Killers Obsession
Chapter21
#togetherAgain
#Laureen
Nabato ako sa tanong ni Virgo sa akin,hindi ako makasagot.
Hindi ko alam kung anong isasagot.
"Hindi ko alam,kung anak mo ba si Aries,Im sorry,habang may nangyayari sa atin,may nangyari din sa amin ni Riffle."Bahala na kailangan ko ng maging honest sa kanya,ngayong naaalala na niya ako.
Natahimik siya sa sinabi ko,kitang-kita ko ang pagtiim ng bagang niya,maybe galit siya.
Kaya napayuko na lang ako,"Aalis na ako,kailangan ko ng makapunta sa talipapa,para magtinda."Putol ko sa pananahimik niya. Alam ko mahirap para sa kanya ang tanggapin ang mga ginawa ko. Alam ko mali,kaya nagbago na ako.
Nilampasan ko na siya,kailangan ko ng umalis.
"Laureen..."Mahinang tawag niya.
Napahinto naman ako sa di kalayuan."Handa akong magpa-Dna test para malaman kung anak ko ba o hindi si Aries."
Napalingon ako dahil sa sinabi niya."Bakit mo ba to ginagawa?"
Nagkibit-balikat lang siya."Gusto kong akuhin ang responsibilidad ,bilang ama niya."
"Bakit? Hindi mo naman kailangang gawin yan,paano kung di mo siya anak? Wag na lang Virgo,wag mo na akong paasahin na magiging maayos pa ang lahat,ayaw ko ng masaktan,pagod na pagod na akong masaktan,Virgo,please hayaan mo na lang akong kalimutan ka."At tuluyan ko na siyang tinalikuran.
"No,Laureen!"Hinabol niya pala ako,at mahigpit na hinawakan ang braso ko."Mag-usap tayo!"
Inikutan ko siya ng mata!"Ano ba Virgo! Madaling araw pa! Pwede mamaya na. Kailangan ko pang maghanapbuhay!"Malakas na wika ko. Naiinis kasi,ako,hindi ko alam kung bakit. Kung kailan maayos na ako,kung kailan nagdecide akong mag-move on! Saka na naman siya nagkakaganito!"Tama na Virgo!"
"Hindi! Iaalis kita sa lugar na to! Mag-aaral si Aries sa isang maayos na paaralan. Hayaan mo akong alagaan ka Laureen gaya ng pangako ko sayo! I will protect you this time!"
"Matagal na yon,Virgo,marami ng nagbago. Please,hayaan mo na ako!"At piniksi ko ang balikat ko na hawak niya."Let me go!"
"No! Aayusin natin! Kung noon,hinayaan ko si Riffle,na saktan ka,this time,hinding-hindi na siya muling makakalapit sayo!"
Namutla ako sa sinabi niya,si Riffle,ang hayop na yon.
Buhay pa siya hanggang ngayon,kapag nalaman niya na buhay pa ako,baka ano na naman ang gawin niya.
"I can protect you from that bastard! Hindi ko hahayaan na pati si Aries madamay!"
#Riffle
Hmmm,this place is so nice.
Napahinga ako ng malalim dahil sa sariwang hangin na dumampi sa mukha ko.
This place is so nice and peaceful.
Napangiti ako,I miss Laureen,siya ang dahilan kaya nagbago ako.
Hindi naging madali ang pagbabagong ginawa ko,pero sa tuwing maiisip ko ang kaawa-awang sinapit ni Laureen sa mga kamay ko,funny pero tinubuan ako ng konsensya!
Naglakad-lakad muna ako dito sa dalampasigan.
Tama dito pala pinike ni Virgo ang kamatayan niya.
Akala ko talaga napatay ko na siya that time!
Pero dahil masamang damo ito,nabuhay pa rin ito.
Panay lang ang lakad ko,hindi ko pa kasi alam ang eksaktong lokasyon ni Laureen.
"Bata!"Malakas na tawag ko sa batang naglalako ng di ko alam kung ano,basta mabaho!
BINABASA MO ANG
The Killers Obssession(COMPLETED) Obsession Series 1
Ficção GeralVirgo is a certified hired killer,well he didnt do it for living he do it because he want to be away from her stepsister Yleenna,whom he had a secret affection,but his feeling for her has no future since his legally adopted. Until he meet Laureen,no...
