Nakita ko na naman ang babae,ang nangyari kagabi.Pero bigla akong nagising.Sa takot sa panaginip ko ay napabangon ako.
"Ahhh!"
"Rian!" Sigaw ni Sir at napabalik ang isip ko sa realidad at pinagmasdan ko ang paligid.Nasa loob ako ng tent.Nakatingin naman sa akin sina Ana,Sir,Cadiel at iba pa naming kasama.Umaga na din pala.
"Rian,ano nang pakiramdam mo?" Tanong sa akin ni sir.
"A-ano pong nangyari?" Tanong ko at inabutan ako ni Ana ng tubig at pinainom.
"Nawalan ka ng malay at putlang putla ka." Si Cadiel na ang sumagot sa tanong ko.
"Bakit?Ano ba ang nakita mo kagabi at tulalang tulala ka?" Tanong ni Ana at bigla kong naalala ang nangyari kagabi.Hindi ko na lang siguro sasabihin dahil baka matakot pa ang lahat at di matuloy ang activy namin.Siguro naman lilipas din yun.
Bukas ang third eye ko kaya simula bata pa lang ako ay matatakutin na ako dahil sa mga nakikita ko.
"Buti na lang at nag aral pala ng nursing ang driver natin na si-" naputol ang sasabihin ni Sir dahil yung driver na mismo ang nagpakilala."Kuya Tonio."sabi nung driver.
"Oh sige diyan na muna kayo at aalis na muna kami ng kuya tonio ha? Pagkatapos mong magpahinga ay maglilinis na tayo ng mansion,Tonio tara na." Sabi ni sir at umalis na sila at umalis na din ang ibang studyante na nakapalibot kanina sa labas ng tent.Naiwan naman kami sa tent nina Ana at Cadiel.Bakit nandito pa si Cadiel?
"Hoy,Rian.Ano talagang nangyari sayo?Kilala kita at hindi ka makakapag-sinungaling sa akin." Sabi ni Ana.No choice,malalaman rin naman niya eh.
"Wag kayong maingay ha-" Di ko natuloy yung sasabihin ko dahil pinutol ni Ana.
"Oo,di kami maingay bilis kwento mo na."-Ana
"May nakita akong babae sa may puno." Sabi ko at nagulat sila.
"Whaaat?Nakita mo si Karissa?Anong itsura niya?" Sunod sunod na tanong ni Ana.
"Sabing wag maingay eh!Wag na nga!Pinapaalala mo lang yung nakakatakot niyang ngiti.Hay." sabi ko at hindi na niya ako pinilit.
"Di ba kagabi may dumadaan sa may tapat ng tent natin?" Tanong sa akin ni Ana.
"Ah?Yun ba?Ako yun Ana,yung dumadaan.Narinig ko kasing may umiiyak n babae sa may punong malaki pero wala naman kaya naglibot libot muna ako at pagbalik ko nakita ko si Rian na nakahiga sa damuhan sa tapat ng malaking puno." Sabi ni Cadiel.Si Cadiel pala yun.Ibig sabihin siya din yung bumuhat sa akin?!
***
Simula na ng paglilinis namin ng mansion.Wow ang laki talaga ng bahay na to ah.
Base kasi sa kwento ni Sir,siya daw ang nagmana nitong bahay dahil siya lang daw ang kaisa isang apo ng pamilya Gorigez.Tapos kinuwento yun ni Sir sa amin hanggang ginusto ng iba na magpunta rito at alamin ang buong kwento.Marami rin naman kaming natutuhan sa kwento ni Karissa.
Papasok na kami ni Ana sa may kwarto,Napakadilim at sadyang nakakatakot.
"Teka,Ana bumalik na kaya tayo?"Tanong ko kay Ana habang nakahawak sa likod ng damit niya.
"Ano ka ba?Utos satin to ni Sir,Lagot tayo pag hindi natin to nilinis." Sabi naman niya."Nakakatakot eh,madilim."
"Sige,mamaya matulog ka ulit sa labas at hindi makakahiga sa kama.At least dito walang karissa." Sabi niya at nakapamewang pa.
"Dito kaya natutulog si Karissa.Like hello?mamaya dumatig pa yun sa akin eh." Katwiran ko.
"Ah,oo nga noh?Pero kesa naman sa tent matulog noh?!"
Tumuloy pa rin kami sa kwartong napakalayo at mahabang hallway bago makarating sa dulo.Mayroon ding mga ilang pinto di ko alam kung ano ang nasa loob nun.Umuna ako papunta dun.Habang naglalakad kami napansin kong biglang nanahimik si Ana for the first time.Paglingon ko wala na siya.
Kinabahan ako bigla.Eh sino bang hindi kakabahan?Yung kasama mo bigla biglang nawawala.Parang may mali?Namatay ang ilaw sa dulo ng kwarto at bigla naman itong nabuhay.Babalik na sana at tatakbo pero pagharap ko sa likod ko,nasa dulo na pala ako ng kwarto.
May nagsitsit pa sa akin,narinig ko iyon sa kanang tenga ko.Bigla kong tinakpan ang tenga ko.Namatay lahat ng ilaw at ang natira lang ay sa labas ng kwarto.May nakita naman akong anino sa labas nito dahil nakabukas ito ng konti.Dahan dahan ko itong binuksan.
Pagtingin ko ulit sa loob may babaeng nakaupo sa kama at tila ba umiiyak.Nakatakip rin sa mukha niya ang kanyang mga palad.Hahawakan ko sana siya para tingnan kung totoo ba o hindi pero bigla siyang tumigil sa pag iyak.Malapit ko na sana siyang mahawakan pero napalingon ako sa likod dahil may tumawag sa akin....Si Ana.
"Rian,Anong ginagawa mo diyan?Bilis mo namang umakyat."Tanong niya at napakunot naman ang noo ko.
"Kasama kita kanina,di ba?" Tanong ko naman at siya naman ang napakunot ang noo.
"Ano?Hinahanap nga kita eh,dahil mag lilinis na tayo.At isa pa,paano mo nalaman na dito tayo maglilinis?"-Ana
"Anong sinasabi mo?Kasama kaya kita sa may hallway!" Hindi ko na maiwasan na mapataas ang boses dahil naguguluhan na ako.
"Rian,ngayon ko lang nakita to.Ang dilim pala dito noh?Tara na maglinis na tayo."
Kung hindi si Ana,sino yung nakausap ko kanina?Sobrang weird ng pangyayari ngayon.May something...
YOU ARE READING
Field Trip(On-Going)
HorrorKarissa's mansion: scary,mysterious,hunted,at higit sa lahat malayo sa lungsod at nasa kalagitnaan ng gubat. Ikaw?susubukan mo pa bang puntahan at alamin ang storya ni karissa? Read it or you may missed. Come with me on Field Trip!