Rhie's POV
Mahina kong minulat ang aking mga mata.
I only saw the white ceiling. Napakunot-noo ako and close my eyes then opened my eyes again.
Mahina akong bumangon at nilibot ko ang aking mga mata and realize na nasa hospital pala ako pero walang nakakabit sa akin na dextrose. Natigil ako nang maalala ko si Jed, agad naman akong kumilos.
Tatayo na sana ako nang makita ko si Juliana sa may pinto. Kakapasok lang niya ata. Ngumiti naman siya sa akin.
"Buti naman at gising ka na."
Mahina lang akong ngumiti.
"Asa'n si Jed?,"
Lumapit lang siya sa akin.
"Don't worry he's fine.... He's actually waiting for you to wake up at inutosan niya ako na papuntahin ka sa kanya pag gising ka na.. so ano pang hinihintay mo? 😄,"
"Tara na.." hinila niya na ako.
Jed is waiting for me to wake up. I was touched by that. Napangiti naman ako ng mahina.
"Alam mo marami talaga akong gustong sabihin sa yo but I think di dapat ako ang magsabi sa yo ng lahat ng yun,"
"B-bakit??,"
"Haha. Basta. 😄,"
Nakatingin lang ako sa likod niya ngayon. Mahina lang akong napangiti.
"Salamat Juliana,"
Para naman siyang natigil do'n.
"Ba't ka nagpapasalamat?,"
"Wala lang... Salamat sa pagtulong,"
"Haha. Wala yun noh," ngumiti na lang ako.
"Andito na tayo..," napahinto naman ako nang huminto na siya. Nilibot ko naman ang aking paningin and realize nasa isang garden kami. Garden ata ng hospital.
Binitiwan niya na ako at humarap sa akin then showed me her two thumbs.
"Iiwan na kita.."
"H-huh?," Bago pa ako nakaangal ay nawala na siya sa aking paningin.
Napakibit balikat na lang ako habang sinusundan siya ng paningin. Nong mawala na siya ng tuloyan ay napatingin ako ulit sa harap ko. Natigil na ako nang makita ko si Jed na mga 7 steps away from me ata habang nakatingin lang sa akin.
Agad namang tumibok ng malakas yung puso ko nang makita siya. Nakadama din ako ng saya.
"J-jed.. ," napabuntong-hininga ako.
"S-sorry," sabi ko na lang at napayuko wala ata akong mukhang ihaharap sa kanya.
"Rhie,.." mahina akong tumingala at tiningnan siya.
"As of this moment, all I want you to do is to listen and allow me to speak,"
Natigil naman ako don.
Bumuntong-hininga naman siya na para bang humuhugot ng lakas ng loob.
"I want to tell you secrets.." napakunot-noo naman ako.
"I lied to you ," natigil naman ako don.
"I lied to you about my ability.. I don't have an extraordinary strength," anong ibig niyang sabihin?? Kahit marami akong tanong di na ako nagsalita. I will listen to him
"Tinitigan ko lang yung stage kung nasaan andon ang kakambal ko and it was destroyed killing him and other people.. Nobody else know it was me except you. My parents didn't even know about it. Since then, I live my life with guilt. That's why I work hard to replace my brother. Para kahit papano mababawasan yung guilt ko pero each time na nagkakamali ako and disappoint my parents I felt the guilt even heavier.... I became a busy person, a thing which I never liked but I have to... I never even have time for love.."
Napakunot-noo ako. How about Dawn?
"And Dawn..." Napatitig lang ako sa kanya and waited sa susunod niyang sasabihin.
"I just love her as a friend... She's my twin brother's girlfriend, out of guilt I courted her.... Everything goes fine, I wasn't myself but I think that was okey... I never really know what love was 'til a mysterious girl stepped into the company.. "
Natigil ako don. My heart started beating fast.
"I don't know what's into her but I like her since the first time I lay my eyes on her. I stalked her... With the help of my secretary.. " di ko na napigilan yung luha ko, agad na itong tumulo.
"But I kept everything, I hide it for I am not free, I'm still stuck with the past... Kaya nong umamin ka sa akin, I was hurt.. thinking na niloko mo lang ako at lahat ng nafeel ko ay pawang kasinungalingan lang, and I asked you when did you started hyonotizing me... And realize what I felt was true.. Nasaktan lang ako kasi... Kasi .. ginawa ko lahat just to let you feel how much you mean for me but for you everything was just a lie.." namumula na siya ngayon. Napaiyak na talaga ako habang nakatingin sa kanya kahit nakakahiya wala na akong pakialam.
"Rhie, maybe you and Marie can hypnotize my mind but never my heart. The heart can still remember what the mind forgets. I know you have forgotten about me, but I am that guy you saved when I was still in highschool from a gang. I know it was you dahil ikaw lang yung alam kong may kakayanang lumaban with a blindfold on the eyes..."
"If you think your desperate for hypnotizing me, sorry but I am more desperate than you... This is my real ability."
Nagulat ako nang biglang natanggal yung ponetail sa buhok ko.
Napatingin ako sa kanya. May kinuha siya sa bulsa niya, it was a handkerchief. He moved his hand na parang inaabot ito sa akin. Natigil ako nang kusa itong lumipad palapit sa akin at huminto sa harap ko. Kinuha ko naman yun at napatitig dito.
"I-ikaw yun?," Mahina kong sambit. Naalala ko nong umiyak ako after saving the girl then I suddenly saw a handkerchief beside me.
Natigil ako nang humangin ng mahina. Napalingon ako sa pinanggalingan nito. Nanlake yung mga mata ko sa nakita. I saw balloons na lumilipad pataas and not just that.
Paper plane.
I mean paper planes and their coming towards me. Nagulat ako nang nagpaikot-ikot ito sa akin.
Kumuha ako ng isa at tiningnan iyon. May nakasulat dito...
Smile :)
Napaluha ako lalo. Di kasi ako makapaniwala eh.
Naalala ko bigla nong muntik akong mabangga ng bus... Ibig sabihin siya din yung dahilan non? And the bullet na tumama sa kanya, he controlled it. At yung baril na tumilapon.
Napatingin na ako sa kanya. Huminto na din yung paper planes sa pag-ikot.
Mahina siyang ngumiti sa akin.
"And that incident in the cafeteria, where you said that was the time you hypnotized me, I controlled everything.. even your heels being broken.. ako lahat yun." Mahina siyang naglakad palapit.
<End of Chapter 19>
BINABASA MO ANG
Secrets
RomanceA story about secrets you can't keep. Ang kwentong ito ay tungkol sa isang babae na nagngangalang Rhie at ang kanyang mga sikreto. Mga sikretong di niya kayang ibunyag kanino man nang dahil sa takot na hindi siya matanggap ng kanyang mga minamahal.