3

6 0 0
                                    

Isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan niya matapos ang trabaho. Kakalabas lang niya ng building.

Pagod siyang naglakad papunta sa sakayan ng jeep na hindi kalayuan sa building ng kompanya.

Hindi naman siya nahirapan ng makaupo agad siya sa loob ng jeep. Ayaw niyang isturbuhin ang kaibigan at baka busy pa iyo sa training.

Suportado naman niya ito bilang bagong mag mamay ari ng kompanya. Masaya rin siya dahil sa wakas matured na rin ang isip ng kaibigan.

Biglang pamasok sa isipan niya ang babaeng kinahuhumalingan ng binata. Siguro mas lamang ito sa kanya.

Hindi niya mapigilan ang sariling ikumpara ito sa babae. She was thinking of how to improve herself. Wearing a long skirt with a length goes under her knees. Hindi iyon fitted kaya nagmumukha siyang manang.

Kapag talaga nakapag sweldo siya ay bibilihan niya ang sarili ng mga damit na babagay sa uso. Mukha na ksi siyang pinaglumaan.

Malaki naman ang perang kikitain niya kung sakali. Ang kalahati ay sa pamilya niya at sa kanya ang iba.

"Saan ho kayo manang?" tanong ng konduktor sa kanya. Nakita niyang karamihan sa taong nasa loob ng jeep ay nagpipigil ng tawa. Agad niyang sinamaan ng tingin ang konduktor.

"Hello? Manong hindi po ako matanda. Mas matanda nga ho kayo sakin for sure. " saad niya dito.

Binigyan niya ito ng sampong piso. Pumara nalang siya dito sa tabi kasi malapit na rin naman ito sa inuupahan niyang apartment.

"Ingat manang!" segunda pa ng konduktor. She raised her eyebrows at pinanlisikan ito.

Ng makapasok ay bagsak ang katawang humiga siya sa kama na hindi gaanong kalambut.

"Hayss!" napabuntong hininga siya bago humarap sa kisame.

Beep beep!

Kinuha niya ang cellphone sa loob ng bulsa niya. Kinalikot niya ito para buksan dahil may screenlock. Binasa niya ang text na galing sa kaibigang si Clark.

I knew it! She's really working as a accountant Sandra.

So anong balak mo? Agad na tipa niya bago e send ang message.

Parang kinurot ang puso niya sa sakit ng malamang may progreso na ang pag iimbestiga ng kaibigan niya sa misteryosong babae.

Napakislot siya ng mag appear ang pangalan ng kaibigan sa screen ng phone niya.

Clark Calling....

Sinagot niya ito at hindi ipinahalata ang sakit sa boses niya.

"Oh, napata---"

"I'm gonna make a move Sandra. Kukunin ko muna ang loob niya tsaka liligawan." hindi siya nakakibo sa sinabi ng kaibigan.

Liligawan? Have he heard himself? Kakakilala pa nga lang niya tapos ganun na ang gagawin?

Kukunin nga loob diba? Sabi ng utak niya.

"Hello? Sandra?"

"Sorry, Nawala ako. San na nga tayo?" bigla kasi siyang nawala sa sarili matapos marinig na liligawan niya ito.

"May problema ba?" tanong nito.

"H-Ha? Wala ah!" she lied to him. Sanay na niyang itanggi ang lahat ng mga tanong sa kanya. She's used of lying.

"Sure ka?"

"Oo naman. Okay na okay na okay ako" bumangon siya para tumungo sa kusina at maghanda ng hapunan.

Inilabas niya ang manok sa ref. Inilagay niya iyon sa bowl na may tubig para matunaw ang ice.

"oh siya sige, kumain ka diyan ng maayos at matulog ng maaga. Good night in advance. Kung ano man niyang nasa isip mo. Huwag mo nang problemahin kaya mo yan.!" pagpupursige nito sa kanya.

She somehow smiled of what she've heard from Clark. May care naman ito talaga sa kanya kahit noon pa. And she admire him because of that, being sweet and caring.

"Okay, Good night too Clark" binaba niya at hindi na niya hinihtay na ito pa ang tumapos ng tawag. Siya na mismo ang tumapos nun.

How she wish to be that girl his into...

A Love To HaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon