Kabanata 3

22 6 1
                                    

Rian

Sa kalagitnaan ng aming paglilinis ay may nakuha akong isang box galing sa loob ng isang kabinet. Halata rito na lumang luma na ito.Binuksan ko ito at may laman itong mga litrato.

"Ana,tingnan mo to oh." Tawag ko kay Ana at napahinto siya sa paglilinis."Ano yan?"tanong naman niya.

May isang litrato naman ang nakaagaw ng aking pansin.Yung babaeng nasa picture,ito yung babaeng nakita ko sa may puno.

"Ana,tingnan mo.Ito yung nakita ko sa may puno." Sabi ko at pinagmasdan niya yung babae.

"Ha?Siguro siya si Karissa.Eh sino naman yung nasalikod niya."Ani niya kaya napatingin ako dun sa likod ng babae sa litrato.

"Sa likod? anino niya lang yun ah."Napakunot naman ang kilay niya sa sinabi ko.

"Hindi eh,pansinin mo.Magkaiba ang pwesto nila.Nakaharap si Karissa habang yung anino naman ay nakatagilid na parang naglalakad." Napaisip naman ako sa sinabi niya.Tama siya magkaiba ng pwesto nung anino at ni Karissa.Photo bomber lang ang peg nung anino?

"Oo nga noh.Imposibleng si Karissa yun." Sabi ko na lang sa kanya.

Tiningnan ko pa ang ibang litrato at may nakita akong isang babae na may hawak na dalawang sanggol.Titingnan ko pa sana ang ibang litrato ng biglang may kumatok sa pintuan kaya binilisman namin ang pagtatabi ng box sa kabinet.

Lumalakas lalo ang katok sa pinto.Marahang binuksan ito ni Ana at pumasok naman si... Cadiel.Akala ko naman kung sino na eh.

"Ana,Rian.Magmemeryenda daw muna tayo.Tara na." Sabi ni Cadiel at lumabas na kami.

Syempre ladies first.Si Ana na ang pinauna ko at nasa likod ko naman si Cadiel.Takot ako eh.Tapos baka mawala na naman si Ana sa sobrang dilim ng hallway.

May natapakan naman ako sa sahig na kahoy.Bakit nagkaroon ng kahoy dito?Tuloy-tuloy lang sa paglalakad si Ana.Napatigil ako bigla at bumunggo sa likod ko si Cadiel kaya napasigaw ako.

"Ay Palaka!" Sigaw ko

"Oh?Ayos ka lang?" Tanong ni Cadiel.Nakalayo na sa amin si Ana samantalang nasa kalagitnaan pa rin kami ng hallway.

"Yung ilaw,pakibukas!" Sabi ko dahil nakaramdam na naman ako ng takot dahil nasa unahan na naman ako eh.

"Eh ano kasi Rian eh,nasa dulo pa yung switch ng ilaw."-Cadiel.

"Natatakot na ako eh."Sabi ko ng pumapadyak ang aking mga paa.

"Teka Rian,Huminahon ka!" Sabi ni Cadiel habang pinapahinahon ako.Naramdaman ko din ang paghawak niya sa kamay ko.

"Rian,wag kang magalala, nandito lang ako.Wag ka nang matakot hawak ko na ang kamay mo.Relax,okay?" Sabi niya at tumango na lang ako.

Nagsabay kaming naglakad na magkatabi hanggang makalabas kami sa mahabang hallway.

"Oh Cadiel,Rian bakit ang tagal niyo?Ay,may pa holding hands ang kuya.Ano to ha?Ayiie." Sabi ni Ana habang kinikilig.

Holding hands?Ay Oo nga pala magkaholding hands pa pala kami.Bigla ko na lang inalis yung kamay ko.Nakalimutan ko kasing alisin kanina.Siya kaya nakalimutan niya din o hindi lang talaga inalis.hehe.

"Hali na kayo at kumain muna mamaya na natin ituloy ang paglilinis dahil masyadong malaki itong mansyon." Sabi ni Sir at kumain na kami.

***

Gabi na naman.Maraming kwarto dito,siguro sa mga bisita yung iba kaya marami.Kwarto pala yung mga pinto dito sa mahabang hallway.

Sa sampo na magkakatapat na kwarto.pinili namin ni Ana ay sa gitna,nakakatakot kaya sa doon sa dulo.Sa parteng kanan ay mga boys at sa kaliwa naman ay ang mga babae.Sa isang kwarto kasi ay dalawa ang pwedeng matulog.

"Nakita mo ba yung magandang sapa sa labas ng bahay?" Tanong sa akin ni Ana.

"Hindi ko napansin eh."

"Hindi mo talaga mapapansin kasi kaylangan mo munang pumunta sa pinakababa nitong bahay,Dun sa basement.Tapos may labasan dun mo makikita sa labas nun.Bundok kasi to."Mahabang paliwanag ni Ana.

"Ha?May basement pa to?Ang laki talaga ng Mansion ni Karissa noh?Ang swerte pa niya." Sabi ko naman.

"Anong swerte?Eh pinatay nga siya dahil may gustong umagaw sa kanya nitong Mansion." Kaya nga noh.

"Ha?eh sino namang aagaw?Bakit may kapatid ba siya?Solo nga siyang apo diba?" Sunod sunod kong tanong kay Ana.

"Ewan ko yun kasi ang sabi ni Sir.Palibhasa kasi sayo di ka nakikinig kaya hindi mo alam." Sabi niya.Aba!Ako daw tong hindi nakikinig eh siya kaya yung dumadaldal sa akin.

"Hoy,Ariana Marie Cabelo.Kung hindi mo ako kinakausap tuwing may lesson edi sana alam ko lahat yan."

"Hoy,Rian Han Vaquine.Wag na wag mo akong tatawaging Ariana Marie dahil ayoko na tatawagin ako ganon.At isa pa kahit naman idaldal kita hindi ka pa rin makikinig dahil nakatitig ka lang kay Cadiel." Sabi naman niya.Bahala ka nga diyan.


Field Trip(On-Going)Where stories live. Discover now