Kabanata 10

34 5 1
                                    

Rian

"Si karissa.." Sambit naman ng matanda.

"Si Karissa na naman?" Tanong ni sir na parang naiinis na sa nangyayari.

"Ano bang ginawa niyo?!Kelan nagsimula to?!" Sambit ng matandang babae sa mataas na tono.

"Parang nag simula po ito nung nagpasimula si Sandy nang.."

"Nang ano?!" Sigaw ng matanda.

"Nang..nang spirit of the glass po." Sabi ni Venz at yumuko.

"Ano?!Ginambala niyo lalo ang kaluluwa sa puno na may paghihinaing at galit!"

"P-pasensya na ho, kung gusto po eh aalis na kami bukas." Sabi ni Sir at tiningnan kaming lahat.

"Sir, eh paano naman po sina Ana?!Sina Lenny,Lorean at S-sandy?" Biglang salita ni Cadiel na may halong galit at bigo.

"Umalis na kayo kung gusto niyo pang mabuhay at hindi makulong dito!"

Aba!Sisingit talaga ako sa matandang to'!Yung kaibigan ko nawawala tapos paalisin kami!?

"Teka lang po!Sino ka po ba para utusan kami!Tapos paalisin niyo kami ng hindi namin sila kasama?Sir, iiwan natin sila?!"

*****
Tanghali na,nagpulong pulong ang lahat at may ipinaliwanag din ang matandang babae.Gagawa daw kami ng plano kung saan namin sila makikita.

"Si Karissa ay isang napakamagandang babae na nagmana ng Mansion..Kaya lang may gustong umangkin sa kanya nito," Panimula ng matandang babae.Ang creepy talaga niya lalo na at naka roba pa siya.

"Sa taas,Sa kwarto,may nakita po kaming box na may mga picture.Siya po ba si karissa?" Tanong ko at naglabas ang isa naming kaklase ng box.

"Ito po ba?"

"Oh?Bakit nasayo yan?" Tanong ko ulit ng may pagtataka.

"Kinuha ko yan sa taas para na rin sa dagdag na impomasyon."

"Yaan ba?" Kinuha ng matandang babae ang box.Binuksan ito at ipinaliwanag isa isa.

"Ito si Karissa,sadyang napakaganda niya di ba?..Itong nasa litrato ay ang unang araw ng pagpapakilala sa kanya sa harap ng maraming tao,"

"Ah?Bakit po unang pagpapakilala?Dalaga na siya diyan eh,kung ganon lagi lang po siyang nasa loob nitong Mansion?" Venz na seryosong nakikinig sa matanda.

"Parang ganon na nga," sagot nito at nag labas pa ng isang litrato.

"Waa..Ang cute ng baby.hihi" sabi ko habang namamangha.

"Dalawa?Sino po sila?" Cadiel.

"Si karissa at ang kanyang kapatid." Ani ng matanda.

"Ibig sabihin may kambal siya?!" Gulat kong tanong.Nasaan na kaya ang kakambal niya?

"Eh nasaan po yung kapatid niya?" Tanong ni Sandy na kanina ko pa dapat itatanong.

"Ang totoo niyan,pinakapaborito ng mga magulang nila si Karissa.Ganoong ang kakambal niya na si Melissa parang lagi nalang naiiwan.

May magandang palabas sa bayan kaya nag ayos ang pamilayang Gorigez

"Oh,hala Karissa magsuklay ka na...Malapit na tayong umalis."

"Opo!" Sagot ni Karissa sa kanyang mga magulang at pinuntahan si Melissa.

"Melissa!Bakit hindi ka pa bihis?aalis na tayo."

"Ayoko!Hindi ako sasama.." Sabi ni Melissa habang nakahiga sa kaniyang kama at nakatalikod kay Karissa habang si Karissa ay nagsusuklay.

Narinig ng dalawang kambal ang tunog ng sasakyan nila sa labas na senyales na papaalis na sila.

"Andyan na si Ama,naghihintay na siya sa atin!" Masayang banggit ng nagingiting si Karissa.Bigla namang bumangon si Melissa at humarap na bakas ang pag kalungkot.

"Ano?Sa atin?Ikaw lang naman ang isasama niya ah."

"Ano ka ba?Hindi naman ah.Dali na,mag ayos ka na." Tatayo na sana si Melissa ng biglang pumasok ang kanilang Ina.

"Karissa,tara na..Nasa labas na ang ama mo."

"Teka po,Paano po si Melissa?Hindi pa po siya bihis."

"Si Melissa?Sigoradong ayaw niya..di ba Melissa?" Hindi na lang nag salita si Melissa at nanatiling tahimik."Tara na Karissa.." At lumabas na ang kanilang ina.

"Nakita mo na?Hindi niya ako inantay na sumagot kung gusto ko?"Sabi ni Melissa sa naiinis na tono.

" Ito ang unang pag labas natin sa mansion,hindi ka ba natutuwa?"Sambit ni Karissa.

"Bakit naman ako matutuwa kung ikaw lang palagi ang minamahal at inaalagaan?"

"Hindi Melissa..Mahal ka nila,m-mahal ka namin!"lumapit si Karissa kay Melissa at hinawakan ang dalawang kamay.

" Melissa,tara sumama ka sa amin,"binitawan ni Melissa ang kamay niya na waring galit.

"Mahal?Hindi nila ako mahal,dahil ba ganito ang itsura ko na para bang nandidiri sa akin sina ama at ina?Kahit minsan hindi niya ako nasuklayan man lamang.Gusto ko ring maramdaman ang mainit nilang yakap gaya ng nararanasan mo at mga pag halik nila sa noo bago matulog.Siguro ayaw nilang magkatabi tayo sa pagtulog dahil baka mahawahan kita!Masasabi mo bang mahal nila ako,Karissa?!"

Narininig ng kanilang ina ang sigaw ni Melissa kaya bumalik ito sa kwarto.

"Hindi...hindi yan totoo!Mahal kita." Sambit ni Karissa na maluluha na.

"Ito ang reyalidad Karissa,di nila ako mahal kaya umalis ka na!" Ipinagtulakan ni Melissa si Karissa habang umiiyak.

"Umalis ka!Alis!" Sigaw pa niya at pumasok sa silid ang kanilang ina.

"Anong ginagawa mo kay Karissa?!Wag mo siyang hawakan!Lumayo ka!" Sabi ni ina habang pinoprotektahan si Karissa.

"Ina..wag po kayong ganyan kay Melissa,"

"Kita mo yan Karissa?!Hindi nila ako mahal!Umalis na kayo!Iwan niyo na ako!"

"Tara na Karissa" Banggit ng Ina at hinila palabas si Karissa.

Nakasilip na lang si Melissa sa bintana habang tinatanaw ang umaalis na sasakyan kung saan naroon sina Karissa at naiwan siyang malungkot sa mansion...

Field Trip(On-Going)Where stories live. Discover now