Rhie's POV
Pumasok kami sa isang mamahaling restaurant. Itsura pa lang pangsocial na. Pinaupo niya ako don sa upoan malapit sa isang table at siya naman don sa harap ko. Umorder naman kami ng pagkain. Ta's kumain na kami.
"Umm.. jed,"
"Uhh?,"
"Nag-uusap pa ba kayo ni Dawn,?," Dawn is his ex. Natigil naman siya sa tanong ko.
"Ba't mo naman natanong?,"
"Sagutin mo na lang,"
"Sometimes, kapag siya yung unang nagmemessage sa akin, like you, she also have lots of questions about why,"
Napatingin naman ako sa baba.
"Alam ba ng mommy mo na wala na kayo,"
"Yup, both of my parents know about it. Yun nga lang di nila tanggap, nasasayangan sila sa relationship namin, alam mo na she's my girlfriend since 2nd year highschool," para akong sinampal nang malaman kung gano na sila katagal. Ganon katagal ang relasyon na sinira ko.
"Alam ba ng parents mo ang tungkol sa kin?," Tanong ko, ayaw ko sanang itanong baka di ko magustuhan ang isasagot niya pero gusto ko ding malaman.
Natigil naman siya don.
"For the mean time, hindi pa. Magulo pa kasi at ayaw kong madamay ka, I'll fix everything," natigil ako nang hawakan niya yung isang kamay ko.
"Promise.. I'll tell the world about you," mahina lang akong ngumiti. Tumango naman ako.
"Basta tandaan mo lang lage na mahal kita,"
Tumango lang ako ulit. Di ko na namn siya masagot-sagot. Something is stopping me. Baka kasi mareject ako, ewan.
"WALANG KIKILOS!!,"
O_O nagulat ang lahat ng nasa loob ng restaurant na yun nang may pumasok na tatlong lalake na may hawak na baril. Yung isa hawak yung guard habang nakatutok sa ulo nito yung baril.
"Umupo kayong lahat!!!," Sabi nong isa habang tinututok sa amin yung baril.
Nagkatinginan naman kami ni Jed. Tinanguan niya lang ako. Mahina maming naupo sa may sahig then nakataas yung mga kamay gaya ng utos ng mga hold upper. Kinakabahan naman ako, di sa kung ano ang magawa nila sa amin, kundi sa kung ano ang magawa ko sa kanila. Mahina kong pinikit ng mahigpit ang aking mga mata at tinakpan yung tenga ko.
"Ilabas niyo lahat ng pera niyo," may nga nagsikilos naman base sa pandinig ko.
"Don't worry Rhie, ilalabas kita dito," narinig kong mahinang sabi ni Jed.
Natigil ako nang parang tinutok sa nay ulo ko yung baril.
"Hoy! Benge ka ba? Sinasabi ng ilabas mo yung pera mo." Mahina kong binuka yung mga mata ko.
"Hey," natigil ako nang nagsalita si Jed,
"Anong karapatan mo na tutukan siya ng baril?,""Aba! Lumalaban ka ha," kumilos yung lalake para sa kay Jed itutok yung baril. Naalarma naman ako. Nagulat ako nang hawakan ni Jed yung baril na nakatutok sa kanya at hinila niya ito kaya nadala yung lalake, nagulat ako nang pumutok yung baril. Nagsigawan naman ang mga tao. Napapikit pa ko non pero agad din akong dumilat to check if okey lang ba si Jed.
Pagdilat ko nakita kong nakadapa yung lalake kanina habang hawak ni Jed yung baril at apak-apak ito sa ulo. Agad naman siyang tinutokan ng baril ng dalawang kasamahan nito.
Mas kinabahan tuloy ako.
"Jed," mahina kong sambit.
Tinutok naman ni Jed yung baril sa ulo nong nasa paa niya. Di ko alam perl di man lang ito makagalaw.
BINABASA MO ANG
Secrets
RomanceA story about secrets you can't keep. Ang kwentong ito ay tungkol sa isang babae na nagngangalang Rhie at ang kanyang mga sikreto. Mga sikretong di niya kayang ibunyag kanino man nang dahil sa takot na hindi siya matanggap ng kanyang mga minamahal.