Chapter 6: What's with him?

10 8 0
                                    

[Dafniey's POV]

    Nitong nagdaang buwan mas naging close kami ni Clay. Nalaman ko na din ang totoong personality niya! Grabe sobrang kulit pala!

Nandito kami ngayon sa tapat ng gate nila at kahit 8:00 pm na nagku-kwentuhan pa rin kami.

*Beep-beep*

May humitong sasakyan sa harap namin.

"Tskk!"- siya.

Tumayo ako nong tumayo siya.

Lumabas sa sasakyan si C-case.

Biglang lumakas ang tibok ng puso ko ng nakangiting lumapit siya samin.

"Good eve Clay"- si Case at tumingin sakin.

"Hmm.. wait you're familiar?!"- siya at halatang nag-iisip. Natatandaan niya pa ba ako?..

"You're Dafniey Paris right?"- siya.

"Yes"- ako.

"Hmm magkakilala na pala kayo ng kapatid ko"- siya.

"Oo"- ako at napatingin kay Clay.

😑  <------ ganyan lang reaksiyon niya.

"Haha! It's nice to see you again Dafniey. You can visit here if you want and you're welcome here. Just call me Kuya Case"- siya.

Feel ko nanlamig ang kamay ko.

Kuya case... Kuya case... Kuya Case... Kuya???

"Kuya ihahatid ko muna si Dafniey"- wala sa mood na sabi ni Clay at hinatak ako papuntang bahay.

Sobrang tahimik niya.

"Night Daf"- siya at tumalikod.

What's with him?

"Ah Clay! Ba't ang tahimik mo?"- ako.

"Nothing. Now please go and sleep we still have a class tomorrow"- siya.

"Thank you. Goodnight Clay"- ako at pumasok na ng bahay.

Nakapag move on na naman ako ah? Eh ba't ganito? Ba't parang naiilang ako nong sinabi niyang tawagin ko siyang kuya?

Siguro naninibago lang ako at hindi sanay.

------------>>>>>>>

Pagdting sa school nakita kong tumatakbo na lumabas si Pretzel ng room at umiiyak?! Agad ko siyang sinundan.

"Pretzel!"- ako at tumigil kami sa ilalim ng puno.

Tumabi ako sa kaniya at hinimas ang likod niya.

"Best? Anong problema?"- ako.

" N-nakipag break *sob* na siya sakin"- siya.

Nagulat naman ako. Paano mangyayari to?! Eh halata namang mahal na mahal ni Stacey tong kaibigan ko?!.

"Bakit daw?"- ako.

"H-hindi niya na daw *sob* ako mahal. Hindi ako naniniwala *sob* don mahal ko kasi siya eh! Tapos *sob* kahapon nakita ko siyang may kasamang *sob* iba!"- iyak niya.

Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Hahayaan kitang umiyak Pretzel para mailabas mo lahat ng hinanakit mo. Humanda sakin ang lalaking iyon!"- galit kong sabi.

Naiinis talaga ako kapag nakikita kong umiiyak ang mga taong mahal ko.

Pinauwi ko siya at sinabihan na huwag gumawa ng mga katangahang bagay sa bahay.

Kasalukuyang hinahanap ko ang walang hiyang Stacey na iyon!

Nakita ko siyang papaliko sa may swimming pool area at kasama niya si Case, Drid, at Vince.

Mabilis na hinarangan ko ang dadaanan nila.

"Daf----"

*PAK!!*

Sampal ko kay Stacey.

"Manloloko ka Stacey!! Niloko mo ang kaibigan ko! Minahal ka niya ng sobra pero sinaktan mo lang siya!"- galit na galit kong sabi.

Nakayuko lang siya. Pinipigilan ako ni Case pero patuloy lang ako sa pagtulak kay Stacey.

"I'm sorry. I-I have my own reason"- siya.

"Lunukin mo yang reason mo! Bitiwan mo ko Kuya Case"- ako at agad na tinalikuran sila.

That Smile ( COMPLETE ✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon