Killer Obsession
chapter23#Dna
#Laureen
Ramdam ko ang mahigpit na hawak ni Virgo sa akin,kahit na namamawis ang mga kamay ko ay di pa rin niya ito binibitawan.
Paluwas na kami,para sa Dna test na isasagawa nina Virgo at Riffle para malaman kung sino ang tatay ni Aries. Pakiramdam ko ang landi-landi kong babae,dahil hindi ko alam kung sino ang tatay ng anak ko.
Napatingin naman ako sa gawi ni Riffle,huling-huli ko ang masamang tingin niya sa amin ni Virgo. Hindi ko na lang siya pinansin,makapal din ang mukha niya,wala siyang karapatang magalit.
Ako dapat ang makaramdam non para sa kanya.
"Relax,bunny!"Mahinang bulong niya sa tainga ko.
Napahinga ako ng malalim. Paano ako magrerelax natatakot akong baka si Riffle ang lumabas na tatay ni Aries.
"Paano kung si Riffle ang tatay? Ayaw ko ng sumama sa kanya,pero ayaw ko namang malayo sa anak ko."Mahinang sagot ko sa kanya.
"Hindi siya ang Tatay ni Aries,ramdam ko anak ko siya. Please relax."
"Hindi tayo nakakasiguro. Im sorry Virgo,im sorry,Sorry dahil isa akong maruming babae,hinayaan kong gamitin nyo ako ng sabay."Naiiyak na wika ko,its all my fault,kasalanan ko tong lahat. Malandi kasi ako!
Makati!Ramdam ko ang mas lalong paghigpit ng hawak niya sa kamay ko."Hush,hindi ka ganon. Naipit ka lang sa sitwasyong kinasusuungan mo. Wala kang kasalanan,biktima ka dito Bunny,wag kang mag-alala,hindi kita ibibigay kay Riffle."
Napatingin na naman ako kay Riffle,ang dilim-dilim ng mukha niya.
Parang handa na naman siyang manakmal.Tahimik ko siyang inirapan,kung noon,masaya ako kapag ganon ang reaksyon niya kapag may kasama akong ibang lalaki. Iba na ngayon,natatakot na ako sa kanya,pagkatapos ng lahat ng hirap na pinaranas niya sa akin.
"Relax ka lang,anot-anuman ang mangyari hindi ko kayo pababayaan ni Aries,kung kailangan kung patayin si Riffle gagawin ko."
Umiling ako,"Tama na,ayoko na ng gulo,kung sakaling lalabas na si Riffle ang ama ni Aries,pikit mata ko nalang na tanggapin ang Deal namin."
"Laureen? Hindi ako papayag."
"Please Virgo ayoko na ng gulo."
Natahimik siya sa sinabi ko."Ayokong isuko ka na lang ng ganon-ganon lang,"
Marahan kung ginagap ang kamay niya na nakapulopot sa kamay ko,"Hayaan mo na ako,Virgo,please,pangako mo sa akin,susunod ka sa deal ninyo ni Riffle"
#Virgo
Bakit ganito?
Bakit ganito ang nararamdaman ko,ayaw kong tanggapin ang mga sinasabi ni Laureen sa akin. Sa muli ba ay magkakahiwalay kami?
Hindi ba talaga siya ang babaeng itinakda sa akin?Palihim ko siyang sinulyapan,kunsabagay,makakahanap naman ako ng ibang babae,yong babaeng kabaliktaran niya. Yong babaeng malinis at walang masamang nakaraan.
Kung sakali handa ko na bang bitiwan si Laureen?
Ganon talaga kadali sabihing maghanap na lang ng iba kaso nga di natuturuan ang puso.
Parang hinihiwa ang puso ko sa mga sinasabi niya,malinaw na malinaw na magkakalimutan na talaga kami kapag si Riffle ang tatay ni Aries.
Ano ba naman,mamatay tao ako,pero naiisip ko palang na posibleng mawala na naman siya sa buhay ko,naiiyak ako.
Nakakabakla pala ang pakiramdam na to."Gusto mong isuko na kita Laureen? Bakit? Kung pwede naman kitang ipaglaban? Hayaan mo akong ipaglaban ka!"Matapang na wika ko sa kanya,hindi ko kayang mawala na naman siya sa akin. Hindi!
BINABASA MO ANG
The Killers Obssession(COMPLETED) Obsession Series 1
Ficção GeralVirgo is a certified hired killer,well he didnt do it for living he do it because he want to be away from her stepsister Yleenna,whom he had a secret affection,but his feeling for her has no future since his legally adopted. Until he meet Laureen,no...