chapter22

5.1K 93 0
                                    

Killer Obsession
Chapter22

#Deal

#Riffle

Nasasaktan ako sa mga narinig buhat kay Laureen,what do I expect,pagkatapos nga naman ng ginawa ko sa kanya.

"Yon ba talaga ang gusto mo?"Muli kung tanong sa kanya. Alam ko mahal niya ako noon,pero dahil sa mga ginawa ko sa kanyang pananakit malamang nawala na ito.

"Oo yon ang gusto ko,ang kalimutan na natin ang isat-isa at maging masaya tayo sa kanya-kanyang buhay na pinili natin."

"Im sorry,Laureen,sorry sa lahat,sana man lang mapatawad mo ako."

"Im sorry Riffle pero hindi pa ako handang patawarin ka."

"Si Aries anak ko ba siya?"

Kitang-kita ko ang gulat sa mukha niya.. Pero di siya sumagot.

"Kung anak ko siya,please wag mo naman siyang ipagkait sa akin! Hayaan mong maramdaman ko kung paano ang maging isang ama!"

Nanlaki ang mata niya dahil sa sinabi ko,may mali ba sa sinabi ko. Gusto ko lang namang harapin ang responsibilidad ko sa bata."Hindi mo siya anak! Hindi mo siya pwedeng maging anak. Masamang dugo ang nanalaytay sayo."

Napatawa ako ng pagak."At bakit masamang dugo din naman ang nanalaytay kay Virgo ah,isa siyang mamatay tao at ganon ka rin. So what do you expect?"

"Hindi,mabait si Aries mabait ang anak ko!"

"Kahit anong bait niya ngayon,lalabas at lalabas pa rin ang totoong kulay niya.. Isang mamatay tao ang Nanay niya,at kahit sino sa amin ni Virgo ang tatay niya,walang mababago,mamatay tao pa rin kaming pareho. So stop acting like your a saint na walang kasalanan!"

Natahimik siya sa sinabi ko."Ilalayo ko siya sa ganoong buhay,just let me go. Hayaan mo na kami."

"Lets make a deal,Laureen."

Napatingin siya sa akin ng diretso,"Deal? Anong deal na naman yan ha?"

"Psssh,wag kang magalit,this deal will be both good for us."

"Ano?"

"Lalayo lang ako kung mapapatunayan mong hindi ko anak si Aries!"

#Laureen

Galit ang unang nararamdaman ko ng marinig ang sinabi niya.
Yon ang deal?

Madali lang ang Deal na yon,pero paano kung anak niya nga si Aries,so anong gagawin niya.

Marahas akong napailing sa sinabi niya."No! Hindi ako papayag!"

"Bakit? May karapatan ako sa kanya kung sakaling anak ko siya."

Tingin ko kay Riffle ngayon ay parang demonyo,inis na inis ako sa kanya. Gusto ko siyang banatan,kaso magpapagod lang ako,Im nobody compared to him. Siya lang naman ang nagturo ng lahat ng nalalaman ko.

"Stop fighting Laureen,deal is a deal,hindi ko na kayo guguluhin ni Aries once napatunayan mo na hindi ko siya anak. Pero kung anak ko siya,kukunin ko siya sayo!"

"So lumabas din ang tunay na kulay mo!"

"You left me with no choice Laureen,pwede ka namang sumama,at magiging Nanay pa rin ni Aries. Theres always a choice for everything Laureen. And I say you must choice wisely."

Nanggigil ako sinabi niya."Ang kapal ng mukha mo!"

"I can do everything Laureen,kilala mo ako,kaya dapat ka ng kabahan!"

"Leave us alone!"

"Yeah,sure I will leave you alone.. Kapag napatunayan ko na hindi ko anak si Aries. Mawawala ako na parang bula sa buhay mo. For good.!"

The Killers Obssession(COMPLETED) Obsession Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon