Rian
Narinig naming may sumigaw,boses babae ito.Natatakot pa rin ako kaya hindi ko binibitawan ang kamay ni Cadiel baka mamaya iba na pala ang kasama ko eh.
Nagpatuloy kami sa paglalakad at lumipat ang kamay ko sa braso niya napansin kong tumingin siya sa akin at ngumisi.Siguro kung sa ibang pagkakataon to kanina pa ako hinimitay sa kilig.
"Cadiel,Rian!Buti naman at nakita ko rin kayo.Kasi si Sandy ano..ah
.." Kinakabahang sabi ni Venz ng makasalubong namin siya."Anong nangyari kay Sandy?!" Biglang pagalit na sigaw ni Cadiel kaya nagulat ako at nabitawan ang pagkakakapit sa kanya.
"Di ko alam!Nawawala nga siya eh,di ko alam kung bakit naiwan niya pa yung kapareha ng tsi-"Naputol ang pagpapaliwanag ni Venz ng sumigaw na naman si Cadiel.
"Ano?!Nawawala si Sandy?!" Sandali lang bakit sobra naman ata kung makapag alala si Cadiel.Maaalahanin naman talaga to pero bakit iba ngayon eh.Parang may something sa kanila o ako lang yung nag iisip ng ganun?
"Sandali nga!Teka bakit kayo lang dalawa?Si Ana?" Tanong ni Venz at lumingon sa paligid para hanapin si Ana.
"N-nawawala rin si Ana.." Bulong ko.Natatakot na ako..Ano bang nangyayari?Bakit sila nawawala?Gusto ko ng panghinaan ng loob at umiyak kaya lang hindi pwede ngayon nawawala ang kaibigan ko.Kailangan namin siyang hanapin..
***
Naguusap kami ngayong lahat sa sala at nagpuntahan narin ang iba naming kaklase dito at yung iba naman ay todo ang iyak dahil sa takot."Anong nangyari?" Tanong ni Venz sa babaeng umiiyak.
"S-si Lenny n-nawawala"
"Ha?San siya nagpunta?" Gulat na tanong ni Venz.Bakit ang daming nawawala?Weird..
"Naghahanap lang kasi kami ng mga papel na may tanong tas may binasa siyang weird na tanong then nung humarap kami sa kanya wala na siya." Sabi naman ng isang babae na may suot na salamin.
"Anong klaseng tanong?" Out of curiosity kong tanong.
"Basta sobrang weird tas parang 'gusto mo ba akong makita' yung tanong niya eh bakit naman magbibigay ng ganong klaseng tanong si Sir kung about kay Karissa lang naman yung tanong.Tapos parang may narinig pa nga kaming malakas na tunog na parang may bumababa sa hagdan" Mahabang paliwanag nung babaeng may suot na salamin habang pinapatigil sa pag iyak ang isa nilang kasama.
"Tatlo na ang nawawala sa atin.Si Lenny,Ana at Sandy." Dinig kong bulong ni Cadiel na ngayon lang umimik.
"S-sa ibang group may nawawala din ba o may something weird na nabasa?" Tanong ko sa kanila.
"Tsk!Saming grupo?Paano naman makakabasa ng ganun kung wala namang ibang ginawa kundi puro pagsecellphone lang at ang aarte pa!" Reklamo ng kaklase naming babae na akala mo eh hindi maarte.
"Bakit ano din ba ginagawa mo?Diba nag seselfie ka lang kaya wag kang manisi na akala mo eh hindi mo rin yun ginagawa.duh." Sabi ng isa pang kaklase namin na akala mo eh hindi rin maarte.
"Selfie?Duh.Naghahanap kaya ako ng signal,wala ata ditong signal!"
"Atleast nag secellphone ka pa din!"
"Pero di ako nag sesel-"
"Can you please stop?!We don't have time for that!Kailangan na nating paalam kay Sir ang nangyayari!" Sigaw ko dahil sa inis sa pag aaway ng dalawa kong kaklase.Ang liit na bagay pinapalaki eh.
Tatayo na sana kami para puntahan si Sir ng biglang bumukas ang pinto at pumasok ito na bakas ang pagkapagod at may nakasunod pa sa kanyang matandang naka roba.Creepy.
"Mga bata ayos lang ba kayo?! Sino yung sumigaw?!" Nag aalala na sambit ni Sir sa amin at pinasadahan kaming lahat ng tingin.Napansin naman ng isa pa naming kaklaseng lalaki na may kulang pa sa amin.
"Teka?Nasan si Lorean at Savory?"
Sakto namang may bumaba na babae at halatang pagod na pagot katatakbo at hingal na hingal na tila umiiyak.Si Savory.
"T-tulong!" Sigaw ng pababang si Sandy kaya sinalubong siya ng iba naming kaklase at hinawakan sa balikat para huminahon.
"Savory huminahon ka!Asan si Lorean?"
"S-si Lorean-" di natapos ang sasabihin ni Savory dahil humagulgol na naman siya ng iyak.
"Anong nangyari kay Lorean?"
"May n-nakita kaming babae."
"Babae?"
"Kinuha niya si Lorean!" Sabi ni Savory at umiyak ulit.
"Sinong babae?" Tanong ni Sir na nagtataka.
"Si karissa.." Sambit naman ng matanda.
YOU ARE READING
Field Trip(On-Going)
HorrorKarissa's mansion: scary,mysterious,hunted,at higit sa lahat malayo sa lungsod at nasa kalagitnaan ng gubat. Ikaw?susubukan mo pa bang puntahan at alamin ang storya ni karissa? Read it or you may missed. Come with me on Field Trip!