Kabanata 16

5 3 0
                                    

Akma niyang hahawakan ang baul nang may humawak sa balikat niya. Nagulat siya at humarap sa kanyang likuran.

Rian's POV

"Oh gosh!"
"Rian. Anong problema?" Goshh si Cadiel lang pala.
"M-may naririnig akong umiiyak dito sa loob ng baul" itinuro ko ang baul.
"Umiiyak?" Biglang may kumatok sa loob na parang nagwawala. Napaatras ako sa gulat at bumunggo ako kay Cadiel. Narinig din nila ito at lumapit samin.

"Anong nangyayari dyan?" Tanong ni aling Melissa
"Venz buksan mo!" Utos ni Savory
"What?! Huh! Hindi ako baliw no! No way!"
"Bwisit talaga 'to kahit kelan!"
"Oh sige ikaw na magbukas." Itinulak nang marahan ni Venz si Savory palapit sa baul.
"Duh! No! Ayoko nga! Creepy geezz~"
"Ako na" pag piprisinta ni Cadiel. Binaklas ni Cadiel ang lumang kandado ng baul sa pamamagitan ng Palang nakuha nya dito sa basement. Binuksan ni Cadiel ang baul at nagulat kami sa aming nakita.

"Sandy??"

What? Anong ginagawa nya dun? Like  the heck?! How?! Di ko na talaga maipaliwanag ang mga nangyayari ngayon.

"Sandy!" Tinulungan ni Cadiel si Sandy na makalabas sa baul. Kitang kita sa kanya ang panghihina dahil mukhang ilang oras syang nakakulong doon. Niyakap nang mahigpit ni Sandy ang kanyang kapatid, umiiyak at nanginginig sa takot.
"Anong nangyari sayo?" Bakas sa mukha ni Cadiel ang pag aalala at muling hinarap si Sandy.
"Noong a-activity... m-may humila sakin!"
"Humila? Sino?"
"Ah! Siguro noong magkasama kami ni Sandy sa activit, umalis ako sandali kase may tumawag sakin, eh wala namang tao sa labas tapos pagbalik ko... nawala na sya" paliwanag ni Venz
"P-pagkatapos nun... w-wala na akong maalala. Basta nagising nalang ako na nasa loob... n-ng baul? I hate this place! Gusto ko na umuwi!" Niyakap ni Cadiel si Sandy para pakalmahin.
"Shhh... okey na. You are safe now. Don't worry"

Mabuti at nahanap na namin si Sandy. Eh ang iba kayang nawawala? Ana... nasan ka na ba? Lumapit naman ang babaeng tinulungan namin sa may lawa na si Penelope.

"Di ba... Si Sandy ang nagpasimuno ng pag-ispirit of the glass?" Tanong nya."Di ba ikaw ang dahilan kung bakit nangyayari ang lahat ng 'to?!"

"W-wait! Bakit lahat? Biktima rin ako dito!"
"Hindi ka magiging biktima kung hindi mo sinimulan ang  freaking stupid spirit of the glass na yan!" Sigaw nya at dinuro duro pa si Sandy.
"Wait! Penelope stop that!" Pagtatanggol ni Cadiel sa kapatid.
"Bakit? Totoo naman di ba? She's so stupid para makaisip ng ganyang kalokohan! Ngayon mamamatay na tayo!"
"Sumosobra ka na!" Sigaw ni Cadiel
"Wait guys! Kumalma nga kayo!" Pag aawat ko sa kanila. "Ikaw Penelope? Hindi ba't kasama ka sa mga nagspirit of the glass? Kaya wag mong isisi sa kanya ang lahat. Kung di tayo sumama eh di siguro naman di matutuloy yan di ba? Malay ba nating totoo pala yang spirit of the glass na yan? Kaya wag kang umastang wala kang ginawa sa pagtawag sa multo ni Karissa." Natahimik si Penelope sa sinabi ko jusmiyo nakapagsermon pa. I think I need some water. Jusme!

"At sya din ba ang dahilan kung bakit may killer?" Dagdag pa ni Cadiel
"Guys! Tama na yan! Wag na tayong magsisihan. Ang isipin nalang natin kung paano tayo makakaalis sa lugar na 'to!" Pag aawat ni Ione isa sa tinulingan namin sa may lawa. Napatingin agad ako kay Venz nang magsalita sya.

"Wait! Guys! Naririnig nyo ba yun?"

Nakaramdam kami ng takot nang may marinig kaming mga yabag ng mga paa mula sa itaas. Mukhang may pumasok sa kwarto. Tahimik naming pinakinggan ang mga yabag at ang nakakapagtaka ay kung saan saan ito dumadaan na parang hindi na normal. Pero itoy nagdahan dahang lumalakad patungo sa may kabinet kung saan papalapit sya sa lagusan ng basement. Shocks! Napakapit ako sa braso ni Cadiel. Kahit na alam kong lalaki sya, ramdam kong kinakabahan sya. Nakita ko si Venz na parang maiihi na sa takot lalo na nung nakakapagtaka na dahil habang bumibilis ang yabag nito ay padami ay padami ang mga paang naririnig namin. Maya maya ay unti unti narin itong nawawala.

"M-mukhang umalis na sya-"
Nagulat kami dahil may nagpupumilit na makapasok sa pinto sa may lawa parang sinusuntok suntok na nya ito. Napaatras kaming lahat palapit sa may hagdan. Kinuha ni Cadiel ang palang kanina niyang pinangbukas ng baul. Sumisigaw na ang nasa labas ng pinto. Wait. Familiar ang boses na yun!

"May tao ba dyan?! Buksan nyo 'to! Hello?! Tulong!" Boses mula sa labas.

"Parang kilala ko boses na yun?" Sabi ni Venz.

"Parang awa nyo na! Buksan nyo to!"

"Si Sir yun!" Dali-daling binuksan ni Cadiel ang pinto at nakita namin si Sir na duguan at hawak hawak nya ang kanyang tagiliran. Gosh! What happend to him? Umuulan at basang basa sya. Sa kalagayan nya ay napaluhod sya na hinang hina. Tinulungan sya ni Venz at Cadiel na makatayo at inalalayan papasok sa loob. Iniupo nila si Sir at sumandal sa pader.

"Mabuti naman at l-ligtas kayo" sabi ni sir na namimilipit na sa sakit.
"Si kuya Tonio po ba ang may gawa nito sa inyo?" Tanong ko.
"E-ewan ko kung anong nangyayari sa kanya. May kakaiba akong nakikita sa kanya eh"
"Sa tingin po namin nasasapian sya"
"Nasasapian?"
"Sir sorry po kung hindi namin sinabi sa inyo na nung gabi bago ang activity eh lumabas kami ng mansion at nag spirit of the glass sa may malaking puno" sabi ni Sandy.
"Ano? Spirit of the glass?"
"Yes! sir."
"Yun ba yung pagtawag ng kaluluwa?"
"Opo sir. Hindi ka po ba nagsesearch tungkol dun?" Sabi ni Venz na may pag irap pa. Pero siniko sya ni Savory.

"Bakit naman maiisipan ni sir na magsearch ng ganun? Eh... di nga naniniwala si sir sa mga ganun." Sabi ni savory at pinagcross ang kanyang dalawang braso.

Third Person's POV

Sa pag uusap nila ay may napansin si Penelope na may nakadikit na papel sa hagdan ng lagusan. Dahan dahan niya itong nilapitan at binasa ang sulat sa papel.

*NANDITO AKO SAMA KA~*

Humarap muli si Penelope sa mga kasama.

"Guys... tignan nyo-   ahhhh"

Field Trip(On-Going)Where stories live. Discover now