"Ahmm.. Sa Aera Hotel din ako. Pinapunta ka ba ni papa?" tanong nito mataapos makahuoa sa kakatitig sa kanya.
Nagandahan na ba ito sa kanya? Pinakuha lang naman niya ang glasses niya tapos ay pinalitan ng contact lens. Her hair was hot oiled at hindi na siya nag abalang magpa make up pa don sa free sample sa mall. Tama na daw iyong simple lang sabi ni Kyle.
"Oo eh. Ano kaya ang sasabihin niya? Importante daw eh" saad niya habang nakatingin sa daan. Ayaw niyang mag assume na ankatingin pa rin ito. Pero ramdam na ramdan kasi niya.
Mabilis na umusad ang traffic kaya pinaharurot na nito ang sasakyan papuntang Aera Hotel. They were silent, walang nag tatangkang magsalita the whole minutes of traveling.
Nhang marating ang lugar ay agad siyang lumabas sa sasakyan nito. Alangan namang hintayin pa niyang pagbuksan siya nito. In her dreams!
Sabay silang pumasok sa loob. All her life, with Clark hinding hindi tumatahimik ang paligid. Sobra kasing madaldak ang kaibigan, but now naninibago siya na tahimik ito habang nakapamulsa sa gilid niya.
"Hoy! Ba't ang tahimik mo?" tumigil siya sa paglakad.
Tumigil din ito sa harap niya. Napakamot ito sa ulo at ngumiti ng alanganin.
"H-Ha? W-Wala. I'm just thinking of something" saad nito at hinila na siya sa loob ng restaurant ng lugar.
Mabilis nilang nahagip ng kanilang paningin ang magulang ni Clark. Sinenyasan silang pumunta doon kaya naglakad silang dalawa. Hawak pa rin ni Clark ang kamay niya na hila hila siya.
His parents are happy while looking at them. Umupo sila sa natitirang bakanteng upuan. Magkatabi pa silang dalawa.
"I like your new look Sandra" komento ni Mrs Chaurd. Ngumiti siya rito dahil sa papuri.
"Yes, kanina ay napaptingin ang lahat sayo" nagulat siya sa tinuran ng tito Fernan niya. Hindi niya alam kong nambobola ba ito.
"Kami na ang nag order sa inyo. Ang tagal niyo eh" ani Mrs Chaurd.
Tumango tango siya habang ang katabi niya ay tahimik sa gilid. Nakaakbay ito sa inuupoan niya. Hindi siya mapakali kaya binalingan niya ito. Ang tahimik eh, mukhang sinaniban.
Nag umpisa silang kumain habang panay ang kwentuhan. Kapag tinatanong siya tungkol sa kompanya ay panay rin lang ang tango niya sa dalawa.
"You know what? Hindi na namin patatagalin ito ng tito Fernan mo. We have a news for the both of you. Dahil magkalapit naman ang loob niyo ay napag isipan naming ipakasal kayong dalawa" ngiting saad nito habang hawak ang kamay ni tito Fernan.
Bigla siyang namingi sa tinuran ng ginang. Even Clark was shock at the news. Sa kanilang dalawa si Clark ang unang bumalik sa huwisyo.
"W-Wait. W-What?" takang tanong nito.
"Yes son, you'll be marrying Sandra" napamaang siya, until now she is speechless of what she've heard.
"A-Ano? Sandra? Are you going to just look at us arguing? Wala ka bang sasabihin?" saad nito sa kanya habang nakatiim bagang at nagtitimpi.
Gusto niya sanang magtatalon sa saya. Pero may masasaktan siyang tao. Paano sina Clark at Lanie? How about their relationship? Alam ba ng mga magulang niya ang resyon nito kay Lanie?
"You are willing to marry Clark right Sandra?" napaawang ang labi niya. Wala siyang maisagot kaya tinikom nalang niya ang bibig at tumango.
Nagukat na binalingan siya ni Clark. Bigla itong tumayo at nagmartsang lumabas sa restaurant. Tinawag siya ng mga magulang nito pero mukhang walang narinig na lumabas.
"Matatanggap din niya iyon Sandra" pero siya hindi niya alam kung anong isasagot.
BINABASA MO ANG
A Love To Have
De TodoIs there a happy ending for Margaux and the love of her life Clark