Naging busy siya buong maghapon. Nagpi-print ng mga papers para sa documentation. Nagpapasa ng files sa mga heads ng department. Everything is okay. Until her friend Clark went in front of her.
"Busy tayo ngayon ah." tinaas baba nito ang kilay at pasipol sipol pa.
"Oo nga eh. Wala ka bang trabaho?" hindi kasi ito mukhang stress. Siya nga sa ginagawa palang niya mukhang hindi na niya kaya. Ito pa kaya na magiging CEO ng kompanya.
"Wala napasaglit lang ako para kamustahin ang kaibigan kong sobrang ganda kahit stress." ngiting aso pa nito sa kanya.
"Naku, tigil yigilan mo nga ako dito. Busy ako huwag kang magulo"
"Bakit? Magulo ba ako?"
Agad itong pumunta sa likuran niya at napatili siya ng hawakan siya nito sa bewang at kilitiin. Napatawa siya ng malakas. Giling siya ng giling dahil sa ginagwa ng binata.
" Tama na please. Hahahaha!" sinubukan niya pigilan ang kamay nito pero hindi niya kaya.
Napa-upo siya sa mesa niya at pumagitan ito sa dalawang hita niya at huli na ng ma-realize niya ang posisyon nilang dalawa.
Mukhang hindi lang siya ang nakahalata at bigla nalang umalis sa harapan niya ang binata at tumabi sa kanya sa pag upo.
"Sorry pala." awkward nitong pakakasabi.
Binalingan niya ito at nahihiyang ngumiti sa kaibigan. Tumayo muna siya ng tuwid.
" Umalis ka na nga lang. Kainis ka." habang tawa siya ng tawa na pilit.
" Bakit ka ba nandito? Yung totoo na ha! Babatohin talaga kita ng stapler pag hindi ka umayos." pagbabanta niya.
"Okay, okay. I am here because. I met this girl. Hindi ko nga lang alam ang pangalan." tila nag iisip nitong sabi.
Napatigil siya kakaayos ng gamit niya sa lamesa dahil sa narinig. Napabaling siya dito ng tingin dahil sa narinig.
" S-Sino naman?" pagsawalang bahala niya sa sinabi ng kaibigan niya.
"I don't know but i just thought she work here." mukhang hindi pa ito sigurado sa tinuran.
Who's that girl na sinasabi ng kaibigan niya? Maganda ba ito kaysa sa kanya? Mayaman ba? Eh nagta-trabaho lang naman daw ito sa kompanya ni Clark.
"Hoy!"
Napakislot siya dahil sa binata. Nawala siya sa sarili kakaisip ng kong anu ano.
"Edi, imbestigahan mo? Ang dami mong pera. Mag-settle ka na."
He chuckled of what he have heard from her.
"Bakit? Anong nakakatawa?." tanong niya rito.
"Wala. Sige hahanapin ko siya. Gusto ko ako mismo ang mag iimbestiga." nginitian siya nito ng sobrang tamis.
" Goodluck then." saad niya rito.
Gusto niyang hilingin na sana hindi nalang dito nagta-trabaho ang babaeng nahumalingan ni Clark. She wants to wish na sana hindi na sila magkita pa ni Clark.
"Okay, Mauna na ako" kumaway siya dito at umalis at nag-flying kiss pa.
Kinilig naman siya ng dahil sa ginawa ni Clark. Simpleng flying kiss lang e tumambol na naman ang puso niya sa tuwa.
BINABASA MO ANG
A Love To Have
RandomIs there a happy ending for Margaux and the love of her life Clark