Kabanata 13

16 3 1
                                    


Sa dating kwarto ni Karissa, nagmamasid si Tonyo sa buong kwarto. Hindi niya alam kung bakit siya napunta doon. May nakita siya siyang papel na may nakasulat at nakanakadikit sa pinto ng kabinet.

'Gusto mong lumaya?'

Nagtaka siya sa kanyang nabasa nang biglang bumukas ang pinto ng kabinet. Walang takot na lumapit siya dun at tiningnan ang loob nito. Nangilabot siya nang may nagsalita sa likuran niya.

"Si Tonyo ka, hindi ba?"

Lumakas ang tibok ng puso niya nang lumingon siya at nakita ang napakagandang babae.

"O-oo a-ako nga. Sino ka?"
"Mahalaga pa ba kung sino ako?"
"Bakit?"
"Kailangan kita"
"A-ano?"
"Kailangan kita dahil gusto ko nang sumaya"

Lumapit ang babae hanggang sa papalapit nang papalapit ang kanilang mukha.

"G-gustong sumaya? Anong ibig mong sabihin?" Napaatras naman si Tonyo hanggang sa natapid sya at napapasok sa loob ng kabinet. Biglang sumara ang pinto. At nagwala saloob ng kabinet si Tonyo.

----------

Katatapos lang mag impake ng guro. Nang dumating sina Cadiel at Rian at napansin ito ng guro.

"Oh? Cadiel? Rian? Bakit hindi pa kayo gayak? Nakita na ni Venz si Tonyo. Bilisan nyo at gabi na."

"Sir, hindi po kami aalis hanggang hindi pa namin sila nakikita" sabi ni Rian

"Oo nga po, ayaw namin silang iwan-" napatigil si Cadiel ng sumigaw ang guro

"Wag niyo silang intidihin!Tama na!"

"Sir alam niyo po ang mangyayari pagkatapos nito, hindi ba? Hahanapin sila ng kanilang mga magulang, at anong sasabihin niyo pagkatapos natin silang iwan?!" Sabi ni Cadiel na halatang nagpipigil gumawa ng masama sa mga kasama dahil sa galit.

"Alam ko yan! Pero mas wala akong masasagot kung lahat kayo mawawala. Ikaw, naiintindihan mo ba yun?!" Sigawan ang maririnig sa loob ng mansion at ang ibang babae ay umiiyak na dahil hindi nila kayang makita na nag aaway away sila.

"Kayo po ang may responsibilidad samin,kaya protektahan nyo kami. Iligtas po natin sila!"

"Oo nga, ako ang may responsibilidad sa inyo kaya makinig na lang kayo."

"P-pero sir, ikaw pa ba yan?" Hindi makapaniwalang tanong ni Cadiel.

Bumuntong hininga ang guro bago sumagot. "Sige kung gusto niyo na maiwan dito, bahala kayo! Sumunod sa akin ang gustong makauwi"

Umalis ang guro at sumunod ang mga estudyante na nais nang makauwi.

"Ah! Basta ako, Aalis na ako dito! Ayoko na!" Sigaw ng isang dalagang estudyante.

"Oo nga! Nakakatakot na dito, ayoko pang mamatay" komento naman ng isa pang estudyante.

Bumuntong hininga naman si Venz at hinarap si Rian at Cadiel. "Talaga ba na ayaw niyong sumama?"

"Hindi kami aalis dito hangga't di namin sila kasama" buong wika ni Rian

"Sige, hindi na ako sasama sa kanila. Hahanapin natin sila."

------

"Tara na mga bata. Sakay na!" Sigaw ng guro sa mga estudyante na disidido ng makauwi.

Nakaayos na ang lahat. Handa na silang umalis. Umupo ang guro sa likod ng bus driver. In-start na ang bus at umandar na kahit napakasakit ng damdamain ng guro dahil sa pag-iwan sa ibang estudyante. Nagawa lang nya yun para mas maraming estudyante ang kanyang mailigtas. Tahimik ang lahat. Nasira lang ang katahimikan ng nag tanong ang guro.

"Tonyo, Saan ka nga pala pumunta kanina?" Tanong nito ngunit hindi lang siya sinagot ni Tonyo.

"Bakit ang tagal mo din?" Wala pa rin siyang nakuhang sagot mula rito at nagsimula na siyang magtaka.

"Tonyo? May problema ba? Ang tahimik mo."

Napansin din ng guro ang isang malaking puno na kanina pa nila nadadaanan.

"T-teka? Sandali, hindi niyo ba napapansin yung malaking puno? Parang kanina ko pa yan napapansin at parang pamilyar yan?"

"Sir, oo nga po! Napansin ko din yun!" Sigaw ng isang estudyante.

"Tonyo?! Alam mo ba ang dinadaanan mo?" Wala pa ring nakuhang sagot ang guro kaya kinabahan na ito.

Napalingon ang guro dahil sa isang boses na parang natatakot ang tumawag sa kanya. Isa sa kanyang mga estudyante.

"S- Si - Sir?" Lumingon ang guro. May tinuro ang isang estudyante na parang may kakaiba sa likod niya.
---

Sa mansion, sandaling umalis ang matanda at bumalik naman pagkatapos at nagulat siya ng makita ang mga natirang estudyante.

"Oh, bakit nandito pa kayo? Umalis na kayo bago pa mahuli ang lahat!" Sigaw ng matanda na pilit silang pinapaalis.

Walang awang pinagtabuyan sila ng matanda paalis sa mansion ngunit di sila nagpatinag.

"Oh, oh, oh! Bakit po ba tanda?" Ani ni Venz.

"Umalis na kayo kung ayaw niyong pagsisihan 'to!"

"Ikaw tanda, punong puno na ako sayo ha! Wag mo ngang hawakan yung braso ko. May hahanapin pa kami at isa pa bakit hindi ka pa umaalis kung alam mo naman pong nakakatakot at delikado sa mansion na ito." Gigil na sabi ni Venz.

"Bumalik ako dito dahil hindi niya ako pinatatahimik!" Sigaw ng matanda.

Nagtaka ang lahat sa sinabi ng matanda.

"A-ano? Teka lang po, bakit ka po niya ginugulo, ni Karissa?" Nagtatakang tanong ni Cadiel

"Umalis na lang kayo" pagtataboy ulit ng matanda.

"Eh bakit nga po tanda?"

"Alis!"

"B-bakit? Anong relasyon mo kay Karissa, at pano mo nga nalaman ang kwento ni Karissa. Sino ka ba talaga?" Nagulat ang lahat ng biglang sumagot sa tanong nila dahil sa natuklasan nila.

"Melissa! Ako si Melissa! Hindi niya ako pinatatahamik dahil kahit patay na siya, gusto niya akong isama sa kanya! Gusto niyang magkasama pa rin kahit... K-kahit-"

"Pinatay mo siya.. Ganun ba?" Dugtong ni Cadiel

"H-hindi! Hindi ko siya pinatay!"

"Kung hindi mo siya pinatay, sino? Kung ganon ay kasinungalingan lang ang lahat ng kwento mo-"

"Ako ang may hawang kutsilyo, alam ko yun! Pero para akong nasa loob lang ng aking katawan, nakakulong. H-hindi ko alam kung bakit hindi ako makagalaw sa loob, gusto kong sumigaw! Gusto kong pigilan ang akin sarili at bitawan ang hawak kong kutsilyo ngunit parang kontrolado ang aking katawan! Hindi ko gustong patayin si Karissa! Mahal ko siya. Mahal ko ang kapatid ko pero sa tuwing nakakaramdam ako ng lungkot at inggit sa aking puso, parang may masamang demonyong sumasapi sa aking katawan na hindi ko alam kung saan nanggaling, na may sumpa ba o kung ano man. H-hindi ako ang pumatay sa kanya!" Mahabang paliwanag ng matanda at pawang umiyak at yumuko.

Halata naman sa kanilang mukha ang pagkagulat sa narinig. Mukhang hindi sila makapaniwala at natulala. Biglang tumingin si Venz sa barkada.

"Guys! Totoo nga! Totoo nga yung nabasa kong libro! Na kapag ang isang tao ay nakaramdam ng sobrang kalungkutan, poot, inggit o galit ay madali dawmapasukan ng demonyo o masamang espirito ang isang taong nakaranas nito. Dahil puro negative ang nakukuha nila dito!

" So what's next?" Sumingit si Savory sa usapan.

"Okay, tand- este aling Melissa, ituro niyo na lang po sa amin kung saang parte ng mansion namin sila makikita, any ideas?" Tanong ni Cadiel.

Kumapit naman si Rian sa braso ni Cadiel, senyales na handa na siya sa paghahanap at tumingin naman ito sa kanya.

"Sige, tutulong ako. May isa akong alam."



Field Trip(On-Going)Where stories live. Discover now