[Dafniey's POV]
Intrams namin ngayon at syempre nagsilabasan ang mga booths at contest. 1 week yung intrams namin kasi medyo busy kami.
Nagbabantay ako sa fave painting booth namin ng nilapitan ako ni Case.
"Hi Dafniey? Can I ask a favor?"- siya.
Wala na akong pagtingin sa kaniya at tanggap ko na na kuya ko lang talaga siya.
"Ano po yun Kuya Case?"- ako.
As usual madami na namang CCTV eyes.
"Ahmm... Gusto ko sanang manood ka mamaya ng band competition"- siya.
"Talaga?! Sige po Kuya Case manonood po ako. Promise!"- ako.
Ginulo niya naman ang buhok ko.
"Thanks"- siya at umalis.
Nong recess na sabay kami ni Clay at libre niya ako.
"Daf? Nood ka mamaya ng swimming competition ko ha?"- siya.
"Ha?!! Sumasali ka pala sa swimming team?"- ako.
"Yup! Hindi mo alam? Since grade 7 pa kaya"- siya.
"Hindi eh kaya pala ang bilis mong lumangoy"- manghang sabi ko.
"Paano mo naman kasi malalaman kong masyado kang focus sa banda ni Kuya Case"- siya.
"Sus! Ito naman tampo agad! Oo na manonood na ako. Anong oras ba?"- ako.
"Mamayang 2:00 pm ang start"- siya at nagpaalam na umalis dahil mag rerehearsal pa daw siya.
Ba't nagkasabay??!! Yung band competition ay mamayang 1:30 at hindi naman pwede na pumunta don dahil nangako na ako. At mas lalo na kay Clay na masyadong napalapit na sakin.
Aahh!!! What to do? What to do?!
"Oh bestie? Ba't hindi maipinta yang mukha mo maliban na sa hindi ako marunong mag drawing?"- si Pretzel.
"Tsk!"
Napilitan akong ikwento ang lahat sa kaniya.
"Naku! Ang hirap nga namang mag desisyon Daf. Pero ano ba talaga ang final decision mo?"- siya.
"Ewan! Naguguluhan na ako!"- me at napasabunot sa buhok.
"Kay Clay na lang bestie tutal siya naman ang gusto ng puso mo! Aminin!"- tukso niya.
"May panahon ka pa talaga Pretzel sa mga ganyan no? At anong puso-pusong sinsabi mo diyan? May ibang gusto yung tao no!"- inis kong sabi.
"Masyadong bitter! May crush ka ba kay Clay?"- siya.
"H-ha?? Wala no!"- ako.
"Sus! Nautal pa. Mabait naman si Clay, matalino at isa pa talented. So saan ka pa?"- siya.
"Wala akong time diyan Pretzel"- iwas ko.
"Kung hindi mo bubuksan ang mga mata mo sa magagandang katangian niya, paano bubukas yang puso mo sa may balak na kumatok diyan? Try to open up your heart Daf. Wala namang mawawala kong mag try ka. Just admit na lang at don't hide it dahil baka magsisi ka lang sa huli. Just follow your heart and don't forget to think"- siya
Mas naguguluhan na ako ngayon! May mga bagay talaga na mahirap i-admit.
Sa ngayon napagdesisyunan ko na manood muna ng Battle of the bands at pagkatapos didiretso ako sa swimming area.
Papunta akong gymnasium nang nag text si Clay.
'From: Clay ( headphone guy)
Manood ka Dafniey ha? Hihintayin kita. Promise gagalingan ko para sayo#Inspiredbyhersmile :)'
Mukhang hi di lang naman para sakin yung game niya, para din sa crush niya.
Madami nang tao sa gym nong dumating ako dahil nagsimula na. 3rd performer yung NIGHTWIND BAND at si Vince ang pumalit na guitarist kay Stacey.
As always wala pa ring kupas ang galing nila.
Time check, it's already 1:50! Kailangan ko ng pumunta sa Pool area!
Nag text si Clay kung nasaan na daw ako.
Magrereply na sana ako kaso nalowbat.
Nakipagsisikan ako para makalabas at tatakbo na sana ako nong hinarangan ako ni Pretzel.
"Why?"- ako.
"Samahan mo muna ako sa mall, bibili tayong paint ubos na eh"- siya.
"Pwede bang ikaw na lang?"- ako.
"No! Sige na bestie! Mabilis lang tayo"- siya.
Tsk! Sinamahan ko na lang siya.
Naglibot-libot kami sa mall at bumili ng paint.
Naging model pa kami ng make up promo sa mall pero okay lang dahil may bibigay naman silang cosmetics.
Pagdating namin sa school literal na nanlaki ang mata ko nang mapatingin ako sa relo ko.
2:50 pm na!
Iniwan ko si Pretzel at mabilis na tinungo ang pool area.
Pero nanlumo ako sa nadatnan ko.
Wala ng tao 😭😭😭
BINABASA MO ANG
That Smile ( COMPLETE ✔)
Teen Fiction" Smile is a curve that can make everything straight ^_^"