Kabanata 17

4 2 0
                                    


*NANDITO AKO SAMA KA~*

Humarap muli si Penelope sa mga kasama.

"Guys... tignan nyo-   ahhhh"

Rian's POV

Napalingon agad ako nang marinig ko ang sigaw ni Penelope. Nanlaki ang mga mata ako nang biglang may humila sa kanyang buhok paitaas ng hagdan. Mabilis na sinundan ni Cadiel si Penelope sa lagusan. Sa tingin ko'y multo ni Karissa ang humila sa kanya dahil huli kong nasulyapan ang  brasong putla at ang magulong buhok nito.

"Cadiel!" Sigaw ko at nagdalawang isip na sundan si Cadiel. Hayy bahala na!

Cadiel's POV

Binilisan ko ang pag akyat sa hagdan para mahabol ko siya. Nang makarating na ako sa itaas ay nakita kong nakakaladkad na si Penelope palabas ng kwarto. Narinig kong may tumawag sakin at nilingon ko sya.

"Cadiel!" Si Rian. Nakita kong makakarating na dito sa taas pero tumakbo ako para maabutan si Penelope. Sa kadiliman ng hallway, unti-unti nang nawawala sa paningin ko si Penelope at hindi ko na sya nailigtas. Letche! I didn't save her!
Nang bumalik na ako ay nakasalubong ko sina Rian, Ione, at Venz.

"Ano? Did you save her?" Tanong sakin ni Rian na halatang hapo sa pagtakbo.
"No. Hindi ko sya naabutan... sorry"
"Ano? Sorry?! Maiibalik mo ba si Penelope sa sorry mo?! Duwag!" Sigaw ni Ione at sinugod ako ng suntok sa panga. Napabuhal ako habang hawak ang aking panga. Hinawakan na nya ang aking kwelyo at nanginginig sa galit  Shit! Di ko madepensahan ang sarili ko!

"Hoy! Tama na yan!" Pag aawat samin ni Rian. Pero hindi parin nya ako binibitawan.
"Dapat niligtas mo sya! Bakit mo hinayaan?!"
"Enough! Walang kasalanan si Cadiel!"
"Bro! Tama na yan!" Pag aawat ni Venz at sa wakas bumitaw narin si Ione. Pero nanatili syang nakaluhod at umiyak.

"Sandali nga Ione? Bakit ba ganyan nalang ang galit mo ha? Kasalanan ba nya na nakuha sya ng multo? Ikaw? Sige nga kung ikaw? Maiiligtas mo ba sya ha?"
"Tama ka wala akong kwenta! Di ko sya naprotektahan." Naiiyak na sabi ni Ione.
"Wait bro? May gusto ka ba kay Penelope? Sa inaasta mo parang gusto mo siya?" Tanong ni Venz.
"Oo gusto ko siya!"
"Ay kaya naman pala eh."
"Sorry. Di ko sya nailigtas" sabi ko kay Ione.
"No. Ako dapat ang magsorry. Pasensya na nadala lang ng emosyon."

Rian's POV

Hmm... kaya naman pala. Jusme nasaktan pa Cadiel ko. Pag yun talaga nacomma dahil sa kanya humanda sya! Tumayo na si Ione at si Cadiel ay nagpapahinga kaya nakaupo. Kaya iniabot ko sa kanya ang kamay ko. Sa bigat niya na out of balance sya, nabuwal sya at at nahigit nya ako padapa sa kanya! The heck! Nanlaki ang mga mata ko nang mapahalik ako sa katabi ng labi nya! Like what the shimmering shinning splending!!!

"Well... that's kilig haha" pang aasar ni Venz samin. May pag hawak pa sa braso ni Ione at ngumiti. Tinignan naman siya ni Ione ng masama at siniko. Napatingin ulit ako sa mukha ni Cadiel na napakalapit! My gosh!

