Killers Obsession
Chaptet19
#Move_on
#Laura
Nakakainis na buhay to.
Ang dami ko ng hirap na pinagdaanan nakaplano pa kaya na maging masaya ako?
Bakit feeling ko puro na lang hirap.
Akala ko mamatay na ako pero hindi binuhay pa rin ako sa kabila ng pananakit na dinanas ko kay Riffle dati.
Nagpauto,nagpagamit.
Tapos nagkaroon pa ako ng anak na ni hindi ako sigurado kung sino ang tatay.
Haisst.
Buhay na walang hanggan.
Hanggang saan ba ako magtitiis,hanggat saan ba ako masasaktan?
Napaupo na lang ako sa buhanginan na nandoon.
Hapon na kaya tanaw na tanaw ko na ang papalubog na araw.
Hudyat din na kailangan ko ng umuwi miss na miss ko na ang Aries ko.
Sana di siya magmana sa tatay niya kung sakaling si Riffle ang tatay niya.
Sana lumaki siyang mabait na bata.
Hindi ko na alam kung gaano katagal na akong nakakatutunga doon. Basta gandang-ganda ako sa paligid.
Tumayo na ako at pinagpag ang suot kong Palda,,hapon na kaya kailangan ko ng umuwi.
Tama na nga tong pag-eemote ko,wala din naman itong patutunguhan.
"Uuwi ka na?"Napahinto ako sa paglalakad ng marinig ang boses sa likuran ko.
Hindi ko na kailangang lumingon,kilalang-kilala ko na ang may-ari ng boses na yon.
"Tapos na ang trabaho ko Sir kaya uuwi na ako"
"Hatid na kita!"Nagulat ako sa sinabi niya kaya kahit wala akong planong harapin siya napilitan akong lingunin siya.
"Anong sabi mo?"Nadinig ko naman ee,gusto ko lang makasiguro.
"I said ihahatid kita,pagabi na at mahihirapan ka ng makasakay!"
Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Paano ako makakamove-on kung ganito siya.
Nyemas naman o.
Di niya nga ako maalala pero ang kulit niya.
"Wag na kaya ko namang maglakad."
Nagulat naman siya sa sinabi ko."Look Laura,its already late,dilikado na para sayo ang maglakad. Kaya ihahatid na kita."
Ang kulit kainis.
Typical Virgo,ito na nga siya.
Sobrang kulit.
"Bahala ka!"Pagod na pagod na din naman ako. Mas mabuti nga yon madali akong maka-uwi at makita ang anak ko.
"Sumunod ka sa akin,doon nakapark ang sasakyan ko"
Tumango na lang ako at sumunod sa kanya..
......
"Saan sa inyo banda?"Naputol pagmuni-muni ko ng magsalita siya.
"Dito na lang masyado ng mabato papasok baka magasgasan tong sasakyan mo."Seryosong wika ko."Salamat."
"Look Laura,I can always buy new car if I like,mas mahal pa dito. Kaya wag mong alalahanin kung magasgasan ito! So now can you please show me the way. Gusto ko ng makita si Aries."
Grabe ang lakas ng hangin.
Bagyo na yata ee.
Bagyong Virgo!
Hmmm.
Maang akong napatingin sa kanya."Bakit gusto mong makita si Aries?"Kinabahang tanong ko,ewan ko ba.
"I miss the kid he was so smart,dapat pinag-aral mo na siya."
Inirapan ko lang siya.
"Aral? Mister! Alam mo ba yang sinasabi mo?"
"Yes,dapat na siyang pumasok sa school para matuto may masama ba sa sinabi ko?"
"Paano siya mag-aaral kung walang paaralan dito. Doon pa sa kabilang ibayo ang paaralan. Kailangan pa naming tumawid sa dagat para makapag-aral siya. Paano ang hanapbuhay ko? Paano ako magtatrabaho kung palagi ko siyang sasamahan para lang makapag-aral ee di nagutom kami."
BINABASA MO ANG
The Killers Obssession(COMPLETED) Obsession Series 1
General FictionVirgo is a certified hired killer,well he didnt do it for living he do it because he want to be away from her stepsister Yleenna,whom he had a secret affection,but his feeling for her has no future since his legally adopted. Until he meet Laureen,no...
