Kabanata 18

3 3 0
                                    

Rian's POV
Bago kami umakyat sa itaas ay nagtanong si Cadiel.
"Nasa inyo pa ba ang mga cellphone nyo? Nawala ko ata kanina"
"Yung sakin lowbat eh" sabi ko.
"Yung sakin kuya nawala ewan ko na kung nasan"
"Wala akong cellphone" sabi naman ni Ione.
"Huh? Seriously?"
"Yung phone ko, naiwan sa boys room di ko na dinala, baka mahulog at mabasag pa sa kakatakbo sa activity." Sabi ni Venz.
"Tawagan nyo nalang kami pag may nangyari dyan ha?"
"Teka? May signal ba?" Tanong ko.
"Wala eh. Baka kase we're in the basement?" Sabi naman ni Sandy
"Here... my phone minsan malakas makasagap ng signal yan. Pero ewan ko lang ngayon." Iniabot ni Sir ang phone nya kay Sandy.
"Great."
"Ano guys? Tara na?"
"Mag iingat kayo class. Be safe and save the others. Please... keep alive" sabi samin ni Sir
"Yes sir. We will" sagot ni Cadiel.

Nakaakyat na kami. Bago kami lumabas ng kwarto ni Karissa ay may sinabi samin si Aling Melissa.

"Nakikipaglaro sa atin ang kambal ko. Kinukuha niya ang mga kasamahan nyo sa paraang tayo mismo ang magsasakripisyo para sa buhay nila kaya kailangan nating mag ingat."
"So... isip bata si Karissa ngayon?" Tanong ni Venz.
(Silence)
Wala talagang kwenta mga sinasabi nito.
"Okey... let's go wala na tayong oras" sabi ko nang maputol ang katahimikan. Umuna na kaming lumabas at iniwan si Venz.

"Hey! Wait! Joke yun! Suportahan nyo naman" sabi ni Venz habang humahabol samin.
"Che! Bahala ka dyan!" Sigaw ko naman. Tss... mamamatay na nga kami nagagawa pang mag joke ng isa dyan.

This is it! Nandito na kami sa hallway, binuksan namin ang aming mga flashlight at unang tinungo ang room na pinagtulugan nina Cadiel para kunin ang cellphone ni Venz. Binuksan ni Cadiel ang pinto at bumungad samin ang isang babae na nakahandusay sa sahig katabi ng kama. Pumasok na kami sa loob. Duguan at sa tingin koy sinaksak sya ng maraming beses. Grabe. Isa sa tiyan, tatlo sa dibdib at isa sa kanang balikat. Napatakip ako ng bibig sa aking nakita. Parang sumuka pa ito ng dugo bago sya mawalan ng buhay.

"Siguro nagtago sya dito pero natuntun din ni kuya Tonio- ah no,  he is the killer" sabi ni Cadiel at tinakpan nya ng puting kumot doon ang bangkay. Hinanap na ni Venz ang kanyang cellphone sa ilalim ng kanyang unan at nakita naman niya ito. Bukas ang ilaw ng kwarto kaya madali nya itong nakita.

"Ahh... guys? 20 percent nalang ang battery ng phone ko. Hmm... but kaya pa nito."

Maya maya ay may narinig kaming mga yabag ng paa mula sa hallway nang biglang sumulpot si K-kuya Tonio?!! Shit!

Bago pa man maisara ni Cadiel ang pinto ay nagpupumilit na pumasok saloob ang killer pero sadyang malakas sya kaya nakapasok sya. Nagsiksikan kami sa corner nitong kama at iniiwasan ang bangkay.

"Wag kang lalapit! You bastard!" Babala ni Cadiel.
Naririnig ko namang nag dadasal na si Venz. Pero ang nakakapagtaka sa facial expression nya hindi nanlilisik ang mata. Sa totoo lang mukha syang takot at litong lito.

