Rhie's POVOne month later....
It's been a month. Wala na din akong balita sa kanila even kay Marie. I forgot to thank her. Ngayon, nagtatrabaho na naman ako sa isang maliit na kompanya. As an office worker again. My life goes on. Now, I've learned to keep my secrets at h'wag sasabihin ito kahit kanino.
Nakakatawa, that paper plane just give me hope to live again.
I'm still fighting with my past and it's better to be alone for if they leave, di ka na maninibago.
=======
Nasa mall ako ngayon bumibili lang ng groceries. Natigil ako nang may nakasabay ako sa pagpulot ng polbo. Binitiwan ko na lang iyon and smiled sa kanya pero natigil din ako nang makilala siya.
"Marie," nagulat naman siya nang makilala ako. Pero mahina din siyang ngumiti.
"Rhie,"
"Bhabe," natigil ako nang may lalakeng tumawag sa kanya non at napatingin ako dito.
Nanlake yung mga mata ko at di makapaniwala nang makilala siya.
Jed....
I missed him
Natigil ako nang umakbay siya kay Marie. Napayuko naman si Marie.
"Oh, you're with someone," sabi ni Jed habang nakatingin sa akin na parang di niya ko kilala o nagpapanggap lang siya. Nasaktan ako bigla, hindi ako makapaniwala. Hindi sa hindi ako makapaniwala na magiging sila pero masyado kasing mabilis.
"K-kayo na?," I know I sounds hurt when I said that but that's exactly how I feel.
"Yes.. and .. does it have something to do with you?," -Jed
Mas nasaktan ako sa sinabi ni Jed, I was now like a stranger for him.
Umiling-iling lang ako.
"Oh, let's go bhabe may pupuntahan pa tayo," sabi ni Jed sabay hila kay Marie. Napalingon naman si Marie sa akin habang sumusunod kay Jed.
"Sorry.." she mutterred.
Pilit na lang akong ngumiti at tumango.
Nanghina talaga ako habang sinusundan sila ng tingin, feeling ko sinaksak ako ng maraming kutsilyo.
Does Jed really love Marie at inagaw ko lang siya sa kanya?
How? Pano?
Napatingin na lang ako sa baba.
=========
After that, wala akong ibang nasa isip kundi si Jed at Marie. Alam kong labas na ako sa kanila pero di ko pa rin maiwasan eh.
Naglalakad-lakad lang ako sa may tabi ng dagat ngayon. Gabi na at malamig ang hangin. Tinitingnan ko lang yung nga ilaw ng cities na nasa kabila habang naglalakad pero natigil ako nang mapansin yung babaeng aking makakasalubong.
O____O
Si Juliana.
Napahinto ako agad sa paglalakad and turned my back.
"Rhie.."
Mas binilisan ko pa yung lakad ko.
"Rhie!," Napahinto na lang ako nang tawagin niya ako ulit at mahina siyang hinarap.
Napabuntong-hininga naman siya.
"Ikaw nga,"
"Juliana," mahina kong sabi. Napayuko ako, "sorry sa ginawa ko sa yo,"
Napakunot-noo naman siya at mahinang lumapit sa akin.
Natigil ako nang huminto siya sa harap ko at kinilos yung kamay niya palapit sa akin kaya napaatras ako ng kunti pero nagtaka lang ako nang ayusin niya lang yung bangs ko sa magkabilang tenga.
"Ayusin mo ngang sarili mo," natigil ako don at inayus ayus ko naman yung sarili ko.
Natigil ako nang ngumiti siya sa akin, totally different sa pagkakakilala ko kay Juliana noon.
Natigil ako nang hawakan niya ko sa dalawang kamay.
"I can't even remember ano'ng ginawa mo sa akin," natigil naman ako do'n at napatingin sa ulo niya.
Nagkaamnesia ba siya ng dahil sa pagkabagok ng ulo niya? Napakunot-noo lang ako.
"Ang naalala ko lang, nagising na ako sa hospital and Jed told me that we got into fight.."
"N-nagkaamnesia ka ba??,"
Umiling naman siya.
"Yan din yung inakala ko noon pero wala namang sinabi yung doctor, pero kung nagkaamnesia man ako nakakalagtaka lang yung fight lang natin yung di ko maalala, di ko rin akalain na aawayin mo ko." napakunot-noo na ako.
"Alam mo ba nakakalungkot na wala na kayo ni Jed, ang bilis naman, di ko alam anong nangyari di niya na sinabi sa akin eh, alam mo bang palage lang bukang bibig non nong kayo pa?..."
Juliana is my bestfriend in the company.
"Nakapagtataka din, two weeks after kayong maghiwalay sila na ni Marie and he's been talking about how much he love her na parang ang tagal-tagal na." Napakunot-noo na ako lalo.
"Sa tingin mo magkakilala na ba sila ng matagal ni Marie?," -Juliana
Napaisip naman ako.
<Flashback>
"Who's that?,"
"Her name is Marie, she's my friend," nakita kong sinundan ni Jed si Marie ng tingin.
"For how long?,"
"It's already a month.. bakit Jed?,"
"Uh, wala lang curious lang ako."
<End>
Napailing naman ako.
"I don't think matagal na silang magkakilala pero there was that time na curious siya sino si Marie,"
"Really??....."
"Rhie.. alam kong nagtataka ka ba't kinakausap kita ngayon but I like Jed mas pipiliin ko pa na kayo kaysa sila ni Marie, ayaw ko sa kanya.."
"P-pano mo nasabi yan?,"
"Basta, she's so possessive at halos lahat ng babae pinagseselosan kaya nga Jed fired me eh at si Marie na yung secretary niya ngayon," natigil ako don. Jed's not like that...
Pero natigil ako nang maalala ko nang inaway ko si Juliana at mas kinampehan niya pa rin ako kahit ako na yung masama, that's because he thought he love me but...
I
I
I just hypnotized him..
O___O
Nanlake yung mga mata ko sa iniisip pero imposible.
"Bakit Rhie?, May alam ka ba sa nangyayari?, Nakakalagtaka din kasi after nagbreak sina Jed at Dawn kayo na agad," napakunot-noo ako. Biglang tumibok ng malakas yung puso ko sa kaba.
Tug!! Dug!! Tug!! Dug!!
Hinawakan ko si Juliana sa magkabilang balikat.
"What was the last thing you remembered before waking up in the hospital?," -ako
Nagtaka naman si Juliana sa reaction ko. Napakunot-noo naman siya and I know she's trying to remember something. Nagliwanag naman yung mukha niya.
"I met Marie and she talked to me pero di ko na maalala ano'ng mga sinabi niya," nanghina ako do'n lalo na nong maalala ko yung mga mata ni Juliana nong mga panahon na yun, it was also dark just like my mom's, that ten drunkards in the bar, that gun man, and Jed's when I hypnotized them.
"Juliana, tulungan mo ako... Kailangan kong makausap si Jed!," Ako sabay hila sa kanya. Gulat pa siya pero sumunod na lang siya sa akin.
<End of Chapter 16>
BINABASA MO ANG
Secrets
RomanceA story about secrets you can't keep. Ang kwentong ito ay tungkol sa isang babae na nagngangalang Rhie at ang kanyang mga sikreto. Mga sikretong di niya kayang ibunyag kanino man nang dahil sa takot na hindi siya matanggap ng kanyang mga minamahal.