Rhie's POV
Friday
Ito nga pala yung araw na sinabi ni Mr. Crisostomo na magdedate kami.
I don't know if he would really wait for me, maybe not but if the hypnotism is effective, he will. Gusto ko ding sabihin sa kanya yung ginawa ko, I know maguguluhan siya but I don't want to be stuck in a false love. Gagawin ko yung sinabi ni Marie at tama din siya, di ko alam ang maaaring kalalabasan nitong lahat.Niligpit ko na yung mga gamit and walk my way out of the company. Humuhugot naman ako ng lakas ng loob habang nasa elevator pa ako. Pinapractice ko kung ano ang sasabihin ko sa kanya kung hihintayin niya ako ngayon.
*Ting*
Nagbukas na ang elevator at diretso na ako sa labas. Nang makalabas na ako'y nilibot ko ang aking paningin pero di ko siya makita. Di ko alam kung matutuwa ba ako dahil di totoong tumalab ang aking hypnotismo but I can't deny it that a part of me is disappointed and sad.
Napabuntong-hininga na lang ako. Naglakad na lang ako habang nakatingin sa baba. Natigil ako nang makakita ng isang paper plane sa baba. Napakunot-noo ako at huminto sa paglalakad. Kumilos ako para pulotin iyon pero bigla itong nadala ng hangin ulit at lumipad. Automatic na sumunod doon ang mga paa ko. Nahuhulog naman ito sa kalsada pero nililipad ulit, ewan ko ba't ko ba to sinusundan. Siguro, wala lang talaga akong patutungohan. Nakita kong nagland na ito sa baba. Dali-dali akong kumilos para pulotin iyon baka kasi ilipad na naman. Hinawakan ko na ito para pulotin pero natigil nang mapansin ang dalawang pares ng paa malapit dito. Bigla naman akong kinabahan. Mahina kong pinulot yung eroplano at tsaka pa tumingala para kilalanin kung sino ang may-ari ng mga paa. Natulala ako nang makita si Mr. Crisostomo, lalo na nong ngumiti siya sa akin.
"Sinasabi ko na nga bang di mo ko bibiguin," natameme lang ako sa sinabi niya at napakapit sa hawak kong paper plane.
"Let's go 😊, you still have to prepare for the party," sabi niya at naglakad na pupunta sa kanyang kotse na malapit lang pala sa amin. Pero wala akong nagawa kundi sundan siya ng tingin. Sasabihin ko na ba?
Nakita ko siyang huminto at nilingon ako, napansin niya atang hindi ako sumusunod.
He smiled.
"Tayo na Rhie," nagulat ako nang bumalik siya at hinawakan niya yung right wrist ko sabay hila sa akin.
Napasunod naman ako sa kanya with the paper plane still on my left hand.
"S-sandali," sabi ko at tumigil na sa paglalakad. Napahinto naman siya and look at me habang may nagtatanong na mukha.
"May sasabihin po ako sa yo sir,"
Napakunot-noo ako.
"Ano?,"
Napakagat-labi ako habang nakatitig sa kanya. Humugot muna ako ng lakas ng loob.
"I hy-,"
"If you don't feel comfortable telling it to me now, you can say it after the party," sabi niya at ngumiti ulit sabay hila na naman sa akin.
Sumunod na lang ako, di na ako kumontra. Pinatuloy niya ako sa may front seat, then pumasok na siya sa may driver seat.
Nakatingin lang ako don sa paper plane na nasa kamay ko habang nilalaro iyon kunwari pero ang totoo nahihiya lang ako.
"By the way Rhie, outside the company, call me by my name 😊," napatingin naman ako sa kanya at mahinang napatango ta's inalis na yung tingin niya sa akin.
Huminto kami sa may dress shop kung saan do'n ako inayusan.
"Wag po," sabi ko don sa baklang nagtanggal mg eyeglasses ko para make upon ako.
"It's okey iha, ibabalik lang naman natin."
Kinabahan ako nang tuloyan na niya itong tinanggal. Iniiwasan ko na lang na tumingin sa kanyang mga mata at mag-isip ng kung ano-ano.
Sa wakas ay natapos na din at binalik na yung eyeglasses ko. Nakawhite dress lang ako at heeled shoes na white din.
Lumabas na kami ng dressing room, natulala ako nang makita ko si Mr. Crisostomo na kawhite na tux at nakaside view mula sa kinaroroonan ko habang may kausap sa phone niya. Ang gwapo niya. He's perfect for me.
Natigil naman siya nang mapansin ako at tumingin sa akin. Natigilan ata siya at napatitig sa akin, kaya nailang ako, mahina pa siyang ngumiti at binaba yung phone niya.
Inalis ko yung tingin sa kanya.
"You look perfect,"
O///O
Agad akong napalingon sa kanya ng dahil sa gulat. Nanginit ata ako.
Napansin niya ata yung reaction ko at mahinang natawa. Lumapit naman siya sa akin. Huminto siya sa harap ko nailang naman ako, napaatras ako nang kinilos niya yung kamay niya palapit sa akin. Natawa naman siya ng kunti. Kainis mas nahuhulog ako lalo.
"H'wag ka ng mahiya sa kin Rhie, kailangan mo ng sanayin ang sarili mo sa akin," o____o
"You got me right?," Nanlake naman yung mga mata ko sa sinabi niya. He smiled again.
"Let's go," nagulat ako nang hawakan niya yung kamay ko bigla at hinila ako.
Tug! Dug! Tug!
Grabe na yung kabog ng puso ko. I'm almost drawned to the feelings but I remembered Marie's advice. I will tell him, no matter what. After this party..
<End of Chapter 5>
BINABASA MO ANG
Secrets
RomanceA story about secrets you can't keep. Ang kwentong ito ay tungkol sa isang babae na nagngangalang Rhie at ang kanyang mga sikreto. Mga sikretong di niya kayang ibunyag kanino man nang dahil sa takot na hindi siya matanggap ng kanyang mga minamahal.