Chapter 13: I'm happy for my best friend 😃

14 7 0
                                    

[Dafniey's POV]

             3rd year college na kami at strong pa rin ang relationship namin ni Clay maliban sa kunting tampuhan. Pero pinag-uusapan agad namin at di namin pinapaabot ng isang araw na hindi nagbabati.

May communication na din si Stacey at Pretzel. Napilitan lang daw na mag-aral sa Switzerland si Stacey dahil hiling ito ng Papa niya na may taning na ang buhay. Nakokonsensiya nga ako dahil inaway ko pa siya.

Ngayon naman ay pupunta kami sa bahay nila dahil dadating na daw siya.

"Bestie kinakabahan ako na naeexcite"- si Pretzel habang nasa biyahe kami.

"Sus! Dito na tayo oh? Aatras ka pa ba?"- ako.

Shinake niya lang ang hands niya.

"Nasan na si Stacey?"- tanong ko kay Clay na nagmamaneho.

"Nasa bahay na daw nila"- siya.

"Excited na ko sa mangyayari!"- ako.

"Excited ka siguro dahil nandon si Kuya Case?"- Clay.

"Ayan ka na naman Clay! Seloso mo talaga. I love you ok?"- ako sabay hawak sa kamay niya.

"I love you too, don't ever leave me Daf"- siya sabay halik sa kamay ko.

"Grabe ha? Kinakabahan na ako dito nakuha niyo pang maglambingan? Astig!"- sarcastic na sabi ni Pretzel na ikinatawa namin.

Agad na dumating kami sa bahay nina Stacey. Wow! Ang laki!.

Pagpasok namin pinaupo kami ng mga maid at maghintay lang daw kami.

Sobrang lamig na ng kamay ni Pretzel.

"Hi guys!!!"

Sabay na napalingon kami sa hagdan.

Si Stacey! Mas lalong gumwapo, tumangkad, pumuti at gosh! Unexplainable.

"Hey Stacey! I mean Kuya Stacey! Welcome back"- Clay at nakipag man hug.

"Hello po Kuya Stacey welcome back po"- ako.

Pinakilala ako ni Clay bilang girlfriend.

Napatingin ako kay Pretzel na tulala lang na nakatingin kay Stacey. Nilapitan siya ni Kuya Stacey.

Di ko napigilang mapaluha dahil sa tagpo. Sinunggaban agad ni Pretzel ng yakap si Stacey at napaangat pa siya sa lupa.

"I miss you so much Babe!"- Stacey.

"I miss you too babe! I love you"- umiiyak na sabi ni Pretzel.

"I love you too babe. Thank you for patiently waiting"- Kuya Stacey.

"God has perfect timing. Never early, never late. It takes a little patience and it takes a lot of faith. But it's worth the wait babe"- Pretzel.

Maya-maya nagkwentuhan na kami hanggang sa dumating na yung other members ng Nightwind Band with their girlfriends. Masaya ang lahat dahil halata na miss na miss nila ang isa't-isa.

"Alam mo ba Kuya Stacey sinabi ni Pretzel na ikaw lang po ang mahal niya at pag nakita niya raw po kayo! Siya na daw mismo ang magpo-propose!"- ako.

"Hala bestie!"- Pretzel at kinurot ako.

"Aray!"- ako.

Napatingin kami kay kuya Stacey na seryosong tumayo.

"Hala Bestie! Babe huwag kang maniwala kay Dafniey!"- Pretzel.

Tahimik lang si Stacey at nanlaki ang mga mata namin ng biglang lumuhod ito sa harap ni Pretzel at may kinuhang singsing sa bulsa.

"Pretzel Mhine. Alam ko na you're mine at I'm yours. Will you marry me?"- Kuya.

Naghiyawan kami at nagpalakpakan.

"Huhu! Yes! Yes Stacey Buenaventura!"- Pretzel at sinuotan siya nito ng singsing.

Binati namin sila at I'm very happy for my best friend! Masaya ako dahil alam ko na sigurado na ako na magiging masaya siya sa piling ni Stacey.

After ng masayang handaan back to school na naman kami.

Wala pa ring tigil sa pagturo ng swimming si Clay at may mga babae talaga na hindi siya nilulubayan! Nagrereklamo na nga ako sa kaniya pero sabi niya na huwag daw akong magselos dahil ako lang daw ang mahal niya. At dahil mahal na mahal ko siya mayroon akong tiwala sa kaniya.

"Bestie samahan mo muna ako sa pool ibibigay ko lang tong lunch ni Clay"- ako.

"Sige"- siya.

Masayang nagku-kwentuhan kami tungkol sa love life namin.

"Kailan yung kasal niyo?"- ako.

"Next year daw"- siya.

"Maid of honor ako?"- me.

"Syempre!"- siya.

Pumasok kami sa pool area.

"S-si Clay"- si Pretzel at may tinuro. Lumingon ako.

*BLAG!*

Nahulog ang lunch box na dala-dala ko at maya-maya ay nagsipatakan ang mga luha ko.

Nadatnan namin siya na may kasang babae na naka one piece at magkayakap sila pero ang mas malala ay naghahalikan sila.

"D-dafniey!"- si Clay nang marinig niya ang paglaglag ng lunch bag sa sahig. Mabilis na lumapit siya sakin pero lumayo ako

"Y-you cheated on me"- mahinang sabi ko at mabilis na tumakbo palabas sa masamang lugar na iyon. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ako makapaniwala.

That Smile ( COMPLETE ✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon