Kabanata 21

10 1 0
                                    

Cadiel's POV

Wait! boses ni Rian yun ah? Lumingon ako kung saan narinig ko ang sigaw.

"Bro! Si Rian!" Nakita kong tumakbo si Venz papunta sa may bangin.
"Rian? Rian!" Kumaripas ako ng pagtakbo papalapit doon. Kasabay ng biglang pag bilis ng tibok ng puso ko.

"Ahhh! Tulong!" Sigaw ni Rian. Nakita kong nakakapit na lang siya sa isang baging. Mukhang mahuna ang banging na ito.

"Bro! Nadulas siya nung tumakbo siya. Bro! Pano na yan?" Nakita kong umiiyak na si Rian.
"Tulong! Hindi ko na kaya!"
"Rian! Kumapit ka lang! Wag kang bibitaw!"

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko habang tinitignang nakakapit si Rian sa baging. Nag iisip ako ng paraan kung paano siya maililigtas something na bagay na mahihila ko sya dahil sa tingin ko mahuna yung baging na kinakapitan nya baka paghigit namin sa baging eh tuluyan na syang mahulog! Hindi ko hahayaang mangyari yun! Isip Cadiel! Come on! Think!

"Please... ang sakit na ng kamay ko!"
"Kapit ka lang Rian! Hold on!"
"Wow parang napanood ko na to ah?"
Sinasabi ni Venz? Parang gets ko na sya.
"Venz! Mag isip ka din ng paraan! Ano bang sinasabi mo dyan!"
"S-sandali heto na nga oh!"

"Ahhh!" Sigaw ni Rian nang maputol na nga ang baging na hinahawakan niya.

"No! Rian! Shit!" Napamura ako sa kaba. Buti na lang at naka hawak sya sa bato na kaya siya. Cadiel paganahin mo utak mo! Sa boy scout ba?! Ano?! Lubid?! May lubid ba?! Sa puno?! No way! Takte! T-shirt? Tama t-shirt! Hinubad ko ang suot kong t-shit at natira ang sando. Hindi sapat ang isa lang hindi nya abot!

"Venz! Hubarin mo yang jacket mo!"
"Ano ba Cadiel may oras ka pa sa mga ganyan?!" Natatarantang sabi nya.
"Ano? Ano bang iniisip mo! Bilisan mo! Ikaw papatayin ko! Bilis!"
"Oh... eto na!" Dalian niyang hinubad ang jacket at ibinigay saakin. Parang nalaman na ni Aling Melissa ang plano no kaya ibinigay na niya sakin ang kanyang roba at tumambad ang mga peklat niya sa mukha. Pinag dugtong dugtong ko ang mga ito at inihagis ko kay Rian ang dulo nito.

"Rian! Ito! Hawakan mo! Kumapit ka nang mabuti! Hihilahin ka namin pataas!" Sigaw ko sa kanya at agad naman niya itong hinawakan ng mahigpit at sinimulan na namin siyang hilahin. Buong lakas ko siyang hinila at nang makasampa na siya ay kumapit siya sa balikat ko, inangat ko siya at niyakap niya ako ng mahigpit habang umiiyak.

"I-I thought... I'm gonna lose you..." sabi ko nang may pag aalala at hindi ko na rin napigilan ang maluha sa nangyari.

Akala ko talaga mawawala na siya sakin. Thanks God! Hindi mo siya pinabayaan. Sobra ang pag-iyak ni Rian at nanginginig ang kanyang katawan kaya bigla na lang siyang nahimatay.

"Rian? Rian?!" Tinapik tapik ko muna nga pisngi niya saka binuhat at dinala pabalik ng mansion. Kelan ba kami makakaalis sa lugar na 'to?!

Nakarating na kami sa kwarto kung saan nandun ang lagusan sa basement. Buti na lang at hindi lumalabas si Karissa.
Inihiga ko siya sa kama at umupo sa tabi niya.

"I felt so sorry for her. She's right. I killed Ana, I'm hurting her right now. Kasalanan ko kung bakit siya nasasaktan ng ganito at kung bakit nangyari 'to sa kanya. Di ko talaga mapapatawad ang sirili ko pag nawala siya sakin."
"Oo nga't pinatay mo ang kaibigan niya, pero tama rin yung sinabi mo kanina na ibang Ana ang kumilos noon, iniligtas mo siya sa kamatayan, Ihjo... alam mo, pag mahal mo ang isang tao gagawin mo ang lahat maproteksiyunan lang siya kahit ikagagalit niya pag wala nang ibang paraan. Oo mahirap pero kailangang tanggapin" mahabang pangaral ni Aling Melissa sakin.
"Hindi ko lang matanggap na ako din ang dahilan kung bakit siya nasasaktan. Ang pagmamahal ko ang nakasakit sa kanya. Kaya tama pa bang pagmamahal  yun kung nasasaktan siya?" Natahimik nalang si Aling Melissa sa sinabi ko. Damn. I hate myself!

Tinignan ni Venz ang kanyang relo.

"It's already 5:50 am, dahil sa pagod at walang kain kaya nahimatay siya. I think? You know guys antok narin ako. Napagod ako sa kaba ko kanina kala ko kakainin na ko nung multo na yun."

*Basement*

Third Person's POV

Tila narinig ni Sandy ang mga boses ng kanilang mga kasama sa itaas.

"Guys! Guys! Gising! I think sila na yun sa taas" paggising niya sa kanyang mga kasamahan. Umakyat si Sandy sa hagdan at sumunod na si Savory.

"Sir? Kaya mo po bang umakyat?" Tanong ni Ione at tumango naman ang guro at inalalayan pakyat.

"What happened? Why is she... laying in the bed?" Tanong ni Sandy.

"Actually humiga lang siya diyan at pumikit... can't you see? nahimatay siya alangan namang-" pagpilosopo ni Venz.
"Titigil ka dyan o papatayin kita?" Inis na sabi ni Sandy.
"Huh. Di na ko magtataka na magkapatid nga kayo ni Cadiel. Papatayin na 'ko ng apilyedong Miller"
"Just shut up!" Inis na sabi ni Savory.
"Nahulog siya sa bangin at buti nailigtas namin siya. Sa pagod siguro at takot kaya siya nahimatay" pagpapaliwanag ni Cadiel.

"Oh my God!"
"Grabe pala  nangyari sa inyo"
"Wait did you guys found Penelope?" Tanong ni Ione.
"Sorry hindi eh. Pero nakita na namin si Ana."
"Talaga? Eh nasan siya?" Tanong ni Sandy.
Natahimik ang lahat at iniba ni Venz ang usapan.

"Ahh... sinong sasama kukuha ng foods? Gutom na tayo panigurado."
"Me! Please lang... I need some or plenty of food for my precious stomach! Kanina- ah! correction. KA-HA-PON pa tayo hindi kumakain okey kaya let's go! Kinda dizzy here!" Pag iinarte ni Savory.
"Sige sasama narin ako" sabi ni Ione.

Umalis na nga sila para kumuha ng pagkain na baon nila sa kanilang field trip. Maya maya ay napansin nila ang paggalaw ni Rian.

Field Trip(On-Going)Where stories live. Discover now