chapter15

5.7K 104 6
                                    

Killers Obsession
Chapter15

#Danger2

#Laureen

"Tama na,Riffle."Malakas na wika ko,napapahiyaw pa ako sa tuwing hahatawin niya ang katawan ko ng sinturon. Hindi ako makalapalag dahil nakatali ako.

Nginisihan niya lang ako.

"Wala pa yan,sa ginawa mong pag-ipot sa ulo ko!"Galit na galit na wika niya,at malakas na naman niya akong hinataw.

Napakagat labi na lang ako,parang namanhid na yata ang katawan ko sa tindi  ng mga hagupit niya. Nanghina na din ako na para bang any moment ay mawawalan na ako ng malay.

Napansin niya yata na parang susuko na ako,kaya napaigik ako ng malakas niyang sinampal ang mukha ko.

"Wag na wag kang mawawalan ng malay Laureen."Nakakatayo ng balahibo ang boses niya.

"T-tama na."Halos namanhid na ang katawan ko na pati pag-iyak ay di ko na magawa. Kahit nasasaktan ako,hindi ko na magawang umiyak.

Naramdaman kong hinaplos niya ang mukha ko.

"Sabi ko naman sayo diba,gawin mo lang ang utos ko at di ka na muling masasaktan pa."Mula sa paghaplos ay malakas na naman niya itong pinisil,"Pero dahil sa katigasan ng ulo mo,napapahamak ka!"

"Tama na,Riffle,tama na!"

"Common wifey,wag kang Oa,alam mo namang nag-uumpisa pa lang tayo diba!"

Napailing na lang ako,hindi ko na kaya,sana mamatay na lang ako. Sana matapos na to.

Nanlaki ang mata ko ng makitang may hawak-hawak siyang live wire,alam ko na ang gagawin niya.

Bumangon na naman ang lahat ng kaba sa puso ko. This is it,mamatay na talaga ako this time.

Naramdaman niya yata ang takot na lumukob sa buong pagkatao ko. Kaya napangisi siya sa akin."Dahil masyadong malaki ang kasalanan mo sa akin,tataasan ko din ang voltage nito."

Napailing na lang ako. Ito na siguro ang katapusan ko.
Im sorry Virgo,im sorry!

"Ready ka na ba ha,BlackAngel!"

Napailing na lang ako,"Please,wag,.."

Kitang-kita ang malademonyong ngiti niya."Sana naisip mong mangyayari to,oras na suwayin mo ako."

"Sorry,hindi na ako uulit!"Kinilabutan na ako ng makitang papalapit na siya. Napapikit na lang ako at hinanda ang sarili ko.

"Dilat,BlackAngel!"Malakas na utos niya.

Ito na ba talaga ang katapusan ko.
Mamatay na ba talaga ako?

Natatakot na ako,sa inasal ni Riffle,alam niyang maaring ikamatay ko ang gagawin niya.

Siguro pagkatapos nito,ipatapon na lang niya ang katawan ko sa kung saan.

"Ready BlackAngel?"

Mapait akong ngumiti sa kanya. Kung ito na ang katapusan ko sana magkaroon ng justice ang pagkamatay ko.
Sana magkaroon ng justice lahat ng masamang bagay na nangyari sa akin.
Sana magkaroon ng justice ang lahat.

"Go on,ready na ako,wala naman talaga akong halaga sayo diba? Kahit ibigay ko na ang buhay ko para sayo,wala pa rin. Kahit anong gawin ko,hindi mo ako bibigyan ng kahit konting halaga man lang. Diba wala naman talaga akong halaga sayo? Ginamit mo lang din naman ako!?"

"Bravo! Bravo sa wakas nagkaisip ka rin! Akala ko kamamatayan mo na lang ang pagiging tanga mo! Tama ka,kahit mamatay ka pa ngayon,wala lang sa akin yon. Sino ka ba para pahalagahan ko?!"

The Killers Obssession(COMPLETED) Obsession Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon