Simula

95 11 7
                                    

Rian

"Hoy Rian may field trip daw tayo sa kanlakan!"

Lumingon ako kay Ana na kaibigan ko habang nagbabasa ng libro sa may upuan.Kanlakan? Ngayon ko lang yun narinig ah? Pero parang pamilyar ang lugar na yun? Sino nga bang nagkwento sa akin?Ano ba yan?!Hirap din maging makakalimutin. Bahala na nga!

"Kanlakan?Saan yun?" Tanong ko sa kanya at ibinaba niya yung librong binabasa niya.

"Ano ba?!Yun kaya yung gustong gusto kong puntahan!" Sigaw na sagot ni Ana.Ay ang ang dali niyang magalit ha,may pagkaamazona nga pala to minsan.

"Kelan daw?"

"Sa Friday Rian!Sama ka,Hoy sumama ka dali." Pagpilit ni Ana sa akin na mukhang excited na.

"Ayoko!Alam kong mahilig kang mag ghost hunting. Ayoko nga,sigurado akong nakakatakot dun." Bakit ako sasama sa kanya eh ang hilig hilig niya kaya mag ghost hunting?duh.

"Haysst.Paano mo naman nalaman na nakakatakot dun?Nakapunta ka na ba?"Gagawa pa sana ako ng palusot eh.

"Lahat naman kasi ng gustong gusto mong puntahan puro hunted house."

"Performance task daw kaya yun!" Pagpupumilit pa rin ni Ana

"Eh kahit na alam mo naman na takot ako sa multo." Hindi lang siya takot eh.Samantalang ako takot na takot na.

"Marami naman tayo."

"Ayoko pa rin." Pagtanggi ko with matching iling pa yan.

"Kasama si Cadiel." Matipid na sagot niya.What?

"Ano daw oras?" Mabilis kong sagot.

"Ay.Pag sinabing Cadiel ang bilis.Bakit kasi di mo aminin sa kanya? Pag yun may nakitang mas maganda sayo, Pagsisihan mo." Luh.Bakit ako aamin?Hindi ako cheap noh.

"Hay!Pag inamin ko naman sa kanya eh di mahihirapan akong lapitan siya di ba?"Pagtataray ko sa kanya.

"Bahala ka!Sasama na yan,haha."sabi ni ana habang tinutukso tukso ako.

Haysst.Ewan ko ba kung bakit hindi ko masabi sabi kay Cadiel pag kaharap ko na siya.Ang tagal ko na kayang crush siya three years na. Parang wala na akong maintindihan sa mundo,Basta tinitingnan ko na lang ang mukha niya.Pagkatapos namin mag usap ay pumunta na kami sa amin next subject.

"Class,paguusapan natin ngayon ang inyong field trip.Dito sa field trip natin kukunin ko ang inyong performance task niyo,pag di kayo nakicooporate at sumama,huwag niyong aasahan na mataas ang makukuhan niyong grades sa akin.Babalikan natin ang kwento ni Karissa sa kanlakan."Si Karissa yung kinuwento sa amin ni sir na namatay at ang tinitirhan niya ay sa kanlakan.

"Sir?Di ba po bawal gambalain ang kaluluwa ng isang namatay na?"tanong ng isa kong kaklase.

"Di naman natin masasabi kung totoo yun di ba?" Sagot ni sir.Paano kung totoo nga?Wahh!Wag na kaya akong sumama?

Pagkatapos naming pag usapan ang tungkol sa field trip ay pinauwi na agad ni Sir.Dumaan muna ako sa locker ko bago umuwi at kinuha ko yung mga pictures tungkol sa story ni Karissa at tiningnan ko yung isang picture at bigla akong kinilabutan dahil sa itsura ng mansion kung saan siya nakatira.madilim ito at halata mong luma na at parang mapuno sa paligid.

Napaharap ako sa likod ko nung maramdaman kong may gumulong na bola sa aking paa. Pagkaharap ko nakita ko si Cadiel sa likod ko.Omaygas! papunta siya sa akin!Hinga muna relax ka lang Rian.

"Im sorry." Sabi niya at eto naman si ako na tulala lang.

"Hey.naririnig mo ba ako miss."sabi niya ulit at tinapat sa akin ang kanyang palad at kinaway niya.

"A-ano o-kay lang." Sabi ko at ngumiti habang siya naglakad na palayo.

Kung maari lang sana na ako din ang mahal niya.hayy.Mabuti pa umuwi na muna ako baka hinahanap na ako nina Mommy sa bahay.

***
Araw na ng field trip namin ngayon kaya pupunta na kami sa kanlakan.Sana lang walang mangyaring masama sa amin doon.

Pasakay na kami ng bus at ang naupuan pa namin ay yung pangtatlo.Sa may bintana si Ana at sumunod naman ako,nagulat na lang ako nung biglang umupo si Cadiel sa katabi namin.Kung siniswerte ka nga naman oh.Pagtingin ko kay Ana nakita kong may nakahanda na siya plastic para sukahan niya,eww.Mahiluhin pa naman yan sa biyahe kaya nga pumwesto siya sa may bintana eh.

"Huy!Okay ka lang?" Tanong ko kay Ana at tumango na lang siya.Natatahimik lang siya kapag nahihilo eh.Nagulat naman ako ng biglang magtanong si Cadiel My Love.

"Rian?Napuntahan mo na ba ang kanlakan?Ako kasi hindi pa eh,di ko nga alam yun,ngayon ko lang narinig.

"Ah..Ako?Nga-ngayon lang din eh." Nakakautal naman!Pero pagkakataon ko na bang aminin na may gusto ako sa kanya.Parang pang cheap kasi ang mga ganong gawain eh.Bahala na nga.

"Ahm,Cadiel?May sasabihin sana ako...ah.."This is it pansit!

"Hmm?" Bigla siyang tumingin sa akin habang his eyes are sparkling.Namumula na ata ako.Ano na Rian?!

"Ah,gusto...mong candy?" Hay Rian!Ang hirap kasi eh.

"Ah.sige..salamat." Halata man na naweirdohan siya sa akin ay tinanggap parin niya yung candy na binigay ko.Inabot ko sa kanya yung candy at uy nahawakan ko pa yung kamay niya.Siniko naman ako ni Ana dahil nakita niya ata ang ginawa ko at tumaas ang dalawang kilay niya.Feel ko na yung moment eh tapos bigla daw bang maniko.

Mga ilang oras na ang lumipas at nasa byahe pa rin kami.Tulog na tulog naman itong si Ana.At ako?eto pagkakataon ko na to eh,hihihi,matutulog ako ng kunwari tapos ipapatong ang ulo ko sa balikat ni Cadiel.Pero huh?nagmulat ako ng kaunti para tingnan siya and I saw him smirking.

Field Trip(On-Going)Where stories live. Discover now