*kringggg!!!-kringgg!!!*
Naalimpungatan ako dahil sa tunog ng alarm clock ko.
Inis na pinatay ko ito at nagpatuloy sa pagtulog.
Istorbo! Magki-kiss na sana kami ni Case babe ko sa panaginip eh!
Malapit na sana pero narinig ko na naman ang katok sa pinto.
"Gumising ka na diyan mahal na reyna! May pasok ka pa at 9 na ng umaga oh!"- si Mama.
Inis na bumangon ako. Gusto ko pang matulog eh! Antok pa talaga ako.
Pero no choice! Kailangan ko ng kumilos kung ayaw kong ma late. Strict pa naman ng adviser ko. Pag na late ka kasi pakakantahin ka sa stage after ng flag.
Ayaw ko kaya non!
Hindi naman sa pangit ng boses ko, ayaw ko lang kasing maging famous ang name ko sa school na always late.
Tiningnan ko ang orasan.
6 am pa lang naman!!! Exaggerated talaga si Mama.
Pagkatapos kong maligo, inayos ko ang sarili ko at nag breakfast."Ma! Alis na ako!"- me.
Umupo ako sa waiting shed. Wala pang jeep na dumadaan kaya inaantok na naman tuloy ako! Mga 100+ na sigurong taxi ang nabilang ko bago may dumating na jeep. Humanap ako ng pwesto at naglagay ng earphone. Sound trip lang ang ginawa ko buong biyahe. Ang katabi ko kasing estudyante ay naka headphones. Agad akong bumaba ng nasa school na.
Napatigil ako.
" Teka? Ba't hindi ako kinunan ng pamasahe?"- ako.
Nagkibit-balikat na lang ako. Baka may nagbayad na sakin haha. Tamad na naglalakad ako at aakyat na sana sa hagdan kaso naglilinis pa ng mga grade 7. Tumigil sila kaya dumaan ako.
"Excu-- aray!"
Feel ko biglang nabuhay lahat ng cells sa katawan ko. Gosh!!! Ang aga pa para sa kahihiyan.
Sa kakamadali ko kasi bigla akong natapilok sa hagdan at take note! Muntik na akong makipag lips to lips sa semento! Buti na lang di nila ako pinagtawanan! Gising na gising akong pumasok ng room. Pag upo ko don ko lang napansin na sumasakit yung hinlalaki ko sa paa. Naputol ang kuko! Ang sakit! Aga pa ako minalas! Huhu. Hindi nagtagal nagsidatingan ang mga kaklase ko at parang bar lang ang room dahil sa ingay nila. Dumating yung adviser namin at nag check ng attendance.
"Dafniey Paris?"- ma'am.
"Present!"- ako.
Astig ng surname ko no? Pero wala po akong half , sadyang yan talaga apelyido ko.
I'm Dafniey Paris, 16 years old at grade 11-2.
Nag start na si Mrs. Zervias ng klase niya sa Philosophy. Napaka boring!!! Yung katabi ko nga, na bestfriend ko ay sleeping beauty na. Buti na lang hindi siya nahuhuli ni ma'am.
" Galileo Galile is bla ba bla.... He's already dead bla bla bla..."
Wala talaga akong maintindihan.
"Excuse me Mrs. Zervias"
Dahil sa tinig na yun awtomatikong nagising ang lahat na babae kong kaklase at nagpaunahan sa pagkuha ng compact mirror at sabay ayos ng sarili.
Papahuli ba naman ako? Asa sila! Naglagay ako ng lip shiner at kunting ayos ng buhok.
"Oh my Gosh! Baka ma witnesses ni Stacey my bebe ko ang haggardness face ko!"- bestfriend kong si Pretzel.
Di po siya bakla hahaha.
Nagsitilian ang mga kaklase ko nong pumasok ang NIGHTWIND BAND.
Si Case babe ko!!!! Ang gwapo niya talaga! Siya ang ultimate crush ko since Grade 10. Sa kabilang building lang ang room nila, 3rd year college na siya at age doesn't matter naman diba? Hihi.
"Hi everyone, we are here to make an announcement. By the way, to those who are not familiar with us, we are the Nightwind Band and I am the vocalist. I'm Case Almonte. The guitarist, Stacey Buenaventura, the drummer Drid Alonzo and the pianist , Vince Santos. We need your help to support our band in this coming Friday for the band competition. Can we expect your full support?"- Case Babe ko!
"Yes!!!"- sigaw namin.
" Thank you guys! Promise! We will do our very best to win this competition "- Stacey. Gwapo at chinito.
"Go Stacey! I'm here to support you! Good luck!"- si Pretzel na nakatayo pa.
Napangiti naman si Stacey.
"Thank you , What is your name beautiful lady?"- Stacey.
" Ehem... It's Pretzel. I'm Pretzel Mhine but you can call me Yours"- Pretzel.
Napatawa naman si Stacey at umarteng nahimatay si Pretzel ng kindatan siya ni Stacey bago lumabas ng room.
BINABASA MO ANG
That Smile ( COMPLETE ✔)
Teen Fiction" Smile is a curve that can make everything straight ^_^"