Killer Obsession
Chapter16#4_years_later
Sa totoo lang mukha siyang di 4years old.
Ang daldal niya.
"Wala kang tatay?"
Umiling ang bata. "Sabi ni Nanay may tatay daw lahat ng mga bata,pero hindi na daw niya alam kong nasaan yong tatay ko,baka nalunod na daw sa mainit na sabaw.!"
Napangiti ako sa sinabi ng bata,ang sarap niyang kausap ang gaan ng loob ko sa kanya.
"Ah,ganon ba! Magkano ba yang lahat?""Ito po? Nako 300p lang po lahat to!"
"Alam mo na ang 300?"
Napakamot ang bata sa ulo niya."Oo,alam ko! Sabi ni Nanay Genius daw ako,yong utak ko pang 10years old na raw,kahit malapit pa lang akong mag 4."
Nakakatuwa ang batang to. Mukhang batang matanda.
"Sige na papakyawin ko na to."
Namilog ang mata ng bata dahil sa sinabi ko."Salamat,may pambili na kami ng bigas. Yeheeyy."Nagtatakbo naman siya patungo sa kinaroroonan ng Nanay niya. Pagka-abot ng bayad ko sa kanya.
Nakatulala parin ito,na parang ewan.
"Nay binili lahat ng lalaki paninda natin"Masayang wika ng bata.
Tumango lang ang babae at inakay na paalis ang bata,nagwave naman sa akin ang bata.
Sayang di ko man lang natanong pangalan niya.
Pero di bale na maliit lang ang islang ito,makikita at makikita ko pa rin ang batang yon.
#Flashback
#Laureen
"Iha?!"Malakas na sigaw ang parang humatak sa akin na bumalik mula sa paglalakbay ko sa maputing lugar na diko alam kung ano.
Napadilat ako,pero diko magalaw ang katawan ko.
"Wag kang maggagalaw,Diyos ko,sariwa pa ang mga sugat mo!"Kahit nahihirapan akong gumalaw pinilit kong lingunin ang babaeng nagsasalita sa akin,medyo may katandaan na ito. Kitang-kita ko ang lungkot sa mukha niya.
"Anong nangyari sayo iha? Sinong may gawa nito sayo?"Bakas sa boses niya ang awa.
Umiling lang ako,"Nasaan ako?"
"Nasa malayong isla ka,natagpuan ka ng anak kong palutang-lutang sa laot. Akala namin patay ka na. Halos isang linggo kang walang malay,"
Hindi na ako sumagot,pilit kung pinikit ang mga mata ko..
Pero sa pagpikit ko,nakita ko ang mukha ng isang lalaking,nanakit sa akin,lahat ng pananakit niya nakita ko.
Ilang saglit pa ay naprocess na ng utak ko,kung sino ang lalaki at bakit nangyayari sa akin yon.
"Iha? Ikukuha lang kita ng pagkain."Tumayo na siya at iniwan ako.
Grabeng kahayupan ang ginawa sa akin ni Riffle,tuluyan niya akong kinuryente na ikinawala ko ng malay,tinakasan na din ako ng pag-asa ng mga panahong yon. Akala ko din mamatay na ako sa lagim ng sinapit kong yon. Siguro kaya pinatapon niya ako sa pag-aakalang patay na ako.
"Iha? Anong pangalan mo?"Inalalayan niya akong makaupo,para makakain.
"Laura,ako si Laura,"Ayoko ng maging Laureen,gusto ko ng magbagong buhay. Kalimutan lahat ng mga masamang pangyayari sa akin.
Marahan na akong sinubuan ng matanda,hindi ko pa pala natanong pangalan niya.
"Ako si Meding,tawagin mo akong Nanay,wala akong anak na babae."Napapikit ako ng hinaplos niya ang buhok ko. Napangiti ako ng may nagflash na mukha sa isip ko. Naalala ko si Virgo.
BINABASA MO ANG
The Killers Obssession(COMPLETED) Obsession Series 1
Художественная прозаVirgo is a certified hired killer,well he didnt do it for living he do it because he want to be away from her stepsister Yleenna,whom he had a secret affection,but his feeling for her has no future since his legally adopted. Until he meet Laureen,no...