Killers Obsession
Chapter9
#Pretend
#Laureen
Buong araw akong nagkulong sa kwarto,hanggat maari ay iniiwasan ko muna si Virgo,ayaw ko muna siyang makita.
Bahagi yon ng plano ko gusto kung maisip niya na nasasaktan ako sa ginagawa niya sa akin.
Yon naman talaga ang totoo,maaring may pagkakamali ako bilang tao pero,ginawa ko lang yon para sa kaligtasan ko.
I need to obey Riffle,para patuloy akong mabuhay!
Alam ko marami ng nagagalit sa akin.
Pero anong magagawa ko,mamatay ako o susunod ako.
Ito buhay nga ako pero para namang patay.
Sa buhay kong to wala akong masyadong pagpipilian kundi ang sumunod at ilubog sa putik ang sarili ko.
Kung sana ay maibabalik ko lang ang panahon,sana hinayaan ko na lang na matapos ang buhay ko.
Sana hindi na ako naging ganito karumi sa mata ng ibang tao.
Ang daming sana.
Pero batid kung nangyari na ang dapat mangyari.
Nagkasala na ako sa mata ng mga tao at sa mata ng Diyos.
Sana lang matapos na to.
Gusto ko na ng payapang buhay.
Yong buhay na may pagpipilian ako kung anong gusto kong gawin.
Hindi ang ganitong buhay na ginagalawan ko,hawak ako sa leeg.
Na parang bang anytime ay pwede akong mamatay.
Oo,kasal ako kaY Riffle,pero hanggang doon lang yon.
Laruan pa rin ang tingin niya sa akin.
Maybe wala na talaga akong pag-asa na makahanap ng kaligayahan.
Wala na.
Walang lalaking tatanggap sa isang kagaya kung nadungisan na ng dumi ang pagkatao.
"Angel!"Napatingin ako sa pinto ng kwarto ng marinig ko ang boses ni Virgo."Angel?"Dinig ko ang mahinang pagkatok niya.
Angel?
Baliw na ba siya?
BlackAngel ang bansag sa akin pero bakit Angel lang ang tawag niya sa akin?
"Angel,labas ka na,tanghali na,baka magka-ulcer ka na niyan. Look Im sorry kung naging harsh ako sayo nitong mga nakaraang araw. I didnt mean to do it.."
Seryoso ba siya?
Wala sana akong planong pagbuksan siya kaso,makulit siya panay pa rin ang katok niya kahit diko siya pinapansin.
"Bakit?"Malamig na wika ko. Pagod na akong magkunwaring ok lang ako sa harap niya. Its time na din siguro na ipakita ko sa kanya ang totoong ako.
"Youre cold!!"
Seryoso ko lang siyang tiningnan. Kung ano man ang nararamdaman ko para sa kanya kailangan ko na itong iwaglit.
Nandito ako para sa isang napakahalagang misyon.
At dahil sa katangahan ko baka pumalpak ako!
"Youre wasting your time,Virgo! Wala ako sa mood makipag-usap sayo ngayon,kaya nga nagkukulong ako dito sa room ko."I need to stay away from him. His an enemy!
Kalaban ko siya!
Yon ang dapat na isaksak ko sa kokote ko!
KALABAN ko siya.
"Sorry kung naistorbo kita,gusto lang kitang aanyahang kumain!"
Titig na titig lang ako sa kanya.
Wala akong kahit anong emosyon na pinapakita sa kanya!
I need to be strong!
"Mauna ka na,hindi pa ako gutom!"
At akmang isasara ko na ang pinto pero mabilis niya itong napigilan.
"You just called me Virgo? Wheres the kuya!"
"From now on,I will call you Virgo! I get it,kuha ko na kung saan ako lulugar sa buhay mo. Thanks for waking me up. Thanks for making me realize the reality."Yon lang at mabilis ko ng sinara ang pinto.
Shit!
Naiiyak ba ako?
Hindi ko kayang magkunwari sa harap niya na parang wala lang.
It meant only one thing dilikado na ako dito.
Gusto ko na yata si Virgo.
BINABASA MO ANG
The Killers Obssession(COMPLETED) Obsession Series 1
General FictionVirgo is a certified hired killer,well he didnt do it for living he do it because he want to be away from her stepsister Yleenna,whom he had a secret affection,but his feeling for her has no future since his legally adopted. Until he meet Laureen,no...
