[Dafniey's POV]
Naiiyak ako dahil sa katangahan ko, naninikip ang dibdib ko dahil may pinaasa akong tao.
Naluluhang tinawagan ko si Clay pero patay yung cp niya, out of coverage.
Hindi ako nag-aksaya ng panahon at nilibot ko ang buong campus pero hindi ko talaga siya makita.
Kailangan kong humingi ng tawad sa kaniya , kung mapapatawad pa niya ako.
"Nakita niyo ba si Clay?"- tanong ko sa kaklase niya.
"Ah! Nakita ko siya kanina dito at mukhang matmlay kahit na siya ang gold medalist. Teka! Ayun siya oh!"- turo nito sa gate at papalabas na nga si Clay.
Tumakbo ako, siya pala ang gold medalist mas lalong na guilty ako.
"Clay!!! Sandali lang!"-ako.
Napatigil siya pero hindi lumingon pero maya-maya nagpatuloy siya sa paglakad at sumakay sa motor niya.
"Clay! Wait!"- ako.
Napatigil siya sa pagsuot ng helmet. Lumapit ako sa kaniya.
"C-clay, sorry kung hindi ako sumipot. S-sorry kung hindi kita nasuportahan. Sorry kung... Na disappoint kita"- naluluhang paliwanag ko.
Blangko lang ang ekspresyon ng mga mata niya at mas lalong hindi ako napanatag.
"I've learned a lesson. I should not waste my trust to someone who cannot keep her promise"- siya at sinuot ang helmet at pinaharurot ang motor niya.
Napaupo na lang ako at napaiyak. Tagos na tagos kasi yung sinabi niya eh. Bagay na bagay talaga sakin. Nasaktan ko siya ng sobra. Sobrang nagsisi ako sa mga desisyon ko.
Simula non nanotice ko na iniiwasan niya ako. Namamasdan ko lang siya sa malayo na nag-iisa at hindi ko naman siya malapitan dahil nahihiya ako. Napabuntong hininga ako.
"Hay naku Dafniey? Pang-ilang buntong hininga mo na yun? Lapitan mo na kaya siya at kausapin?"- Pretzel.
"Nahihiya ako. Gusto ko mang mag explain sa kaniya pero di ko alam kung saan ako magsisimula"- ako.
"Na realize mo na ba kung bakit nag-aalala ka kay Clay?"- siya. Napuno ng question marks ang utak ko.
Napailing-iling ako at napahampas siya sa mesa.
"Gosh! Sa pag-ibig merong tanga at manhid. Tanga ka na nga nagmahal ka pa ng manhid at manhid ka na nagmahal ka pa ng tanga. Diyan ka na nga muna bestie. Good luck and congrats na lang pag na realize mo na"- siya.
Pagkatapos ng klase parang zombie na naglalakad ako sa hallway, gulong-gulo ako.
Nung pagliko ko may nabangga ako.
"S-sorry"- ako.
Naramdaman ko ang pagpintig ng puso ko. Napaangat ako ng tingin at nakasalubong ko ang mga mata na hindi maalis sa utak ko.
"Daf..."- siya.
Nag-unahan sa pagpatak ang mga luha ko at hindi na ako nagdalawang isip na yakapin siya ng mahigpit.
"Clay *sob* sorry na kasi. Hindi ko naman kasi sinasadya na hindi umattend eh *sob* nagmamadali naman talaga ako eh kaso sinamahan ko si Pretzel sa mall. Sorry talaga Clay *sob* "- humihikbing sabi ko.
Kumalas siya sa yakap at pinunasan ang luha ko.
"Shh.. stop crying. Sorry for being snobbish. It's just that I expected too much. Dafniey give me one month para maging klaro sakin ang lahat. Naguguluhan na talaga ako sa lahat ng bagay. Huwag muna tayong mag-usap, act like we don't know each other same like we first encountered. Back to the old times"- siya.
Alam ko sa sarili ko na napakahirap itong tanggapin. Masyado na akong nasanay na kasama siya.
"K-kung yan ang gusto mo *sob* papayag ako"- me.
Nakatayo lang ako nong nilagpasan niya ako.
(After 1 month)
Hindi naging madali sakin ang lahat. Pinipigil ko ang sarili ko na wag magselos pag kasama ni Clay ang babae na tini-training niya sa swimming. Parang palagi na nga silang magkasama.
Sa 1 month na nagdaan may mga bagay akong narealize.
Mabilis ko siyang ma miss at gusto ko na palagi ko siyang nakikita, makasama.
At isa pa sa narealize ko na tinutukoy ni Pretzel.
MAHAL KO SI CLAY.
Take time to realize daw eh at tama nga naman. Hindi ko na mapipigilan dahil nandito na eh. Kailangan ko na lang na maging handa sa mga consequences.
Matagal na din akong nakalipat ng bahay at hindi na sa INJA Village.
Mamimiss ko ang way of communication namin , yung paper plane.
At ngayon ito na ang hinihintay ko, ang 1 month palugit ni Clay. Sana naman kausapin niya na ako.
Hindi ko alam kung ano ang mga bagay na gumugulo sa isip niya at kailangan niyang resolbahin.
BINABASA MO ANG
That Smile ( COMPLETE ✔)
Genç Kurgu" Smile is a curve that can make everything straight ^_^"