Rhie's POV
"Ba't ang tahimik mo?," -Mr. Crisostomo
Napatingin ako sa kanya, inalis ko naman agad ang tingin sa kanya at napailing-iling. Marami man akong gustong itanong, wala pa nong gustong lumabas mula sa aking mga bibig.
Nagdadrive na siya ngayon at ako, nilalaro lang yung airplane sa kamay ko, minsan tumitingin sa labas.
"Maybe you're asking why I chose you to be my date?"
Napatingin lang ako sa kanya without saying a word.
"I like you, that's why."
My heart skip a beat when I heard that even if I know I shouldn't believe or hope on it because he's just under my hypnotism but I hope everything is true and it's not.
Maya-maya pa'y huminto na yung sasakyan. Nauna siyang lumabas at pinagbuksan niya ako ng pinto. Iniwan ko sa may upoan yung eroplano, alangan namang dalhin ko yun. Ewan ko ba't ko pa ba yun dinala.
Nanginit ako nang hawakan niya ulit yung kamay ko nong makalabas ako.
"Sumunod ka lang sa akin," sabi niya sabay hila. Sumunod na lang ako.
Napunta kami sa venue ng birthday party, halatang pangmayan ito. May sumalubong naman sa kanyang lalake na half-american ata with a girl on his side.
"Hey bro,you're here," yung lalake sabay para silang nag-appear.
"Haha, happy birthday Clyde.. it's been a long time."
Napatingin naman sa kin yung si Clyde.
"Oh, is thay your new girlfriend?,"
Natigil naman ako don. Napalingon naman sa akin si Mr. Crisostomo and smiled tas kay Clyde ulit.
"No but she's my date. Her name is Rhie,"
Napatango lang naman si Clyde.
"Nice meeting you Rhie," nakipagshake hands naman siya sa akin. Nailang naman ako. Di ako sanay sa party, hindi ako mahilig sa maraming tao. Ngumiti na lang ako.
"By the way, this is Jasmine, my girlfriend," at ayun nagshakehands din kami.
"So let me lead you to your table."
"Thank you," -Mr. Crisostomo
========
Do'n pala kami sa isang table na kami lang dalawa ni Mr. Crisostomo, nakakailang man pero mas mabuti na to kesa makasama ang ibang strangers.
"Enjoy yourself Rhie, be comfortable." Tumango na lang ako.
Nagkaroon naman ng program. There were presentations. Wala akong ibang ginawa kundi manood lang at di magsalita, nagsasalita lang ako pag tinatanong ni Mr. Crisostomo. Mahina lang din akong kumain. Nahihiya ako.
Maya-maya pa'y may sayawan na.
"Hey, Ziah, let's dance," -Clyde
Napatingin naman siya sa akin. Inalis ko na lang yung tingin sa kanila at kunwaring uminom sa juice ko.
"Uh, wala akong gana. ^^ kayo na lang,"
"Owwwww.. okey, sige bro,"
Narinig ko na lang yung pag-uusap nila at umalis na si Clyde.
=======
Sa baba lang ako tumingin.
Narinig ko naman siyang tumikhim.
"Rhie," mahina naman akong napatingin sa kanya.
"I'm sorry,"
Nagtaka naman ako.
BINABASA MO ANG
Secrets
RomanceA story about secrets you can't keep. Ang kwentong ito ay tungkol sa isang babae na nagngangalang Rhie at ang kanyang mga sikreto. Mga sikretong di niya kayang ibunyag kanino man nang dahil sa takot na hindi siya matanggap ng kanyang mga minamahal.