Rian
"Ana may tao rin pala dit-" di ko na natapos ang sasabihin ko kasi bigla nalang aking kinilabutan.
"Rian ayun may nakita na akong isa!"
"Kukunin ko na ha?" Hindi pa rin ako nagsasalita kaya kinuha na niya yung tanong samantalang naka titig lang ako sa babaeng nakatalikod.
"Ito yung tanong..'Saan mo ako makikita?' Anong klaseng tanong ito?"Sabi ni Ana.
"R-rian m-may problema ba?" Nanginginig na tanong ni Ana napansin niya na rin ata yung babaeng nakatalikod.
"Ana,y-yung babae" sabi ko naman at tinuro yung babae.Humarap ang babaeng kanina ay nakatalikod at nagulat kami ng makita namin ang naagnas na mukha niya.
"Ahhhhhh!" Sigaw namin ni Ana at tumakbo palabas ng kusina.Nang makalabas kami ay isinarado ko agad ang pinto.
Hanggang sa labas ng kusina ay rinig pa rin namin ang papalapit na yabag ng babae na si karissa at kinatok ng ilang beses ang pinto.Sa pagtakbo namin di ko napansin na may pako pala na nakalabas kaya nasagi ko ito at nagsugat sa aking braso.Di naman hadlang ang sugat ko kaya nakatakbo pa rin ako.Sa taranta ko ay may nakabunggo pa ako na sa isip ko ay tao.
"Waahhh!" Sigaw ko ng nakapikit at muntik na akong matumba buti na lang at nasalo ako ng bumunggo sa akin.Teka?kung multo to may multo bang sumasalo?Tao nga di ka sinasalo kapag nahulog ka multo pa kaya?
"Rian,open your eyes." Unti unti kong binuksan ang aking mga mata at nakita ko si Cadiel na nag aalala.
Biglang may bumagsak sa likuran ko kaya napayakap na lang ako kay cadiel at naramdama kong kino-comfort niya ako sa likod.
"Cadiel,natatakot na ako." Sabi ko ng may halong takot.
"Wag kang mag alala nandito lang ako." Sabi niya at bumitaw ako sa pagkakayakap.
"Hanga pala nasaan si Ana?Magkasama kayo di ba?" Tanong niya at tumingin sa paligid na parang hinahanap si Ana.
"Si Ana?kasama ko lang siya kanina sa pagtakbo,baka naman naiwa-. Cadiel si Ana hanapin natin siya!" Sabi ko ng may pag aalala.
"Tara balikan na natin siya sa kusina"
Tumigil kami sa paglalakad ng may mapansin ako."T-teka bakit nga pala mag isa ka?Akala ko ba kasama mo sina Sandy at Venz?"
"Humiwalay kasi ako sa kanila nag aaway pa kasi kung saan maghahanap tapos may narinig akong sumigaw..tara na nga hanapin na natin si Ana." Sagot niya at nagpatuloy kami sa paglalakad.
"Ikaw na ang magdala nitong flashlight oh..Teka may sugat ka?!" Tanong niya at kumunot ang noo.
"O-okay lang napasagi lang ako kanina sa pako."
"Akin na yang braso mo."
"Ha?Wag na okay lang." Hinawakan niya pa rin ang braso ko at pumunit ng konti sa damit niya at tinali sa braso ko.
"Ayan tuloy,nasira pa ang damit mo." Nahihiya kong sabi.
"Okay lang,para sayo." Bumulong siya at nauna nang lumakad.
W-wait lang tama ba yung narinig ko o naga-assume lang ako?
Sumunod na ako kay Cadiel at hinanap na si Ana.Binuksan niya ang isa pang flashlight na hawak niya at ako naman ay mahigpit na nakahawak sa braso niya.
Binuksan ni Cadiel ang ilaw pero hindi pa rin ito nabubuksan.
"Oh? Bakit ayaw mabuhay?" Pagtataka niya.
"Kanina pa nga yan ayaw mabuhay eh.T-teka kanina nga pala nakita namin si Karissa diyan sa may lalagyan ng stove.Wag na kaya tayong tumuloy!"
"Huh?Kung one way lang lang ito sa tingin mo saan pa siya pwedeng pumunta?Hindi na yun siguro babalik dito,kung sabi niyong nakita niyo siya dito." Paliwanag niya.
"Oo nga noh,Saan kaya siya napunta?" Pagkasabi ko nito ay biglang sumara ang pinto.
Sinubukan ni Cadiel buksan ang pinto ngunit ayaw bumukas.
"Hawakan mo muna itong flashlight." Pagkabigay niya sa akin ay namatay ang ilaw mula dito kaya ipinukpok ko ito sa kamay ko para mabuhay.
Pagkabuhay ko ng flashlight ay nakatutok ito sa kisame at....nasa kisame si Karissa!
"Waaah!" Sigaw ko at sinipa ni Cadiel ng malakas ang pintuan kaya nabuksan ito.
"Rian, Takbo na!" Sigaw niya ng makitang hindi pa ako tumatakbo.
"H-ha?" Hinawakan niya bigla ang kamay ko at hinigit na parang Holding hands while running.
YOU ARE READING
Field Trip(On-Going)
HorrorKarissa's mansion: scary,mysterious,hunted,at higit sa lahat malayo sa lungsod at nasa kalagitnaan ng gubat. Ikaw?susubukan mo pa bang puntahan at alamin ang storya ni karissa? Read it or you may missed. Come with me on Field Trip!