Maligayang maligayang umuwi sina Karissa sa Mansion habang si Melissa ay nakaupo lang sa may salas habang dinuduyan ang mga paa."Ano Karissa,Nasiyahan ka ba sa palabas?" Tanong ng kanilang Ina pagkapasok nila sa bahay.
"Opo!Ganun po pala sa bayan!Ang gaganda nga mga sumayaw na babae at parang gusto ko na rin po na sumayaw.
"Sige.Sa ibang araw,tuturuan kita kung paano sumayaw."Pagkasabi ng kanyang Ina ay agad itong umalis at naiwan ang dalawang kambal.
" Ano Karissa masaya ba?Nagsaya ka ba Karissa?"Tumayo ito at hinarap si Karissa.
"Melissa sayang hindi ka sumama ang ganda sa labas ng Mansion ang daming sumayaw na magagandang babae at mayroon din akong nakitang lalaki,kay ganda ng kaniyang mga mata at napakakisig niya."
"Hmm.Ganon ba?Kung gayon,SASAMA KA BA?"
"H-ha?Sige.Saan ba tayo pupunta?"
"Halika,sumama ka." Hinawakan ni Melissa ang kamay ni Karissa upang siya ay sumunod.Dinala ni Melissa si Karissa sa kanilang kusina.Nang makapasok sila sa loob isinara ni Melissa ang pinto at nagtaka si Karissa.
"M-melissa anong ginagawa natin dito?" May kinuha si Melissa sa taas ng kabinet.
"Melissa anong gagawin mo sa asido?" Nagsimulang kabahan si Karissa ng makita ang hawak ni Melissa na asido.Binuksan niya ito at unti unting lumapit kay Karissa at napaatras naman ito.
"Melissa anong gagawin mo?" Natatakot nitong sinabi.
Bigla bigla nalang ibinuhos ni Melissa ang asido sa puting saya,sa magandang mukha at sa balat ni Karissa.Nagmistulang punit punit ang kanyang puting saya na sinuot papunta sa bayan at nasunog naman ang mukha ni Karissa.Sa sobrang lakas ng pagkakasigaw ni Karissa narinig iyon ng kanilang Ina at dali dali itong pumunta sa kusina.
Sumisigaw pa rin sa sakit si Karissa. "Ayan, tulad na tayo Karissa! Magkatulad na tayo ng balat! Pareho na tayong pandidirian.Gusto kong iparamdam sayo ang nararanasan ko sa mansion na ito at ngayon hindi ka na rin nila mamahalin." Sabi ni Melissa at tumawa na parang nababaliw.
Sa kabilang banda naman ng bahay ay hinahanap ng mga magulang nila si Karissa para sabihin na magbihis na ngunit narinig nila ang ingay sa kusina kaya dali dali silang pumunta doon.
"Anong nangyayari dito? Karissa! Anong ginawa mo Melissa?!" Biglang nalinawan si Melissa at nabitawan niya ang bote ng asido na wala ng laman at napaluha siya sa ginawa niya.
Gustong tulungan ni Ginang Gorigez ang kanyang anak na si Karissa ngunit hindi niya ito mahawakan dahil may asido ang mga balat nito.
"Itay! Tulungan niyo ako! Ang balat ko..." Sigaw ni Karissa habang umiiyak at lalong nataranta ang mag asawa at di malaman ang gagawin.
Hindi nakapagpigil si Mr. Gorigez ng makita niya ang bote ng asido sa tapat ni Melissa.
"Walanghiya ka! Bakit mo nagawa to?!" Hinawakan niya sa buhok si Melissa at dinala sa silid pag katapos ay ikinandado doon.
"Itay!Patawarin niyo po ako, hindi ko po sinasadya!" Patuloy lang sa pagkatok ito habang umiiyak.
"Hindi kita anak! Wala akong anak na katulad mo!"
Mga ilang buwan bago naging maayos na ang pakiramdam ni Karissa at ganun din si Melissa, nakakulong pa rin sa kwarto niya. Laging dinadalhan ng itay si Melissa ng pagkain.Ngunit sa isang pagkakataon ay nais makausap ni Karissa si Melissa kaya siya ang magbibigay ng pagkain ni Melissa.
Binuksan ni Karissa ang pinto at hawak niya ang pagkain para kay Melissa.
"Melissa?" Nadatnan niya na nakaupo si Melissa sa kanyang kama.
"Kumain ka na oh." Isinara niya ang pinto para makapag usap sila ng maayos.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Ang totoo niyan gusto lang kitang makausap." At ipinatong niya ang pagkain sa kama.
"Hindi ka ba galit sa akin dahil sa ginawa ko sayo?"
"Wala, wala akong itinanim na galit sayo Melissa,dahil kapatid kita at naiintindihan kita kung bakit mo yun nagawa."
"Yun ang dahilan kaya lalo nila akong hindi minahal! Ipinasuot nila sa akin ang napunit punit mong damit.Kinuha nila lahat ng aking damit na maayos para lagi ko daw maalala ang ginawa ko sayo at pagsisihan ko ng mahabang panahon."
"Hindi ko kailangan yun! Pinagsisisihan kong naging kakambal kita! Dahil sayo wala akong kwenta para kay Inay at itay."
Sinugod ni Melissa si Karissa at kinaladkad ito papuntang kabinet. Sa kabinet ay mababang butas at dito inihulog si Karissa. At ng panahong ito ay umalis ang mag asawa sa mansion para mamili ng kanilang kakailanganin.
Sa pagkakahulog ni Karissa ay bumangon ito.Sobrang dilim doon halos wala ng makikita ni isa mang liwanag.
Nangapa siya at pinakiramdaman ang bawat dinadaanan kahit takot na takot na siya.
"M-melissa! Melissa! Nasaan ka?! S-samahan mo ako, ayoko dito.N-natatako na a-ako." Sabi niya habang umiiyak.
Hindi nagtagal ay nakita niya ang anino niya.Nagtaka siya at biglang napaisip kung may ilaw sa may likod niya.Humarap siya at nakita niya si Melissa kaya agad siyang tumakbo papalayo habang bukas pa ang ilaw na hawak ni Melissa.
Napansin niyang may hawak si Melissa na kutsilyo kaya mas lalo niyang binilisan ang pag layo.
Napasandal siya sa isang pinto kaya nagmadali siyang buksa ito at pumasok roon. Pinagmasdan niya ang paligid at nagtaka siya ng nakitang nasa labas siya ng bahay sa may lawa.
Nakaradam siya ng sakit ng ulo kaya napatigil siya at unti unting lumabo ang paningin hanggang mawalan ng malay.
Gabi ng nagising siyang nakatali at iba na ang kanyang damit. Mababakas rin sa mukha niya ang takot.
Dumaan si Melissa sa haparan niya.Nakatali pala siya sa isang punong malaki.Ang suot niya ay ang kaninang suot ni Melissa at noon pa lang niya nalaman na pinagpalit ni Melissa ang damit nila.
"Karissa...Nararamdaman mo na ba?"
"Melissa, pakiusap pakawalan mo na ako."
"Ano?Pakakawalan?Bakit ko naman gagawin yun?"
"K-kasi magkapatid tayo,m-magkambal tayo.Kambal kita,kaibigan din kita at higit sa lahat mahal kita Melissa...Bakit ka ba nag kakaganyan?
Dahil ba pakiramdam mo na hindi ka nila mahal?Ha?
Kung gusto mo umalis tayo. Magpakalayo layo tayo sa kanila kahit tayo na lang dalawa kaya pakiusap pakawalan mo na ako."
Lumapit si Melissa kay Karissa at akala niya ay pakakawalan na siya ngunit mali siya ng maramdaman niya ang hapdi at masakit sa tiyan niya.Niyakap siya ni Melissa.
"M-melissa..." Biglang pumatak ang luha ni Karissa.May umagos sa mga kamay ni Melissa habang hawak pa rin niya ang kutsilyong nakabaon sa tiyan ni Karissa.
"Mahal kita kapatid" sabay patak din ng luha ni Melissa.
YOU ARE READING
Field Trip(On-Going)
HorrorKarissa's mansion: scary,mysterious,hunted,at higit sa lahat malayo sa lungsod at nasa kalagitnaan ng gubat. Ikaw?susubukan mo pa bang puntahan at alamin ang storya ni karissa? Read it or you may missed. Come with me on Field Trip!