"Uhmm... maybe... k-kailangan na nating tumayo Rian?" Nalinawan ako sa sinabi nya.
"Ah! Uhmm... oo nga" tumayo na ako at sumunod narin siya. Jusme kaya naman pala niya eh. Pero jusme Inang Bayan! Ang gwapo niya sa malapitan lalo na't nakita kong nagblush. Hahaha. At may naramdaman ako...

"Ah... guys?" Tanong ni Ione.
"Ano na naman? Nasan siya? Nasan yung multo?" Natatakot na tanong ni Venz at nagtago sa likod ni Ione.
"Naririnig niyo ba yun?"

Patay ako yata yun. Kumukulo na kase tummy ko. Gutom na ko. Huhuhu.

"Ang alin?"tanong ni Cadiel
"Uhmm... I think ako yun hehe. Nagugutom na kase ako eh."
"Sus! Yun lang pala! Tinakot mo ko Rian ah. Tara na nga at bumalik na tayo"

Sorry naman kasalanan ko bang magutom?! Oo tummy alam ko nagwawala ka na sa gutom. Ba't ang lakas mong mag aburuto? Nauna nang maglakad sina Ione. Lalakad na sana ako nang pinigilan ako ni Cadiel.

"Rian. Eto oh. Candy. Mabisa rin yan sa gutom."
"Hmm... thank you."

*Sa basement*

Third Person's POV

Inalis ni Sandy ang blaizer niya at iniabot sa kanyang guro.

"Sir, eto oh"
"Anong gagawin ko dito?"
"Ilagay nyo po sa sugat ninyo para maiwasan ang sobrang pagdurugo"
"Salamat."
"Sandali, kukuha ako ng mga halaman para maibsan ang kirot ng sugat mo" sabi ni Aling Melissa.
"Hindi po ba delikado?" Tanong ni Savory.
"Okey lang ako, babalik ako"

Umalis na ang matanda at tumungo sa may lawa. Maya maya nga ay bumalik na ang matanda na may dalang mga halaman at isinara na ang pinto. Kinuyumos ng matanda ang mga halaman at dinikdik niya ng bato. At iginamot sa sugat ng guro.

Rian's POV

Naunang bumaba ng hagdan sa lagusan si Cadiel sumunod si Venz, ako at si Ione.

"A-anong nangyari?" Tanong ni Sandy.
"Where is she?" Sunod na tanong ni Savory.
"Pasensya na, di ko na sya naabutan."
"It's so scary na. Pano na tayo makakaalis sa lugar na to?" Natatakot na sabi ni Savory.
"Uhmm... okey lang ba na maiwan muna kayo dito. We need to find her and the other na nawawala. At maybe may nga kaklase pa tayong buhay." Sabi ni Cadiel.
"W-wait? Iiwan nyo kami dito? Wait no way!"
"Sige. Ako na lang ang maiiwan dito para may lalaking magbabantay sa kanila" tama si Ione dapat may mag alalay na rin kay Sir.
"Sasama narin ako sa paghahanap dahil kabisado ko na ang daan dito sa mansion" sabi ni Aling Melissa.

Sa totoo lang. Natatakot ako sa kung ano mang mangyari samin sa paghahanap. Pano kung makasalubong namin yung killer? Si Karissa? Ilang beses ko nang nakikita ang creepy face ni Karissa pero kakatakot parin. Nilock ni Sandy ang pinto sa may lawa. Chineck namin ang aming flashlight kung malinaw pa . Sa oras na ito ang lahat ay naging seryoso. Hay... bakit naman kase ganito ang kinahantungan ng field trip namin? Sana pala di na ako sumama. Karupukan feels hay... akala ko magsasaya yun pala puro takot at kaba. Sigurado akong nag aalala na ang mga magulang namin. Napayuko ako at inayos ang buhok. Napansin naman ako ni Cadiel.

"Ayos ka lang?" Tanong nya sakin. Tumango nalang ako at nginitian sya ng pilit. Kinakabahan kase ako baka hindi na namin makita si Ana at di na makabalik ng buhay.

Field Trip(On-Going)Where stories live. Discover now