi ko!

"Ayoko,sabi!"

"Please!"

" Ewan ko sayo!"Saka nagdadabog na siyang nagtungo sa bathroom,syempre pa mabilis na akong sumunod sa kanya!😂

#Laureen

Hmmp,kahit kailan talaga.
Naisahan na naman ako ni Virgo!
Grrrr.

"Mauna ka na ngang lumabas!"Inis na wika ko sa kanya,kasi naman sabi niya mabilis lang,ee hindi din naman natupad!

"Fine,wag ka ng magalit! Bat ba ang init ng ulo mo? May kapatid na ba si Aries?"

Biglang umarko ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Tapos bigla akong napaisip.

Masyado kasi akong busy lately kaya di ko na napagtuunan ng pansin ang bagay na yon!

Hindi ko na din maalala ang huling dalaw ko!
Posible kaya?
Oh,no!

"Bakit ka namutla?"

"Wala naman! May naisip lang ako!"

"Magpa-check up tayo para masigurong ok ka lang!"

The Killers Obssession(COMPLETED) Obsession Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon