[Dafniey's POV]
Nandito kami ngayon sa beach resort dito sa Inja Village. Excited na akong maligo! Naka short lang ako at sleeveless. Kunti pa lang yung tao dahil maaga pa.
"Clay pwede bang mauna na akong maligo?"- ako at lumingon sa kaniya.
😱😱😱😱
OMG! A-ang hot ni Clay! Naka swimming trunks lang siya at live na live sa mata ko yung mga abs niya.
"Pinagnanasaan mo ba ang abs ko Daf? Grabe ha?!"- siya.
Namula ako dahil sa hiya.
"Che! Asa! Diyan ka na nga!"- ako at iniwan siyang tumatawa.
Nag enjoy na lang ako sa paglangoy. Wooh!! Ang sarap ng tubig!
Nasa malalim na akong part at tinatanaw si Clay. Todo stretching naman siya.
"CLAY!!!"- ako.
"What??!"- sigaw niya pabalik.
"Hindi ka pa maliligo?!"- ako.
"Mamaya na!!"- siya.
"Ok!"- ako at nagpatuloy na lang sa paglangoy.
Si Clay lang ang taong nagpapasaya sakin pag malungkot ako. Lagi siyang nandyan sa tabi ko.
Napangiwi ako nong biglang sumakit yung paa ko.
Gosh! Pinulikat ako!
Naramdaman ko na lang na parang hinihila ako pababa kahit na anong pilit kong lumangoy at may nainom na akong tubig.
Sobra na ang bilis ng tibok ng puso ko at nahihirapan na akong huminga.
"C-CLAY!!!!... help me!!!, Clay!"
Hindi ko alam kung malakas yung sigaw ko. Hindi ko alam kung narinig niya dahil malayo ang pagitan namin.
Pumipikit na ang mata ko ng maramdaman kong may humila sakin.
"Hey Dafniey! Wake up!!"
Rining kong sabi ng kung sino at naramdaman kong nakahiga na ako sa buhangin.
"Hey Daf! Open your eyes now! Look at me!"
Hindi ko talaga mamulat ang mata ko , ang sakit ng ulo ko.
Naramdaman ko na lang na may mainit na bagay na dumampi sa bibig ko.
"Daf?! Don't you dare leave me!"
Napaubo na lang ako bigla.
"Dafniey? Sorry kung muntik ka ng malunod. Sana hindi na lang kita inaya dito. Sorry"- siya.
Agad ko na lang siyang niyakap. Naluluha ako dahil sa takot.
"Thank you Clay for saving me"- humihikbing sabi ko.
Hinarap niya ako sa kaniya at pinahid ang mga luha ko.
"Sshh.. stop crying ok?"- siya.
Tumango ako. Clay is my savior.
Pagkatapos non, pinaupo niya na lang ako sa cottage at pinanood ko na lang siyang lumangoy. Di pa rin ako makapaniwala na naligtas ako sa kapahamakan.
"Ok ka na Daf?"- siya.
"O-oo"- ako.
Inaya niya akong umuwi para daw makapagpahinga ako.
Wala akong magawa dito sa bahay! Paano kaya kung pumunta ako sa bahay ni Clay?
Tama!
Mabilis na lumabas ako ng bahay at nagdadalawang-isip pa na mag doorbell.
Pano kaya kung nandito parents niya?
Bumukas yung pinto at lumabas ang maid.
"Ano pong kailangan niyo?"- siya.
"Nandiyan po ba si Clay? Kaibigan niya po ako"- me.
Pinapasok niya naman ako dahil nasa loob daw ito.
Wow! Ang ganda at laki ng bahay nila.
Pumasok ako sa may sala nila.
"Clay?"- ako.
Naglibot-libot muna ako at napatigil ng may nakita akong box at may wheel ito na katulad ng sa daga. Hmmm...
"Wahh!! Ang cute!"- ako nong may dalawang hamster na lumabas.
Bubuhatin ko na sana kaso...
"Hey! What are you doing!?"- napatalon ako sa gulat.
"Ba't nanggugulat ka?"- ako.
"Haha sorry ano bang ginagawa mo?"- siya.
"Gusto ko lang pumunta dito at saka pahawak naman ng hamster!? Sayo ba to?"-ako.
"Yup! Pero kailangan ko silang dalhin sa Veterinarian. May sakit sila eh , nagkahawaan"- siya.
"Kawawa naman sila, samahan na kita?"- ako.
"Sige"- siya at binigay sakin yung white hamster.
Sumakay kami sa motorsiklo.
"Ano name nila?"- ako.
"Yung hawak mo ay si Fluffy at itong brown ay si Smiley. Bigay ni Mommy nong grade 10 completion."- siya.
Hindi nagtagal pumasok kami sa 'Pet Love & Care'
"Tito Clay!"-bungad samin ng isang cute na bata.
"Jeff?? Where's your mom?"- Clay.
"Sa loob po. Hi po? Girlfriend ka po ba ni Tito Clay?"- siya. Nagulat naman ako.
"A-ah hindi, friend lang kami. Tawagin mo kong tita Dafniey"- ako.
"Sige po"- siya.
Nakita kong may binulong si Clay sa bata na siyang kinangiti nito. Umalis si Jeff para tawagin ang mommy nito.
"Hoy! Ano naman yung sinabi mo sa bata?"- ako.
"Secret"- nakangising sabi niya na ikinairap ko.
May lumabas na magandang babae at naka doctor's gown ito.
"Oh Clay? Kamusta si Smiley at Fluffy?"- siya.
"They're sick"- Clay at inabot sa babae ang dalawang hamster.
"Clay, introduce mo naman ako sa magandang babae na kasama mo"- siya. Inakbayan ako bigla ni Clay.
"Dafniey meet tita Shylen at Tita meet Dafniey"- Clay.
"Ang cute ng pangalan mo. Girlfriend ka ba ng loko-lokong to?"- tita Shylen.
"Po?! Hindi po, friends lang po kami at may crush na po yan"- ako.
Tumingin ito kay Clay at napangiti.
"Nice to meet you"- siya at pumasok sa loob.
"Ba't ba palagi tayong napagkakamalan?"- ako.
"It's simple! I'm handsome and you're beautiful"- siya.
"Anong konek?"- ako.
"Bagay tayo"- siya.
Napatigil ako , ba't ba ang hilig niyang manggulat sa mga banat niya?
Natauhan kami nong may babaeng pumasok.
"Clay! Long time no see! What's the news? May girlfriend ka na ba?"- tanong nito.
"No pero soon"- Clay.
"Tsk! Tsk! Ang hina mo!"- sabi nito at pumasok sa isang room.
"Sino yun?"- ako.
"That's Tita Shylen's sister. Registered nurse kasi yan sa Center for Mental Health at medyo nahawa na yata siya sa kaniyang mga pasyente"- Clay.
Napatawa naman ako don.
BINABASA MO ANG
That Smile ( COMPLETE ✔)
Teen Fiction" Smile is a curve that can make everything straight ^_^"