Chapter 3- Marie

16 1 0
                                    

Rhie's POV

It's 5:30 in the afternoon, lumabas na ako nang kompanya, tapos na din yung duty ko. As usual, tahimik lang ako at mag-isa, nakatingin lang ako sa daan na dinadaanan ko. Paulit-ulit pa rin sa aking isip ang nangyari kanina sa cafeteria at yung ginawa ko kay Mr. Crisostomo. If that would be effective. Pero I hope not, I'll be fooling myself if it would.

*Peep! Peep!*

Natigil ako nang may humintong kotse sa tabi ko, napansin kong bumukas yung sa driver seat. Nanlake yung mga mata ko nang malaman kung sino ang lumabas.

Mr. Crisostomo..

Di naman ako nag-aassume na ako ang pakay niya. Natigil ako nang lumingon siya sa akin, agad kong inalis yung tingin ko sa kanya at dali-daling naglakad paalis.

"Ms. Vallente,"
O_O

Nanlake yung mga mata ko don at napahinto ako sa paglalakad.

Tug! Dug!

Tinawag niya ba ako?

Mahina akong napalingon sa kanya habang bahagya kong tinaas yung dalawang kilay ko. I tried to remain calm para hindi niya mahalata.

Nakatingin siya sa akin.

"Rhie Ann Vallente right?,"

O\\\O

Pano niya nalaman ang buong pangalan ko? Mahina akong napakunot-noo, gustohin ko mang magsalita pero walang anumang lumalabas mula sa aking bibig.

"Nahulog mo kasi yung ID mo."
O_o

Napatingin ako don sa ID na hawak niya at pinakita sa akin. Napatingin ako sa ID sling ko at wala na nga yung ID ko. Napakunot-noo ako ulit di ko man lang iyon napansin. Napatingin ako sa kanya. Gusto kong magtanong kung saan niya ito napulot pero wala pa ring lumalabas mula sa aking bibig. Di ako makapagsalita kapag kaharap siya. Kumilos na lang ako at naglakad palapit sa kanya sabay hablot nong ID ko na may halong panginginig lalo na dahil bahagya kong nasagi yung kamay niya.

Tug! Dug! Tug!

Agad akong naglakad ng mabilis pagkatapos.

"Uh, Rhie sandali,"

Mas lalong bumilis ang pintig ng puso ko don. Feel ko kasi na sinusundan niya ako at bakit niya ako sinusundan? Umepekto ba yung hypnotismo ko?

Napunta ako sa dulo ng daan kailangan kong tumawid at makatakas mula sa kanya.

"Rhie!" Nang marinig kong tawagin niya ulit yung pangalan ko, walang ano-ano'y agad akong tumawid.

*Peeeeeeeeeeeeep!*

Nagulat ako do'n at nakita ko ang isang malake na bus na babangga sa akin.

Katapusan ko na.

I close my eyes..

Narinig ko yung sigawan ng mga tao at ingay ng mga sasakyan sa paligid. Napakunot-noo ako...
Hindi ako nabangga, buhay pa ko. Imposible...
Binuksan ko ang aking mga mata and saw the bus right before my face. Nagtaka ako. Mahina akong napaatras. Nakita kong bumaba yung driver na galit.

"Ano ka ba miss? Magpapakamatay ka ba? Buti na lang huminto pa yung bus."

Napakunot-noo ako. Naguguluhan..

Napalingon ako don sa parte ng kalye na pinanggalingan ko at nakita ko si Mr. Crisostomo don na nakatingin lang sa amin. Marami pang sinabi yung bus driver pero wala na akong naintindihan, napailing na lang ako at tumakbo na paalis.

Marie Segovia's POV

My name is Marie. A girl with a short hair and an eyeglasses, I'm from the company. Nakatayo lang ako beside a post and saw what just happened in the road side. Inalis ko yung tingin sa kanila at naglakad paalis.

Rhie's POV

Napahiga ako sa aking kama at tumingin sa bubong. What if kung pinakinggan ko siya? Ano kayang sasabihin niya. I just realize that that moment will never come again.

======
Nasa may area ko na ako ngayon, doing my job. Natigil ako nang makarinig nang familiar na boses malapit sa akin. Napatingin ako sa kanya. Si Mr. Crisostomo, may kausap siya na staff dito, malayo lang siya ng kunti. Minsan ko lang talaga siyang makita rito sa area namin kaya nakakapagtaka. Napatitig ako sa kanya. Nagulat ako nang lumingon siya sa akin kaya binaling ko ang aking paningin sa monitor ng computer.

"I know your secrets,"

Natigil ako bigla don at napatingin sa babae na nasa gilid ko. I saw that girl with a short hair and an eyeglasses again. Gulat ako sa sinabi niya.

"Want to know what I know? Follow me," sabi niya pagkatapos ay diretso ng umalis. Di ko alam pero bigla akong kinabahan. Umiling ako and tried to focus again on my work pero naisip ko ulit yung sinabi niya. Tumayo na ako at sumunod sa kanya.

Sa kakasunod ko sa kanya ay napunta kami sa tapat ng stock room. Pumasok siya don, nag-alangan ako pero pumasok na din. Tumambad sa amin ang mga papel na nakatambak doon pero di naman ganon karumi. Nakatalikod lang siya mula sa akin. Napakunot-noo ako.

"Sino ka? At anong kailangan mo sa akin?,"

"Di ba dapat ang dapat itanong mo sa akin ay kung anong alam ko?," Sabi niya sabay harap sa akin. "Rhie?," Di ko alam but she sounds scary. Di naman nakakatakot yung mukha niya dahil maganda naman siya, it's just her aura.

"A-ano?,"  She look at me straight.

"You came from a very dark past,"

O___O

"H-huh?,"

"You hypnotize people,"

Napakunot-noo na ako at bigla na akong kinabahan

"You secretly like the CEO.."

Napalunok na ako. Mahina siyang naglakad palapit , napaatras naman ako hanggang sa napasandal na ako sa pinto. Nilapit niya lang yung bibig niya sa aking tenga ko.

"...and that you tried to hypnotize him," nanlake yung mga mata ko sa narinig, mahina niyang nilayo ang sarili sa akin.

"Ano- bang pi-nagsasabi mo?"

"Don't try to deny it, the more you do, the more it shows,"

Napakunot-noo na ako.

"Sino ka? At pano mo nalaman lahat iyon?,"

She smiled. Yung ngiti na di ko alam kung matutuwa ba ako o hindi.

"My name is Marie, let's just say that I have the ability to read your mind." Sabi niya sabay bukas ng pinto at lumabas. Wala akong ibang nagawa kundi sundan siya ng tingin.

Does it means that my secrets are not safe?

Napatakbo ako palabas pero hindi ko na siya naabutan. Naoabuntong-hininga na lang ako habang kabang-kaba.

<End of Chapter 3>

SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon