Kabanata 19

9 2 0
                                    

Rian's POV

Di ako makapaniwala na nasa harap ko na si Ana. Binigyan ko sya ng isang mahigpit na yakap. Finally! We found her! At hindi na namin naririnig ang pag mumulto ni Karissa.

"Ana... thank God ligtas ka!" Kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanya at hinawakan sa tigkabilang balikat.

"A-anong nangyari sayo ha? San ka ba pumunta? Okey ka lang ba?"  Ngumiti lang siya sakin at tumango. "Salamat at walang nangyaring masama sayo" niyakap ko ulit sya ng mahigpit.
"Ana? Ikaw lang pala? Nakakagulat ka ha" sabi ni Venz.

"Teka nga, maiba nga muna tayo Ana? What happened to you? Did you see Lorean and Lenny?" Seryoso kong tanong sa kanya.
"Ahh... hindi ko sila kasama. I don't know."
"Ganun ba? Wait... hindi mo pa sinasagot yung tanong ko. Anong nangyari sayo? You have been missing all this day ng activity?"
"Di ba kanina nahimatay-" naputol na sabi ni kuya Tonio dahil biglang nagsalita si Ana.

"Kanina kase nung activity may hinahanap ako, tumawag si Mama, di ko sya maintindihan dahil nawawala ang signal kaya lumabas ako para maghanal ng signal. Sa sobrang layo ng napuntahan ko naligaw ako eh. Kanina pa talaga ako naghahanap ng daan. At kanina lang nahanap ko itong mansion. Gutom na nga ako eh" mahaba nyang paliwanag.

Wait? Naghanap ng signal? Naalala ko noong huli kaming nagkita ni Ana eh sa kusina. At doon ay nakita namin ang multo ni Karissa. So pano? Pano nya nasabi na lumabas sya ng mansion? Nagsisinungaling ka ba Ana? O si Kuya Tonio ang nagsisinungaling? There's something wrong with her.. Napansin kong hindi sya makatingin ng deretso. At sino sa kanilang dalawa ang nagsasabi ng totoo?

"Teka lang? Kuya Tonio ang sabi mo nakita mo syang nakabulagta at walang malay?"

Lumayo naman sina Cadiel, Venz at Aling Melissa may kuya Tonio.

"Pinagdududahan nyo ako? Nagsasabi ako ng totoo!"
Humarap ako kay Ana at tinanong.
"Totoo ba yang sinasabi mo Ana?" Napakunot noo sya.
"Ako? Nagsasbai ako ng totoo!"

Kung ganun... nasisinungaling si Kuya Tonio?

"Wag ka nang magpanggap Kuya Tonio!"  Lahat kamiy tumingin kay kuya Tonio. At taka namin syang tinignan nang biglang nanlaki ang kanyang mga mata at takot natakot natumuro sa may likudan namin.

"Yu-yung kaibigan nyo!" Pautal utal na sabi nya.

Paglingon namin kay Ana. Mukhang naagnas, luwa ang mata, creepy smile at hawak hawak nya ang kutsilyo ng dalwang kamay at nakataas na handang isaksak sakin. Nashook ako sa nakita ko. Di ako makagalaw sa kaba nang sasaksakin na ako'y bigla akong hinila ni Cadiel at di natuloy ang kutsilyo sakin pero nadaplisan ako sa kanang braso. Nalinawan ako at tumakbo ng mabilis. Naririnig namin ang mga yabag ni Ana na palalapit samin. Malapit na kami sa may pinto at nagulat kami sa mga bangkay ng mga kaklase namin. Sa taranta namin eh buglang natapid si Aling Melissa sa kamay ng isang bangkay. Nalagpasan na namin si Aling Melissa, lumingon ako at naki5a ko ng tinulungan sya ni Kuya Tonio. Nang makatayo na si Aling Melissa, lumingon si Kuya Tonio at nakita ko narin si Ana.

"Rian! Takbo na! Bilis! Tara na!"
Sigaw sakin ni Cadiel. Nataranta ako at sumunod na sa kanila.

Third Person's POV

Pinatakbo na ni Tonio ang matanda saka hinarap nya ang wala sa sariling si Ana. Akmang sasaksakin ni Ana ang driver nang mahawakan nya ang kamay nito at pilit na pinipigilan ito ngunit sadyang napakalakas nya. Nakawala ng isang kamay ni Ana ay sinakal si Tonio na dahilan ng pagkahina nito. Sinaksak ni Ana si Tonio pagkatapos ay pinaikot nito ang ulo ng biktima.

*Basement*

Hawak hawak ni Sandy ang cellphone ng kanyang guro habang pabalik balik na naglakad dahil hindi na sya mapakali.

"Can you please stop walking? We're kinda dizzy here" pag iinarte ni Savory. Tumigil naman si Sandy sa paglalakad at tinignan ang cellphone.

"Eh hindi pa kase sila tumatawag"
"Alam mo yung word na maghintay?"
"Wala ka bang pakealam o mag alala man lang sa kanila?"
"Oh mag aaway na naman kayo. Tigilan nyo na nga yan!" Pag aawat ni Ione.
"Tignan mo kase yung signal. Hello? We're in the basement" Savory rolled her eyes. Tinignan naman ni Sandy ang cellphone at wala nga itong signal.

"Saan kaya may signal dito?" Tanong nya.
"Try mong lumabas" sabi naman ni Savory.
"Wag! Delekado sa labas!" Pag pipigil ng guro sa kanya.
"Magpahinga na muna tayo at anong oras na ba?" Tanong ni Ione sabay hikab.
"It's 3:15 am" sabi ni Sandy
"Wait? 3:15 am? All this time I thought na gabi pala? And it's 3:00 am like they say there's a lot of ghost who are watching us!" -Savory
"Ay sus! Maniwala ka sa mga ganyan. Di naman ata totoo yun. At kaya pala kanina pa kumukulo tyan ko." sabi ni Ione.
"Ang dami kasing nangyari at hindi na natin namalayan ang oras"
"Hintayin nalang nating magkasignal"
"Pano kaya kung buksan ng konti yung pinto? Nang may mahagilap na kahit konting signal? Baka kung anong nangyari na sa kanila eh" suggestion ni Sandy.

Binuksan ng konti ni Ione ang pinto at silay naghintay hanggang makatulog ngunit si Sandy ay nanatiling gising at naghihintay parin ng signal.

Rian's POV

"Aling Melissa!" Sigaw ko. Pinuntahan ko sya at inalalayan para makatakbo nang mabilis. Nakalabas na kami ng mansion at malapit narin kami sa may malaking puno nang matinig namin ang nakakapangilabot na kalirit ni Ana. Wait? Si Ana ka nga ba? Ibang Ana ang kumikilos ngayon na sabik na sabik pumatay ng tao. Nakita kong huminto sa pagtakbo sina Cadiel at dahil nakita nila si Sandy na nakabitin doon at humuhingi ng tulong. Wait? Si Sandy?

"Sandy?" Pagtataka ni Cadiel "Sandy!"
"Kuya tulungan mo 'ko!"

Si Sandy? Nasa basement si Sandy! Sinigawan ko si Cadiel.

"Cadiel! Umalis ka na dyan! Hindi si Sandy yan! Nagpapanggap lang yan!" Lumingon naman sila samin.
"Nililinlang nya lang kayo!"
"Nasa basement si Sandy remember?- Cadiel!!!" Sigaw ko sabay turo sa may likuran nila. It's Karissa!

Field Trip(On-Going)Where stories live. Discover now