Chapter13
Killers Obsession#Tired
#Virgo
Ilang araw ko ng napapansing tila malungkot at walang sigla si Laureen.
Hindi na din siya,naglalapit sa akin,gaya ng dati.
Hindi na din siya nang-aakit.
Pero naakit pa rin ako sa kanya."Laureen!"Malamyos na tawag ko sa kanya.
Wala akong makitang kahit anong ekspresyon sa mukha niya.
"Ok ka lang?"
Hindi siya sumagot,pero tingin ko sa kanya namumutla siya.
"May masakit ba sayo?"
"Patayin mo na ako!"Sa halip ay sagot niya.
Nakatayo lang ako sa harap niya.. "Hindi ko gagawin yon!"Paano ko sasabihin sa kanya na hindi ko siya kayang patayin.
Oo matagal bago ko naamin sa sarili ko na hindi ko pala siya kayang patayin!Hindi!
Pero hindi ko yon sasabihin sa kanya.Kitang-kita ko ang pagod sa mukha niya.
"Pagod na ako Virgo,ayaw ko na. I hate my life! 16 pa lang ako,nang mamulat ako sa mundo ng kalaswaan. Hanggang sa mapunta ako sa mga kamay ni Riffle. Inaabuso niya ako sinasaktan,nagpakamatay pa nga ako. Kaso,heto at buhay pa rin ako. Pagod na pagod na ako Virgo,end my life. Tapusin mo na ang paghihirap ko."
Diba dapat masaya ako,eto yong gusto ko ang magmakaawa siya sa aking patayin ko na siya.
Pero bakit ganon,bakit hindi ko kayang gawin.
Bakit hindi ko na siya kayang saktan!Arrgh!
"Ayoko na Virgo,mamatay din naman ako. Papatayin din ako ni Riffle kapag nalaman niyang wala akong ginagawa para patayin ka."
"Look,Laureen..."
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ng magring ang cp ko.
Istorbo!
"Hello?"Nakakunot noong sagot ko,.
"Virgo!"
"Xand? Bakit?"
"Sinunog ang Ampunan na pinuntahan nyo ni Laureen."
Napatingin ako kay Laureen,"Kailan pa yan nangyari?"
"Kagabi,pero ok na,mukhang nanakot lang ang may gawa,kasi yong bodega sa likod ng ampunan ang sinunog. Andyan ba siya?"
Tumango na lang ako,hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Laureen ang nangyari tiyak na mag-alala ito.
Walang hiyang Riffle yon!
Pati mga inosente idadamay!
Dapat laban lang namin to pero nandadamay siya ng inosente!"Sige salamat Xand ako ng bahalang magsabi sa kanya. Please magpadala ka ng magbabantay doon. Baka mas malala na ang gawin ng kalaban sa susunod!"
Pinatay ko na ang tawag,nakatutok sa mukha ko ngayon ang mapanuring tingin ni Laureen,"Ano yon?"Wala siyang ideya na yong mahal na mahal niyang Ampunan may nagbalak ng masama.
"Yong,Ampunan nasunog...."
Hindi pa nga ako tapos magsalita,kitang-kita ko na ang galit sa mukha niya.
"Anong nangyari? Ok na ba sila?"
"Walang nasaktan,. Pero ayon sa info mukha daw sinadyang sunugin ang bodega. Mabuti naagapan kung hindi posible pa ding umabot hanggang sa mismong ampunan."
"nag-uumpisa na si Riffle!"
"So kailangan mo na akong patayin?"Tanong ko sa kanya.
Pero wala akong kahit anong bangis sa mukha na nakikita sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Killers Obssession(COMPLETED) Obsession Series 1
General FictionVirgo is a certified hired killer,well he didnt do it for living he do it because he want to be away from her stepsister Yleenna,whom he had a secret affection,but his feeling for her has no future since his legally adopted. Until he meet Laureen,no...