Kabanata 4

22 7 1
                                    

Pagkatapos naming mag usap ni Ana ay matutulog na sana kami ng biglang may kumatok.

"Ana,ikaw na ang magbukas." Utos ko kay Ana na sinunod naman niya.

"Sandy,Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Ana kay Sandy na isa sa mga kaklase namin.

"Sumama kayo sa amin!" Excited na sabi ni Sandy.

"Ha?Bakit?Wag na baka mapagalitan tayo ni Sir Gorigez." Sabi naman ni Ana.

"Ano ba!? Tulog na sila,May gagawin tayo." Pagpipilit pa rin ni Sandy.

"Ano ba ang gagawin niyo?" Tanong ko naman at bumangon sa kama.Kita ko rin na may binulong si Sandy kay Ana.

"Whaa!Gusto ko yan!Mahilig ako diyan."Excited na sabi ni Ana,Nahawahan na yata to ni Sandy ng pagkaexcited eh.

"Hoy,Ana!Ano yun?" Tanong ko kay Ana na tinutukoy ay yung binulpng ni Sandy.

"Tara Rian,sumama ka rin." Sabi ni Ana.

"Bilisan na natin iniintay na tayo ng mga gustong sumama sa atin."-Sandy.

Bigla na lang silang umalis ni Ana kaya sumunod na rin ako.Ayokong mag isa,baka mamaya makita ko si Karissa sa tabi ko.At isa pa para malaman ko din kung ano ang kalokohang gagawin nila.

Sumunod na lang ako hanggang makarating kami sa labas at nakita ko ang iba na nakaupo sa may malaking puno.

"Hey!Bakit nandito kayo?" Tanong ko sa kanila.

"Bakit,nandito ka rin naman ah?"Sagot ng isa kong kaklase,Pilosopo naman nito.Pero tama siya nandito rin naman ako.

"Rian,mag aano tayo-"-Si Ana na naeexcite.

"Mag-Aano!?" Sigaw ko.

"OA naman nito.Alam mo ang berde mo!Mag iispirit of the glass tayo.Excited na ako,Halika na!" Sabi ni Ana at nagtawanan naman yung iba naming kasama.

"Ano?!spirit of the glass?masamang manggambala sa isang kaluluwa.Nananahimik na sila!" Sigaw ko sa kanila.

"Siya lang noh.Si karissa lang ang nandito,Halika na."

Hinila ako ni Ana kaya wala na akong nagawa kundi umupo sa tabi nila na nakabilog.

Si Sandy talaga palaging nangunguna sa lahat ng kalokohang bagay.Sa tapat pa talaga ng punong ito ah. Sana walang marunong magspirit pf the glass sa amin dito.

"Okay,maghawak hawak tayo ng kamay" sabi ni Sandy na ginawa naman ng iba.Humawak na sa akin si Ana na nasa kaliwa ko.Sino nga pala yung nasa kanan ko?Parang pamilyar yung kamay niya.Si..Cadiel pala.Bakit nandito siya?Tumingin siya sa akin at umiwas agad siya ng tingin.

May mga letters silang isinulat sa board at may baso rin na nakapatong dito.Pumikit ang lahat kaya pumikit rin ako.

"And now,ipatong na natin ang dalawang daliri sa ibabaw ng nakabaligtad na baso.

Whaa! Gusto ko nang umalis dito!Pero parang wag na lang kaya,para karatig ko si Cadiel.hihi.

Nararamdaman ko rin na lumalamig ang hangin aa paligid.Sinimulan na rin ni Sandy ang pagtawag sa kaluluwa.

"Kung nandito ka mag paramdam ka," Pagkasabi ni Sandy ay biglang lumakas lalo ang hangin.

"Ano ang iyong pangalan?" Naramdaman ko na unti unting umuusod ang hawak namin baso.

Tumapat ito sa letter K.Parang kilala ko na ah.Pagkatapos ay tumapat sa letter A at sumunod naman ay letter R at I.

"Sandy..Wag na kaya natin itong ituloy?Natatakot na ako." Sabi ng isa kong kaklase na babae na katabi niya.

"Ano!?Sira ka ba?kailangan tong matapos!"Nagiging maldita na naman si Sandy.

"Ano bang mangyayari pag di tinapos?" Tanong ni Venz. "E-ewan ko.Di ko alam."-Sandy

"Hindi mo alam!?Bakit ka naman nagpasimula kung hindi mo naman pala alam?"

"A-akala ko kasi hindi totoo eh,nitry ko lang.Totoo pala." Nakayukong saad nito.

"Idinamay mo pa kami!"

"Sumunod naman kayo!"

"Sino sa inyo ang may alam dito?Kahit ako hindi ko alam eh."-Cadiel

Walang sumagot kay Cadiel.Nag simula nang umiyak ang mga babae.Ako,si Ana at si Sandy na lang ang di umiiyak.Nataranta naman ang ibang lalaki.

Hawak hawak parin namin ang baso at tumigil pala muna ito sa letrang I

Maya maya lang din ay huminahon na ang lahat.Tumahimik ang maingay na hangin.Nakatungo lang kaming lahat.

Naramdaman ko na namang gumagalaw ulit yung baso kaya napatingin kaming lahat dito at tumigil ito sa letrang S.Saglit lang ay may narinig kaming tunog ng para bang lubid na may mabigat na nakasabit at dumuduyan duyan.

Ang tunog na iyon ay nagmumula sa taas namin.Ramdam ko din na nanginginig ang mga kamay ni Ana.Siguro lahat kami ngayon ay nanlalamig at nanginginig ang aming mga kamay.

May narinig din kaming umiiyak pero wala na naman sa amin ang umiiyak na may hagulgol.Pakiramdam ko ay sa taas din yun nanggagaling.

Whaa!May clue na ako dito!Dahandahan namin ito tiningnan pataas.

Pagkakita namin ay may babaeng naka bigti at naka dress itong punit punit at duguan.Nagmulat ito at sinigawan kami at yun ang dahilan ng pagtakbo namin palayo sa puno.Lahat kami ay bilisan sa pagtakbo at ang iba naman ay sumisigaw.

Third Person

Nagising ang si Mr. Gorigez dahil sa ingay sa labas.Binuksan niya ang pinto sa kanyang kwartong tinutuluyan at pumunta sa kwarto ng driver at ginising ito.

"Tonio.Tonio,gising!"-sabi ni Mr.Gorigez at agad namang nagising ang driver.

"Bakit po?Teka..sino po yung sumisigaw!?" Sabi ni Tonio at agad itong nalinawan sa pagkakatulog.

"Yung mga bata!Tara puntahan natin sila!"

Field Trip(On-Going)Where stories live. Discover now