"T-teka? Bakit kayo natatakot sakin?"
"M-ma-mamamatay tao ka!" Sigaw ni Venz.
"Mamamatay tao? Ang sinasabi nyo?"
"Wag ka nang magpanggap! Alam na namin ang kahayupan mo!" Sigaw naman ni Cadiel habang pinoprotektahan kami sa likuran nya.
"Wala akong alam sa mga sinasabi nyo!"
"Walang alam? Tignan mo nga yang sarili mo! May bahid ng dugo ng mga biniktima mo!"
Maniwala kayo sakin! Litong lito na ko sa sinasabi nyo, sa nangyayari! Hindi ko alam kung san nanggaling itong nasa damit ko"
"Hindi kami naniniwala sayo! Layuan mo kami!"
" Pwede nyo bang pakinggan muna ang sasabihin ko, maniwala kayo sakin!" Nagkatinginan kami ni Cadiel at nagtaka.
"Nagising nalang akong ganito. Nakahiga ako sa hallway sa may kusina. Nagtataka ako kung bakit hawak ko ang kutsilyo. At nakita ko ang kaibigan mo."

S-sinong tinuturo nya? A-ako? Si Ana! Nakita nya si Ana! Kung gusto nga nya kaming patayin dapat kanina pa kami sinugod na  may dalang kutsilyo. Sa pagkakataong ito ay wala syang hawak.

"Si Ana? Nakita mo sya?" Tanong ko.
"Oo yung nagsuka sa bus? Wala syang malay, sa takot ko dahil may hawak akong kutsilyo nun... baka napatay ko sya kaya binitiwan ko ang kutsilyo at tumakbo"
"Napatay mo sya?! How dare you!"
"Hindi ko alam! Ewan ko! Wala naman akong nakitang dugo sa katawan nya. May narinig akong mga yabag mula dito kaya umakyat ako dito sakaling may tao at kayo nga yun."
"Kung gano'n... she's in the kitchen. We need to go there!" Sabi ko.

Tumunog bigla ang phone ni Venz kaya nasa kanya na ang atensyon namin. Nakaagaw pansin din naman samin ang may biglang bumato sa bintana. Wait? It's familiar. Biglang lumakas ang kaba ko nang bumato ulit ng dalawang beses bintana. Sinubukan kong lumapit sa may bintana at pinigilan naman ako ni Cadiel. Pero nagpatuloy parin ako. Nakita kong may tao sa baba. Nakita ko na sya noong before ang activity namin.
"M-may tao sa baba" sabi ko sabay turo sa may bintana  lumapit naman sakin si Cadiel at tinignan.
"Who? Rian... there's no one" sabi nya at syang ipinagtaka ko. Meron talaga! So ako lang nakakakita kanya?
"No. Cadiel di mo ba nakikita? Sya yun! Sya yung nakita ko nung gabi bago ang activity"
"Ano bang sinasabi mo Rian? Wala talaga. Baka ilusyon mo lang yan-"
"May tinuturo sya dito" sabi ko pa at biglang nagring ang phone ni Venz kaya napatingin ang lahat sa kanya.
Tinignan nya ito at pumapit kaming lahat sa kanya para tignan din ito. Wala naman tumawag sa phone nya. Eh ba't nagring? Nakita naming nakaopen ito sa camera . Tinignan naming lahat ang mga pictures doon. Nagsimula nang kumislap kislap ang ilaw dito jusmiyo! At tuluyan na nga itong namatay. Nakakapagtaka ang mga pictures. Pamilyar ang lugar sa picture, teka? Itong may takip ng kumot na puti ang unang picture, inislide ulit ni Venz ang picture, ang ikalawang picture naman ay ang kama na katulad ng nandito. I think alam ko na ang picture na to. Ang ikatlo ay ang bintana at may napansin kami sa picture may aninong kamay na nakazoom. Nang inislide ulit ni Venz, laking gulat namin sa picture na nandun sa corner ng kisame. Mahaba ang kuko nya at takip ng creeping buhok nya ang kanyang mukha. Nakatingin pa kaming lahat sa picture nang sabay sabay naming tinignan kisame dito. At...at...shet! Nandun nga sya!

"Ahh!!!!"

Napatalon si Venz sa takot at naihagis nya ang phone nya at manguna ngunang tumakbo papalabas ng kwarto. Tumakbo kami at nanginginig na nagbukas ng flashlight. Hi di ko mapigilang maiyak sa aming nakita at naririg ang nakakatakot nyang tawa. Hindi ko na alam ang nangyayari sa aking paligid, nanginginig ang aking mga tuhod sa sobrang kaba. Nasa unahan ko si Venz nang bigla sya huminto.

"Iyahhhh" kalirit ni Venz at mahimahimatay na bumalik samin.  Nagulat naman ako sa aking nakita.

"Ana? Ana?!"

Field Trip(On-Going)Where stories live. Discover now