Chapter 17- Her True Identity

12 1 0
                                    

Rhie's POV

Hininto ni Juliana yung sasakyan niya sa tapat ng kompanya nila Jed. Agad naman akong lumabas. Paglabas ko ay nakita ko yung sasakyan ni Jed na paparaan. Agad akong kumilos at hinarang iyon. Dumipa pa ako, kinabahan pa nga ako eh baka hindi huminto.

Buti na lang agad itong nagbreak. Maya-maya pa'y bumukas yung pinto sa may driver seat. Natuwa ako nang makita ko si Jed. Di ko pa napigilang ngumiti pero nawala din iyon agad nang makita kong bumukas yung pinto sa may front seat at lumabas mula dito si Marie. She still wears the same blank expression on her face. Napatingin ako ulit kay Jed. Nakakunot-noo na siya at lumapit sa akin.

"Are you crazy?? Magpapakamatay ka ba??," He somehow changed a little.

Pero di na ako nagpapigil.

"Jed.. may dapat kang malaman,..." Pero natigil din ako nang maalala ko si Marie. Napalingon ako sa kanya.

"Marie.. I'm giving you the chance to tell him yourself."

Kumunot-noo lang siya.

"Ano bang pinagsasabi mo Rhie??,"
Napakagat-labi ako.

"Tell him you hypnotize him!,"
Para naman siyang nagulat sandali pero nawala din iyon.

"No, I didn't," natigil ako when she denied it. Lumapit na ako kay Jed.

"Jed, maniwala ka sa akin, di mo talaga siya mahal... Hinypnotize ka lang niya--,"

"Will you please stop it!" Natigil ako sa sigaw niya.

"Why are you projecting everything you did to me sa kanya?? She's not desperate like you and I already told you na ayaw na kitang makita, di mo ba naiiintindihan..? I hate you!!," Natigil ako don. Parang sinaksak ng kutsilyo yung puso ko don. Naramdaman kong namasa ang aking mga mata.

I look at Marie. She's just looking at me.

Am I really just projecting everything?? Does he really love her?

Mahina akong napaatras. I don't even have enough basis to prove it.

"Let's go Bhabe," nakita ko na lang na pumasok na sila sa sasakyan at umandar na ito. Tumabi na lang ako nang dumaan sila sa harap ko.

Do'n na tuluyang tumulo yung luha ko habang sinusundan ng tingin yung sasakyan ni Jed.

Nakita kong lumapit si Juliana.

"D-did you h-hypnotize him before?,"
Di na ako nakasagot, yumuko na lang ako at umiyak.

Natigil ako nang akapin niya ako.

"Don't worry everything will be fine..,"  sabi niya habang hinahagod ang likod ko.

========

After that, nakapagdecide ako na wag ng makialam. Nakaupo lang ako ngayon sa isang bench tabi ng dagat. Umiinom lang ako ng kape. Gabi na ngayon, kakagaling ko lang sa trabaho.

Wala namang masyadong tao dito.

Natigil ako sa pag-inom sa kape ko nang mapansing may tao sa aking harap. Napatingin naman ako sa kanya. Natigil ako nang makakita ng isang lalake na nasa 40 ata ang edad.

"Bakit po?,"

Nagulat ako nang bigla niya akong hilahin kaya nabitawan ko yung kape. Nagpumiglas naman ako sabay apak sa paa niya. Nabitawan niya naman ako at dali-dali na akong tumakbo.

Pero natigil din ako nang makakita ng mga sampu ata na mga lalake sa harap ko na iba makatingin sa akin. Napaatras naman ako. Nagulat ako nang bigla nila akong sinugod. Tumakbo ako pabalik pero nagulat ako nang may humampas sa aking ulo ng isang bagay na matigas. Sa sobrang sakit no'n, I fainted at natumba. Sunod ko na lang nakita ay ang mukha ng mga lalake na nakatingin sa akin and it was dark.

=======

Juliana's POV

Naglalakad na ako ngayon sa tabi ng dagat. I would like to meet Rhie again.

Pero mukhang wala ata siya.. I just decided to sit on a bench. Napabuntong-hininga ako nang matanaw ang mga ilaw sa harap ng dagat.

Napalingon ako sa tabi ko. Natigil ako nang makakita ng isang bag. Napakunot-noo ako nang makita ang isang ID na katabi ito. Nagpalinga-linga muna ako baka kasi andito yung may-ari at mapagkamalan akong magnanakaw. Nang makasiguro ako kinuha ko yung ID at tiningnan. Natigil ako nang malamang si Rhie ang may-ari nito. Napakunot-noo ako, bigla kasi akong kinabahan.

========

Rhie's POV

Mahina kong binuka yung mga mata ko. Malabo pa ito nong una pero unti unti ding lumiwanag at una kong nakita yung mga lalake na nakahilira sa tabi at sa isang direksyon lang nakatingin.

Napakunot-noo naman ako. Nilibot ko ang aking paningin and realized na parang nasa isang lumang building ako.

Kumilos naman ako, tsaka ko pa narealize na nakatali pala ang paa at kamay ko.

Napatingin ako sa unahan and saw a girl na may maikli na buhok at nakatalikod mula sa akin.

Marie..

Mahina siyang humarap and look at me with a poker face.

"Gising ka na....," Mahina siyang naglakad palapit.

Napalingon ako ulit sa mga lalake sa tabi, tsaka ko pa narealize that they look hypnotized.

Totoo nga. She can also hypnotize.

"Ang sama mo... How could you use other people para dito,"

Huminto siya sa harap ko napatingala naman ako.

"You still don't get it, bite people before they could bite you and stop acting like you're a saint, manggagamit ka rin naman ah."

Nakuyom ko yung kamao ko sa likod.

"Ba't mo ginagawa to?,"

"Isa kang malaking hadlang para sa kasiyahan ko and don't even try to deny it... Ginawa mo rin to kay Juliana di ba??,"

"But you just hypnoyized her,"

"Then you should be thankful, lumabas yung totoong pagkatao mo. We're just the same."

Napakunot-noo na ako.

"Oh! By the way... Not only her.." natigil ako do'n.

"Remember Dawn?," Nanlake yung mga mata ko sa sinabi niya.

Naalala ko nang tumalon siya sa building.

Ang sama niya pero tama din siya pareho lang kami kaya di ko siya magawang sumbatan.

Hindi ako makapaniwala na ganito pala ang totoo niyang pagkatao. I thought I could trust her. I thought she's my friend but she's actually my worst enemy.

"Binalaan na kita di ba na sabihin sa kanya?, Pero ang tigas mo so worst will be your consequences from me." Nanlake yung mga mata ko. Does she mean she manipulated everything?

<End of Chapter 17>

SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon