Chapter 7- Keeped

11 1 0
                                    

Rhie's POV

"Rhie, I'm sorry," sabi niya sabay hawak sa wrist ko. Napahinto naman ako. Di ko na talaga napigilan yung luha ko. Pinaharap niya ako sa kanya.

Napayuko lang ako.

Natigil ako nang inangat niya yung ulo ko at pinunasan niya yung luha ko through his thumbs.

"Makinig ka sa 'kin, di ko alam ba't ka nagkakaganyan o ano man ang pinagdaanan mo but trust me, I'm here. Handa akong makinig sa yo, I'll wait 'til you open up just please don't run away from me again,"

Napatingin lang ako ulit sa baba.

Nagulat ako nang akapin niya ako pero gumaan yung pakiramdam ko nang dahil do'n. I felt comfortable this way. Pinikit ko na lang yung mga mata ko coz I know this won't last.

==========

Huminto na din kami sa tapat ng maliit na silid na inuopahan ko. Kinuha ko na yung eroplano at lumabas na ng sasakyan.

"Salamat," sabi ko bago tuluyang lumabas at naglakad na paalis. Tahimik na lang kasi kami habang nagdadrive na siya pauwi.

"Rhie," napahinto ako't napatingin sa kanya. Kakalabas lang niya sa sasakyan.

"Di ba may sasabihin ka after the party? Ano na nga ba yun?,"

Natigil ako sa sinabi niyang iyon, nakalimutan ko na yun kanina.

Bigla akong kinabahan.

Tug! Dug! Tug!

This time, nagkakaroon na ako ng pag-aalinlangan. Napatitig ako sa kanya.

If I would tell him now, I wouldn't see him smiling at me again.

Masaya ako kasama siya, can I extend this happiness for a month or just days? Wala naman sigurong masama kong bigyan ko ng kunting kasiyahan ang sarili ko, kahit panandalian lang.

My father told me not to use this ability for my own gain. That's called selfishness. Sorry pa, I think it's okey to be selfish sometimes.

Mahina akong ngumiti.

"W-wala, sa susunod na lang,"

Tumango naman siya.

"Uh sige, ikawng bahala. I have to go now, magkita na lang tayo bukas. Take care." Ngumiti na lang ako. Pumasok na siya sa sasakyan. Sinundan ko na siya ng tingin hanggang sa makaalis na siya.

Napabuntong-hininga na lang ako at napatingin do'n sa paper plane na hawak ko.

Napakunot-noo ako nang mapansin ang nakasulat rito.

Smile 😊

Nakapagtataka, katulad nong sa nakita ko sa park.

------------

Pumasok na ako sa trabaho. Kadarating ko lang, nang papunta na ako sa area ko ay nakita ko ang isang babaeng empleyado na pinapagalitan nong boss namin. Galit na galit ito, ewan ko kung ano ba ang kasalanan nito.

Napailing lang ako, diretso lang sana ako sa area ko nang..

"Urrggh! You're fired!," Napahinto na ako do'n at napalingon ako sa kanila. Naiiyak na yung babae, napatingin na lang siya sa baba. Papunta sa direksyon ko yung boss namin. Naaawa ako don sa babae pero hindi, let it be. It's not my fault.

Nalagpasan na ko nong boss namin, nakita kong sumalagpak sa sahig yung babae. Nakuyom ko yung kamao ko at nilingon ko yung boss namin na ngayon ay nakatalikod na mula sa akin.

"Excuse me sir,"

He look back at me habang may kunot-noo.

"What??,"

Napakagat labi muna ako bago ko tinanggal yung eyeglasses ko.

Don't fire her and say sorry.

I said in my mind while looking into his eyes. After that, dali-dali ko ng sinuot yung eyeglasses ko.

Natigil naman si boss at tiningnan niya yung babae kanina. Naglakad siya palapit dito.

"I'm so sorry miss santos," nagtaka naman yung marami, tinulongan niya pa itong tumayo. Nagkatinginan naman ang nasa paligid.

"Just forget about what I said earlier.. nadala lang ako but make sure to do your job better next time.."

Napansin kong tumingin sa akin yung iba, dali-dali ko na lang na inalis ang paningin sa kanila at naglakad papunta do'n sa upoan ko. Napabuntong-hininga na ako nang ako'y maupo.

========

Nasa may food court ako ngayon, kumakain ng lunch mag-isa. Di ko rin naman nakita si Marie ngayon at tsaka ayaw ko ding makita niya ako, baka itanong niya kung ginawa ko ba yung sinabi niya, pagagalitan niya lang ako.

"Why eat here alone?,"

My heart skip a beat nang marinig iyon.
Napatingin naman ako sa kanya na ngayon ay nasa akin ng harapan habang nakaupo na at may pagkain na ring dala.

"Uh- b-bakit, andito ka?,"

Nagsmile lang siya sa akin.

"Why are you asking like di ka makapaniwala?," Sabi niya habang nilalapag yung mga pagkain niya sa mesa.

Napalingon ako sa paligid at pinagtitinginan na kami.

"Don't mind them, 😊 ang mahalaga masaya ako na kasama kita," napatingin naman ako sa kanya ulit.

"Kumain ka na,"

Pilit naman akong nagfocus sa pagkain pero di na talaga ako makafocus eh.

"Ba't andito ka?,"

Natigil naman siya don.

"Gusto kitang makasama. 😊," Napatitig na lang ako sa kanya, umiling ako at kumain ulit.

=========
Ang pagkain na yun sa food court ng kompanya na kasama siya, nasundan pa yun ng maraming beses. Di lang yun, lumalabas din kami. And I enjoyed all those moments with him, at sana di matapos at sana totoo lahat.  He even said he love me, pero di ko makuhang magreply , gusto kong paniwalaan na hindi.  About sa sikreto ko, maraming beses kong gustong sabihin sa kanya pero napapangunahan ako ng takot na baka iwan niya ako at hindi ako handa. I hope this wasn't just a dream and if it was, I hope it will never end.

==========

Lumabas na ako ng cubicle ng CR, natigil ako nang makita ko si Marie na nakasandal sa pader malapit sa salamin habang seryosong nakatingin sa baba. Yung aura niya talaga but that's normal for her.

Napalunok naman ako.

"Why didn't you tell him?,"

Napatingin ako sa baba at mahinang naglakad palapit sa lavatory at mahinang naghugas ng aking kamay.

"Natatakot ako,"

"Saan? Di ka ba natatakot sa mangyayari kapag nalaman niya?,"

Napalingon ako sa kanya, dali-dali ko siyang nilapitan at hinarap. I hold her on her shoulders.

"Pero di niya naman malalaman kung di mo sasabihin di ba?,"

"Pa'no ka nakakasiguro," she said while smirking.

"Sasabihin mo?," Kinakabahan kong tanong.

"Pa'no ka nakakasiguro na walang ibang nakakaalam?,"

Nabitawan ko siya ng mahina. Napatingin ako sa paligid if may iba bang tao. Buti na lang wala.

"Kung gano mo katagal na itatago ito, ganon din kagrabe ang sakit at kaparusahan na matatanggap mo,"

Napatingin ako sa baba.

"Start thinking about it," sabi niya at lumabas na ng CR. Napabuntong-hininga na lang ako.

<End of Chapter 7>

SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon