chapter17

5.4K 106 0
                                    

Killer Obsession
Chapter17

#Ride

#Laura/Laureen

Tahimik lang ako habang nakasakay kami sa sasakyan ni Virgo,panakaw ko siyang sinulyapan,buhay siya.
Buhay na buhay.
Pero dahil yata sa nangyari wala siyang maalala.

Kasalanan ko to..
Dahil sa katangahan ko nadamay siya sa kalupitan ni Riffle,may choice naman siyang lumaban dati kaso inisip niya na baka saktan ako ni Riffle,pero siya naman ang napahamak.

"Ganda ng sasakyan mo Manong!"Excited na wika ni Aries,kitang-kita ko ang pagkamangha sa mukha niya.

Kita kong bahagya siyang nangiti sa sinabi ni Aries,yong ngiti na yon.
Minsan ko lang yon nakita,akala ko,hindi ko na muli pa yong makikita.

"Nanay,ang tahimik nyo po."Puna ni Aries sa akin.

"Ok lang ako Anak.

"Manong,ano pong pangalan nyo?"Makulit na naman na tanong ni Aries.

"Hmm,Virgo,ikaw?"

"Aries po,at itong maganda kong Nanay ay si Nanay Laura."

Napailing na lang ako sa sinabi niya. Kahit kailan talaga ang batang to.

"Diba maganda naman ang Nanay Laura ko,Sir Virgo?"

Nanlaki mata ko sa sinabi niya. Bahagya ko siyang kinalabit,nakakahiya.

Pero infairness ang gwapo niya ngayon.
Pero ako,heto at mukhang losyang na.
Dala na rin ng kahirapan ng pamumuhay namin ni Aries nakalimutan ko ng mag-ayos.

"Oo,maganda ang Nanay mo!"Serysong wika niya.

Ano daw?
Nagbibiro lang naman siguro siya.

Napatingin ako sa direksyon niya,sakto namang nakatingin din pala siya kaya nagtama ang paningin naming dalawa.

Para naman akong nakuryente sa simpleng tingin niya sa akin.
Alam ko wala lang yon sa kanya kasi di naman niya ako naaalala pero ako halos di na makahinga.

"D-dito na lang kami!"Lakas loob na wika ko,kahit medyo may kalayuan pa,masyado ng awkward ang pakiramdam ko.

Kita kong may planong magreklamo si Aries,pero pinanlakihan ko siya ng mata,matalino ang anak ko kaya nakuha niya ang ibig kong sabihin.

"Halika na Aries."Nauna na akong bumaba.

Mabuti naman sumunod ang anak ko,"Bye po Sir Virgo! Saan po kayo nakatira?"Hay may pahabol pa talaga na chika ang batang to.

"Sa resort ako nagstay,Aries."

"Wow?!!! Sa lugar na pangmayaman!"

Napailing na lang ako.

At kinarga ko na si Aries."Pasensya na Sir! Salamat sa free Ride. Magandang gabi."

Tumango lang siya.

Panay naman ang kaway ni Aries kay Virgo,naibaba ko ng wala sa oras si Aries,paano nanghihina kasi ang mga kalamnan ko.

"Ok ka lang Nanay?"

"Oo,medyo pagod lang ako!"

"Pero malayo pa tayo!"

"Nakakahiya naman kay Sir Virgo,mabato yong daan papunta sa atin diba?"

Tumango lang siya. At nagpatuloy na kami sa paglalakad."Pero Nay,mayaman pala si Sir Virgo!"

Hindi na lang ako sumagot.
Of course mayaman siya.
In fact sobrang yaman.

The Killers Obssession(COMPLETED) Obsession Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon